Chapter 29
Steve Point of View
Masaya akong naglalakad papunta sa jewelry shop. Nang makarating ako sa loob, agad akong binati ng mga staff.
"Goodafternoon sr. Steve."
Ngumiti lang ako. Pumunta ako sa rings section. Pumili ako ng singsing at halos puro maganda kaya nahirapan akong pumili.
Maya't-maya may nakita akong isang ring na nasa dulo at simple lang ito pero maganda.
"Miss patingin nga yun." Sabay turo dun sa singsing.
Tumango yung babae at kinuha yung singsing. Nilapag nito sa harap ko. Hmm . . Ang ganda nga.
Inabot ko sa kanya yung ATM ko at naupo muna sa couch.
*RING!*RING!*RING!*
Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa cellphone ko. Siya pala.
"Hello love?"
"Love nasan ka?"
"Nasa Jewelry shop po."
"Anong ginagawa mo dyan?"
"May binibili lang."
"Bilisan mo, puntahan muna ko."
"Okay love." Pinatay ko na ang tawag.
"Sr. Okay na po." Rinig kong sabi nung babae kaya tumayo na ko at lumapit dun sa babae.
"Salamat sr." Kinuha ko na yung ATM at paper bag tas ngumiti muna sa babae bago umalis ng jewelry shop.
Sumakay na ko sa kotse at binuksan ang paper bag. Kinuha ko yung box nilagay sa bulsa ng coat ko.
Nakangiti ako habang pinapaandar ang kotse ko patungo sa kanya.
→Fast Forward←
Dahan-dahan kong pinihit yung door knob at naabutan ko syang tinuturukan ng gamot.
Nilapitan ko ito. "Hi love."
Tumingin ito sakin pati yung doctor. "Goodafternoon Sr. Steve."
"Goodafternoon din Doc. Ano yung tinurok mo sa kanya?" Umupo ako sa kama ni Sophia.
"Pampawala ng kirot sa sugat. Kumikirot daw kasi yung tahi nya eh." Sabi ni Doc. Alyana.
"Ah okay, doc." Bumaling ako ng tingin kay Sophia. "Okay kana ba? May sakit pa ba?"
"Wala na." Nakangiti nitong sabi.
"Cge po alis na ko, marami pa po akong pasyente." Paalam ni Doc.
Tumango lang kami at lumabas na sya. "Steve?"
Tumingin ako kay Sophia. "Hmm?"
"Gusto kong lumabas, labas tayo." Sabi nito.
"Huh? Baka bumuka yung tahi mo?" Nag-aalala kong sabi.
"Hindi yan, dinoble naman 'toh ni Doc eh." Sabi nito.
"Okay." Tumayo ako at kinuha yung wheel chair nya. Tinulungan ko syang umupo sa wheel chair.
"Tara." Sabi ko at tinulak na sya palabas. Lumabas kami ng hospital at dinala ko sya sa tabing dagat.
Habang tinutulak ko sya ay nagkwe-kwentuhan kami. "Alam mo love nabobored na ko sa hospital."
"Kunting tiis nalang love, makakalabas kana rin ng hospital."
Si Sophia ang nasa hospital dahil yung araw na nasa peligro kami ay binaril ako ni Tanda pero hinarangan ako ni Sophia at sa kanya tumama ang bala.
Sobra akong nagalit nun at halos patayin ko na si Tanda. Hindi na ko tumawag ng pulis at ang ginawa ko ay pinatawag ko ang mga bodyguard ko tas inutusan silang patayin si Tanda.
Gusto man akong pumatay kay Tanda pero hindi pwede dahil nauubusan na ng dugo si Sophia.
Akala ko nga mawawala na sakin si Sophia eh, pero napakabait ng dyos. Dahil kahit ang dami kong nagawang kasalanan, hindi parin nya kinuha sakin si Sophia.
Huminto ako sa pagtulak sa kanya at lumuhod sa harap nya. "Love ang ganda ng buwan oh."
Sabay turo ko sa buwan. Tumingin naman ito dun kaya agad kong dinukot sa bulsa ng coat ko yung box.
Sophia Point of View
Tumingin ako sa buwan at muling tumingin kay Steve. Nangingiligid ang luha ko habang nakatingin sa kanya.
Nakaluhod ito habang may hawak na singsing at nakangiti sakin. "Sophia alam kong bata pa tayo para dito pero alam kong marami pang darating na problema kaya sana bago dumating ang problema na iyon, sana kasal na tayo."
Umayos ito ng pagkakaluhod. "Will you marry me?"
Naluluha nitong tanong. Bumagsak narin ang luha kong pinipigilan. "Yes."
Mahina kong sabi. Sinuot nya sakin yung singsing at niyakap ako agad. Niyakap ko rin sya at sa balikat nya ko umiyak. Sobrang saya ko, wala ng mapaglalagyan ng saya ko ngayon.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mistério / SuspenseAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018