Chapter 27
Steve Point of View
Mabilis lumipas ang araw at nandito na kami ngayon sa airport dahil uuwi na ulit sila tita ng ibang bansa.
Malapit na kasi ang pasukan ni Brix kaya kailangan na nila bumalik ng america.
Matapos magpaalam ni Sophia sa nanay at kapatid nya, saktong tinawag na ang flight nila tita kaya pumasok na sa loob sila.
Kita ko sa mukha ni Sophia ang lungkot kaya inakbayan ko ito. "Uwi na tayo."
Ngumiti ito at sabay na kaming naglakad. Papasok na sana ako sa kotse pero biglang may humampas na kahoy sa likod ko.
Hinampas muli ako nito kaya napahiga ako, narinig kong tinatawag ako ni Sophia. Gusto ko syang lapitan kaso unting-unti na pumikit ang mata ko.
Sophia Point of View
"Wag kana pumalag, masasaktan ka lang." Sabi nung lalaki at sinakay si Steve sa kotse.
Napasakay narin ako dahil tinulak ako nung isang lalaki. Tinabihan ko si Steve at agad chineck kung humihinga pa.
"Thank god." Bulong ko.
"Miss buhay pa yang boyfriend mo, wag ka mag-alala." Sabi nung lalaking katabi ko.
"Sino ba kasi kayo?!" Galit kong tanong.
"Hindi namin sasabihin." Mapang-asar itong ngumiti.
Bwiset!!
"ANO BANG KAILANGAN NYO?! PERA?! PAKAWALAN NYO NA KO, BIBIGYAN KO KAYO NG PERA!!"
"Shut up! Hindi namin kailangan ng pera." Sabi nung lalaking nagdadrive at may inabot sa lalaking katabi ko.
Bigla nya itong tinusok sa braso ko at bigla akong nanghina. Dahan-dahan rin pumikit ang mata ko. Narinig ko pa ang tawa nila bago tuluyan akong mawalan ng malay.
Steve Point of View
Nagising ako ng maramdaman kong may sumisipa sa paa ko. Dahan-dahan akong nagmulat.
Nilibot ko ang aking paningin. Napabalikwas ako ng maalala ko ang nangyari.
"NASAN ANG GIRLFRIEND KO?!" Matalim kong tinignan ang lalaking gumising sakin.
Ngumisi ito. "Kumain ka muna, don't worry buhay pa yung girlfriend mo."
Inabot nito sakin ang isang tray na naglalaman ng pagkain pero sinipa ko ito kaya tumilapon sa mukha nya yung tray.
Gulat itong napatingin sakin at sasapakin sana ako pero sinipa ko ang kanyang kamao at sa sobrang lakas ay napahiga sya sa sahig.
Pinilit akong tumayo kahit nakatali patalikod ang aking kamay. Nakita ko sa gilid na may maliit na gunting kaya kinuha ko agad ito at sinimulan tanggalin ang tali na nasa kamay ko.
Saktong pagkatanggal ng tali sa kamay ko ay bumukas ang pinto. "Anong na——"
Bago pa matapos ang sasabihin nya ay kinuha ko na agad ang tray at hinagis sa mukha nito.
Kinuha ko yung baril nya at lumabas. Paglabas ko ay may nagpaputok agad sa direksyon ko kaya kinasa ko ang baril at pinaulanan ng bala yung nagpaputok.
May isa pang bumabaril sakin pero dahil magaling ako ay naiiwasan ko. Binaril ko ito at sakto sa noo. Binaril ko rin yung isa at sa mata naman tumama.
Sinimulan ko na hanapin si Sophia at kada may nakikita akong kwarto ay pinapasok ko. Shit! Ang laki naman ng bahay na 'toh.
Ughhhh!!! Nasan kana ba love?
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Tajemnica / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018