Chapter 16
Sophia Point of View
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Steve yun. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa bangkay na pinatay ni Steve.
Hindi sa malamang dahilan pero bigla nalang ako napasigaw at nawalan ng malay.
→Fast Forward←
Nagising ako sa isang kama at puro puti ang nakita ko ng ibuklat ko ang aking mata.
Nilibot ko pa ang paningin ko at natagpuan ko ang sarili ko na nasa clinic pala ako.
Bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun. "Sophia."
Naiiyak ako. Nagagalit ako. Naiinis ako. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon. Bakit nya ba ginagawa iyon?
"Umalis kana."
"Pe——"
Lalapitan sana ako nito kaso bigla akong nagsalita. "Umalis kana!! Leave!"
Kita ko ang sakit sa mata nito pero wala akong pakelam. Wala itong nagawa kundi lumabas dahil halos lumabas na ang ugat ko nung sumigaw ako.
Biglang pumasok ang isang nurse at agad akong nilapitan. "Are you okay Ms. Sophia?"
"Yes, please leave me alone."
"Yess ms. Sophia."
Lumabas na ito. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ng driver namin sa mansion.
→Fast Forward←
Tinulungan akong tumayo ni Mang Mastor. Si Mang Mastor ang driver namin sa mansion. Asawa naman nya ang katiwala sa mansion dahil wala sila mama at papa. Tanging mga katulong at driver lang ang nakatira sa mansion.
Nagpahatid ako sa condo ko pero hanggang tapat lang dahil kaya ko naman at hindi na ko masyado nanghihina.
Pagpasok ko agad akong umupo sa couch at pinikit ang mata. Sa pagpikit ko ay nakikita ko kung pa'no sinasaksak ni Steve yung lalaki na nagpakilala sakin kanina.
Hanggang sa nakatulog ako ay yun parin ang nasa isip ko.
Steve Point of View
Masakit para sakin, lalo na nung tinaboy ako ni Sophia. Masakit sakin bilang boyfriend na ipagtabuyan sya ng girlfriend nya.
"Okay lang yan, Steve."
Nandito kami sa bar ni Darren, pag-aari nya itong bar kaya tahimik ngayon ang bar. Pina-close nya muna kasi bago mag-inuman kami.
"Sobrang sakit." Umiiyak kong wika.
Tinapik nito ang balikat ko. "Magkaka-ayos din kayo, nagulat lang yun sa nalaman nya."
"Sana nga."
Huli kong wika bago ako bumagsak sa couch pahiga.
→Fast Forward←
Nagising ako nang maramdaman kong tumatama ang araw sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat at nasa couch parin pala ako.
Tumingin ako sa kabilang couch at nakita kong tulog rin si Darren. Tsk!
Tumingin ako sa wall clock at six thirty na pala kaya mataas na ang araw. Tumayo ako at nagiwan muna ng note kay Darren bago nilisan ang bar nya.
Sumakay ako sa kotse at nagdrive papunta sa condo ni Sophia. Nang makarating ako sa harap ng condo unit nya.
Dahan-dahan akong pumasok at naabutan ko itong natutulog sa couch. Umupo ako sa tabi nito na walang ginagawang ingay.
Tinitigan ko ang mukha nito at pansin kong mugto ang mata nya. Galit ako sa sarili ko, hindi sana mag-aaway kami ni Sophia kung nag-ingat lang ako.
Masyado kasing pinapairal ko ang galit at inis at selos ko. Nakakabwiset!
→Fast Forward←
Halos isang oras ko ng tinititigan ang mukha ni Sophia. Tumingin ako sa wall clock at eight o clock na pala.
Tumayo ako at tinungo ang kitchen area nya para magluto ng breakfast namin.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mystery / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018