Special Chapter 2

108 3 0
                                    

Special Chapter 2

Steve Point of View

"Bro kinakabahan talaga ako."

"Wag kang kabahan bro, chillax ka lang."

Huminga ako ng malalim at bumuga. Hyst! Kinakabahan ako, baka magkamali ako mamaya.

"Kaya ko 'toh."

Bulong ko at pumikit ng mariin.






Sophia Point of View

"Bes congrats." Umiiyak na sabi ni Nami.

"Para kang tanga, wag ka ngang umiyak. Hindi ako mamamatay." Binatukan ko ito.

"Ano ba! Yung hair ko baka masira." Maarte nitong wika.

Tignan mo 'toh, kanina umiiyak tas ngayon nag-iinarte.

"Pero bessy kinakabahan ako mamaya." Nanginginig kong sabi at hinawakan ang kamay ni Nami.

"Don't worry bessy, nandito lang ako sa tabi mo." Malambing nitong wika kaya't napangiti ako.

Hsyt! Sana hindi pumalpak. Diz zi zit! Aje!

→→→→→→→→→→→→→→→

"You may now kiss the bride."

Yun ang pinaka-masarap pakinggan at sa wakas ay narinig ko narin. Dahan-dahan nyang tinaas ang belo ko at ngumiti muna bago ako hinalikan sa labi.

Habang nakadikit ang labi nya sa labi ko ay naririnig kong nagpapalakpakan ang mga taong nanonood samin.

Humiwalay na ito sakin at pinagdikit ang noo. "I love you."

"I love you too."

→Fast Forward←

"Ready na po bride and groom, magsisimula na ang sweet message." Sabi nung host at bumaba ng stage.

Tumingin kami sa stage at nakita namin na umakyat sa stage si Nami. Kumaway ito na parang nahihiya.

"Hi lovers. Alam nyo naiinggit ako sa inyo, yung boyfriend ko kasi ayaw pa ko pakasalan eh." Sabay simangot nito kaya natawa ang mga bisita. "Pero lovers tandaan nyo marami pang dadaan na problema sa inyo kaya sana malagpasan nyo at wag nyong hahayaan na may sumira ng relasyon nyo. Yun lang, i love you!"

Bumaba na si Nami ng stage at sunod naman na umakyat ay si mommy. "Hi mga anak, masaya ako dahil kasal na kayo. Hindi nga kami nagkamali, kayo nga ang para sa isa't-isa. Masaya kaming lahat dahil nagkatuluyan kayo, wag kayong maghihiwalay ah, kotongan ko kayong dalawa. I love you mga anak!"

Bumaba na si mommy ng stage at sumunod na umakyat ay si tita. Mommy ni Steve.

"Hi mga anak, mag-iingat kayo lagi ah, wag nyong papabayaan ang sarili nyo. Magmahalan kayo at wag kayong magkakasakitan . . . Sophia sumbong mo samin ng tito mo kapag may ginawang kalokohan si Steve. Hyst! Ano ba yan hindi ako marunog mag-speech." Natawa kami sa sinabi ni tita. "Basta yun na yun, i love you babyboy and babygirl."

Bumaba na si tita at si Daddy naman ang sunod na umakyat. "Hi mga ka-business partner. Hi mga anak." Kumaway samin si dad. "Ngayong kasal na kayo, sana lalong maging matatag ang relasyon nyo, basta lagi nyo lang intindihan ang bawat isa tsaka Steve wag mong sasaktan ang unica hija ko huh! Lagot ka sakin."

Pagbabanta ni dad pero tumawa lang si Steve at tumango kay daddy. Bumaba na si daddy at sumunod na umakyat ay si Brix.

"Hi ate, hi kuya Steve. Sobrang saya ko dahil kasal na kayo, sana yung pangako mo sakin tuparin mo, basta wag mong sasaktan ang ate ko ah, babawiin ko yan sayo. Yun lang, alabyow!"

Bumaba na si Brix at marami pang nagbigay samin na mensahe. Three o clock na ng maka-punta kami sa hotel room namin.

Bukas na bukas ay lilipad kami patungong pilipinas dahil gusto daw doon mag-honeymoon ni Steve.

Gusto nya daw sa tagaytay, favorite place daw kasi namin yun.

Alam kong marami pang dadating na problema samin ni Steve pero sisiguraduhin namin na malalagpasan namin iyon at nangangako ako na kahit kailan man ay hindi ko sya bibitawan. Sobrang saya ko dahil sya ang napangasawa ko, sya lang ang gusto ko maging daddy ng magiging anak ko. Kung magkaron man kami ng anak, sana kaisng tapang nya ang daddy nya at sana maging mapagmahal ang anak ko. Magiging masaya naman ako kahit wala kaming maging anak, dahil kay Steve palang ay kuntento na ko kaya sinusumpa ko sa diyos na hindi ko sya bibitawan, kahit si kamatayan pa ang maghiwalay samin, hinding-hindi ako bibitaw. Si Steve lang ang mahal at mamahalin ko habang buhay at yan ang sinisiguro ko.


~Wakas~


Hi po sa mga sumuporta sa story ko, maraming salamat sa pag-suporta at pagbasa ng story ko. Mahal na mahal ko kayo, sana suportahan nyo din ang mga iba komg ginawang story. Alabyow!

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon