Epilogue
Sophia Point of View
Sobrang saya ko ngayon dahil nakagraduate narin kami ni Steve. "Congrats love."
Sabi ni Steve at hinalikan ako sa noo. "Congrats din love."
"Tara na."
Tumango lang ako at sumakay na kami sa kotse nya. Kinabitan muna nya ko ng seatbelt bago nagdrive patungo sa airport.
Hihih! Ngayon na kasi ang punta namin sa america, next week na kasi kami ikakasal at gusto ng magulang ko na sa america kami magpakasal ni Steve.
Oo next week na ang kasal dahil nang malaman ng magulang ko ang tungkol sa pag-propose sakin ni Steve, gusto na nila agad kaming ipakasal.
Si Steve naman ay natuwa naman dahil malapit na daw nya ko maitali sa kanya. Ako nga rin eh natuwa eh, at excited na ko ngayon.
Gusto rin ng magulang ni Steve sa america kaya tuloy na tuloy ang kasal. Whahahah! Magiging Sophia Montero nadin ako.
"Bat nakangiti ka, love?" Tanong ni Steve habang nagdadrive.
"Wala."
"Weh? Baka naman iniisip mo ko." Mayabang nitong sabi.
"Hindi ah. Feeling." Sabi ko at tumingin sa bintana.
Narinig kong tumawa ito. Hay! Ang sarap talaga sa tenga kapag tumatawa yung mahal mong tao.
Steve Point of View
After minutes of driving nakarating nadin kami sa airline na pagmamay-ari ni dad. Dumeretso kami sa airport road dahil private plane yung sasakyan namin.
Nang makarating kami malapit sa eroplano, hininto ko na ang kotse at bumaba.
Hinagis ko sa isang bodyguard ang susi ng kotse ko at pinagbuksan ng pinto si Sophia.
"Tara love."
Inalalayan kami ng pilot na pumasok sa loob ng eroplano. Umupo kami sa bandang dulo at sa tabi ng bintana umupo si Sophia dahil gusto nya daw makita yung clouds. Ahahah! Parang bata.
Natulog muna ako dahil eight hours pa ang byahe. Niyaya ko rin matulog si Sophia pero sabi nya ay papanoorin nya pa yung mga clouds kaya naman tumango nalang ako at pumikit na.
Sophia Point of View
Magsasalita sana ako pero pagharap ko sa katabi ko ay nakita ko itong mahimbing na natutulog.
Napangiti nalang ako dahil sa hindi malamang dahilan. Hinawi ko ang buhok ni Steve na humaharang sa noo nya at hinalikan ang kanyang noo.
"Ang gwapo talaga ng love ko."
Niyakap ko ito at sinandal ang aking ulo sa dibdib nya. Pumikit ako at nakangiti akong natulog.
→Fast Forward←
Nandito na ko ngayon sa hotel na tutuluyan ko. Kasama ko ngayon si Brix dito at si Steve naman ay dun sa ibang hotel tutuloy.
Sabi kasi ng magulang namin bawal muna kami magkita, text at call lang muna. Naniniwala kasi yung mga magulang namin sa pamahiin eh.
Kainis nga eh, wala pang one hour kami hindi nagkikita ni Steve pero miss na miss ko na sya.
"Ate bat ang haba ng nguso mo dyan?" Tanong ni Brix habang naglalaro ng play station.
"Miss ko na sya." Mahina kong sabi.
"Wala pa ngang one na naghihiwalay kayo eh, miss muna agad?" Sabi nito.
"Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao. Pag nag mahal ka, ganito rin ang mararamdaman mo kapag nalayo sya sayo kahit isang minuto palang." Paliwanag ko.
"Okay. Pero bata pa ko, past muna ko dyan." Sabi nito.
Hyst! Kainis, sila mama kasi eh! Dapat pala kumontra ako. Arghhh! Nakakabored.
~End of Epilogue~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Epilogue
![](https://img.wattpad.com/cover/151392885-288-k524814.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mistero / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018