Chapter 05

135 5 0
                                    

Chapter 05

Sophia Point of View

Nagising ako ng may maamoy akong ulam at parang nanggagaling sa kusina ko.

Kahit antok na antok pa ko ay pinili ko ng tumayo, baka mamaya pinasok na pala ako.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko at sumulip sa kitchen area ko.

Nakahinga ako nang maluwang ng makita ko si Steve na nagluluto. "Jusko, ikaw lang pala."

Lumingon ito sakin. "Oh gising kana pala, kamusta ang tulog mo?"

Lumapit ito sakin habang hawak ang spatula at hinalikan nya ko sa pisngi ko.

"Maayos naman, ano palang ginagawa mo dito?"

Binalikan nya ang niluluto nya.

"Sinusundo ka, diba may pasok tayo? Ayoko naman na magdrive ka kaya sinundo nalang kita. Tsaka diba binigay mo sakin yung passcode ng condo mo? Kaya nakapasok ako."

"Okay, cge maliligo muna ako."

"Cge pero bilisan mo ah, malapit na matapos 'tong niluto ko."

Tumango lang ako at pumasok na muli sa kwarto ko, kinuha ko yung towel at pumasok na sa loob ng CR.






Steve Point of View

Kanina pag-gising ko, si Sophia ang agad pumasok sa isip ko kaya naisipan kong puntahan sya.

Kaso pagpasok ko sa kwarto nya, naabutan ko pa syang tulog kaya nagluto muna ako ng breakfast namin.

→Fast Forward←

Nang matapos sya magbihis, agad kaming lumabas ng condo nya. Sumakay kami sa elevator at bumaba kami sa basement.

Pinagbuksan ko muna sya ng pinto at hinintay ko rin muna sya sumakay bago ko sinara yung pinto atsaka umikot para sumakay sa driver seat.

Papaandarin ko na sana yung kotse pero bigla akong napatingin kay Sophia. Nakita kong hindi pa nakakabit yung seatbelt nya kaya lumapit ako rito.

"A-anong g-ginagawa m-mo?"

"Kinakabit yung seatbelt mo."

Nang matapos kong ikabit, umayos na ko nang upo at pinaandar na ang kotse papunta sa university.






Sophia Point of View

Tahimik lang ako habang nagdadrive si Steve, hindi parin kasi ako makapaniwala na namatay na sila JC at Lim.

At sa iisang lugar pa na tagpuan ang katawan nilang dalawa, pero ang pinagtataka ko.

Sino ang papatay sa kanila? Samantalang sa pagkakaalam ko wala namang kaaway si JC or Lim at mabait silang tao.

Hindi nila ugali mang-away or makipag-away.

Hayy! Sana mahuli na talaga yung pumatay kay JC at Lim, at pag nalaman ko kung sino ang pumatay sa kanila. Sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan.

Grabe! Kung may ginawa man sa kanya si JC or Lim, pwede naman nyang bugbugin pero para patayin, ang unfair naman ata nun.

"Love nandito na tayo."

Natauhan ako ng magsalita si Steve. "Sorry."

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at bumaba na ng kotse. Bumaba narin ng kotse si Steve at inakbayan ako.

"Bat tulala kaba kanina? Iniisip mo parin ba yung pumatay kila JC at Lim?"

"H-hindi." Sumulyap ako sa relo ko. "Tara na love, hatid muna ko. Malelate na ko."

Alam kong gusto pa nitong magtanong pero pinili nalang nya ngumiti at naglakad na kami patungo sa classroom ko.

Nang makarating kami sa tapat ng classroom, agad syang nagpaalam sakin.

Pumasok na ko sa loob nang classroom at naabutan ko si Nami na nagsusuklay. Naupo ako sa tabi nito.

Agad kong dinukdok ang mukha ko sa desk. "Besh anyare sayo?"

Rinig kong tanong nito.

Hindi ko ito pinansin, nanatili lang na nakadukdok ang mukha ko sa desk. Inulit pa nito ang tanong pero hindi ko parin sinagot at pinikit ko nalang ang aking mata.







Steve Point of View

Nang matapos ang class ko, agad kong pinuntahan yung classroom nila Sophia.

Habang naglalakad ako sa hallway, pansin kong may sumusunod sakin kaya lumiko ako at naglakad patungo sa office ko.

Pumasok ako sa loob ng office ko at umupo sa swivel chair ko. Binuksan ko yung drawer ko at hinanap ko yung tatlong shuriken ko.

Nang mahanap ko na yun, tinago ko sa bulsa ko at lumabas na ng office. Naglakad na ko patungo sa classroom ni Sophia.

Pagdating ko dun, nakita kong nagtuturo pa yung teacher nila kaya naman ay naupo muna ako sa bleacher.

Habang nakaupo ako, ramdam ko parin na may nagmamasid sakin kaya naman ay pasimple ako nagpalinga-linga.

Nakita ko ang isang anino at base sa anino, lalaki itong nagmamasid sakin. Napangisi na lamang ako.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas narin yung Professor nila Sophia at nakita ako nito.

Lumapit ito sakin. "Ikaw pala Mr. Montero. Goodafternoon."

Ngumiti lang ako nang tipid dito. Tumayo ako agad ng makita ko si Sophia na lumabas ng classroom nila.

Nilapitan ko ito. "Kamusta ang class mo?"

Nakangiti kong tanong.

"Okay naman."

Malungkot nitong wika.

Hindi ko na tinanong kung bakit malungkot ito dahil alam ko naman ang dahilan.

"Let's go, kain na tayo."

Inakbayan ko ito. Sabay na kaming naglakad patungo sa canteen. Nang makarating kami sa canteen, pinahanap ko na sya nang upuan at ako naman ay dumeretso sa counter para umorder ng kakainin namin.

Habang nakapila ako sa counter, ramdam kong nandito parin yung taong nagmamasid sakin.

Hindi ko nalang ito pinansin, nang makaorder ako, agad kong hinanap si Sophia.

Nakita ko syang nakaupo sa dulo kaya naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Sophia habang hawak yung tray na may laman na pagkain.

Nilapag ko sa harap nya yung tray at naupo sa tabi nya. "Kumain na tayo."

Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami ay tahimik lang kami pero pasimple akong tumitingin sa nagmamasid sakin.


∆End of Chapter 5∆


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

 

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon