Chapter 25

60 2 0
                                    

Chapter 25

Steve Point of View

Nandito ako ngayon sa Sala at tahimik na nakaupo sa sofa habang hinihintay matapos si Sophia mag bihis.

Maya't-maya lumabas na ito ng kwarto kaya't tumayo na ko. "San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta, sumama kana lang." Sabi ko at hinila na sya palabas.

Sumakay na kami ng elevator at habang nasa loob kami ng elevator ay tanong ito ng tanong kung saan kami pupunta pero tanging ngiti lang ang sinasagot ko.

Sumakay na kami sa kotse at ako na ang nagkabit ng seatbelt nya dahil tinotopak.

Dahan-dahan kong pinaandar ang sports car ko. After an hour nakarating nadin kami sa airport.

Bumaba na ko at pinagbuksan sya ng pinto.

"Anong ginagawa natin dito sa airport?" Tanong nito nang makababa sya ng kotse.

"Susunduin natin si Brix at tita." Sagot ko at hinawakan ang kamay nya.

Nagtatakang tumingin ito sakin tas biglang ngumiti. "Umuwi sila?!"

Nagagalak nitong tanong.

Tumango naman ako. "Opo. Tumawag kanina sakin si Brix at sinabing uuwi sila ng philippines."

Niyakap ako nito ng mahigpit. "Yes!"

Natuwa naman ako. Matagal narin kasi nung huli silang magkita ng pamilya nya. Kaso si tita lang ang makikita nya ngayon at si Brix, pero okay narin yun.

Naglakad na kami papunta sa waiting area. Habang naghihintay kami, nilapitan ko ang isang FA na naglalakad.

"Ms. Dumating naba yung airplane galing america?" Tanong ko.

"Oo sr." Malandi nitong wika.

Tumango lang ako at binalikan na si Sophia. "Kuya!!"

Sabay kaming napatingin ni Sophia sa gawi ng sumigaw. Nakita namin na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin si Brix.

Agad tumakbo si Sophia para yakapin ang kapatid nya at si tita. Nakangiting lumapit ako sa kanila.

"Hi tita. Hi Brix." Bati ko at bumeso kay tita.

Nag-bro hug naman kami ni Brix. "Wow Brix, ang laki muna. Malapit muna malakihan ang ate mo."

Biro ko kaya't kinurot ako sa tagiliran ni Sophia. Ahahah! Sa tingin ko nasa 5'2 na ang height ni Brix kahit eleven yearsold palang 'toh.

Accelerated kasi si Brix, masyado kasing matalino. Dapat nga grade five palang ito kaso mana sa ate, masyadong matalino.

Ahahahah! Tumingin ako kay Sophia at masama parin itong nakatingin sakin. Totoo naman kasi eh. 5'5 lang ang height ni Sophia tas ang height ko naman ay 5'11.

Whahahah! Pero kahit maliit yan, pinagmamalaki ko yan.😂

"Ate kain na tayo, gutom na ko eh." Sabi ni Brix kaya tumingin si Sophia kay Brix.

"Okay. Tara na mommy." Galak na sabi ni Sophia at inakbayan si tita. Sabay silang naglakad, habang si Brix naman ang kasabay ko.

"Kamusta Brix?" Pangangamusta ko habang naglalakad kami patungo sa pinagparadahan ko ng kotse.

"Okay naman kuya, masaya." Sagot nito.

"May girlfriend kana?" Tanong ko.

"Wala kuya, pero may crush." Sabi nito.

"Hmm . . Bata kapa, kaya dapat wala munang love love." Sabi ko.

"Crush lang naman kuya eh, tsaka gusto ko maging proud sakin si mommy at daddy kaya wala munang ganyan." Sabi nito.

Ang swerte talaga ni Ms. De Leon at Mr. De Leon, napakabait at responsable ng mga anak nya.





Sophia Point of View

Masaya ako ng makita ko si Brix and mommy, kaso may part sakin na malungkot dahil wala si daddy.

Nandito na kami ngayon sa restaurant na kakainan namin. Habang naghihintay kami ng order ay masaya kaming nagkwe-kwentuhan.

"So Brix kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ko.

"Okay naman ate, masaya dun. Pero mas masaya kung kasama kita." Sabay wink nito.

"Don't worry kapag may time kami ng kuya Steve mo dadalawin ka namin dun." Nakangiting sabi ko.

"Alam mo ba anak kung bakit masaya si Brix sa school nya?" Bigla akong nagtaka sa sinabi ni mom.

"Bakit ma?" Takang tanong ko.

"Kasi kaklase nya yung crush nya." Kinikilig na sabi ni mom.

Nakita kong nagblush si Brix kaya natawa ako, natawa narin si Steve kaya lalong namula si Brix.

"Ahahah! Tama na, namumula na yung kapatid ko." Natatawa kong sabi.

"Alam mo ba ana——" Hindi na naituloy ni mom yung sasabihin nya dahil biglang dumating yung waitress at isa-isang nilapag sa lamesa ang order namin.

Nakita kong nakahinga ng maluwag si Brix kaya natawa ako ng bahagya. "Mom san pala kayo tutuloy?"

Tanong ko habang kumakain kami.

"Sa condo mo sana anak, kaso baka hindi okay sayo kaya sa mansion nalang." Sagot ni mom.

"Dun nalang kayo sa condo ko mom, para magkakasama tayo nila Steve." Sabi ko.

Nagtatakang tumingin sakin si mom. "Nagsasama na kayo?"

Sasagot sana ako pero inunahan ako ni Steve. "Hindi po tita. Nakakatanggap kasi si Sophia ng death threats kaya sa kanya muna ako tumutuloy para mabantayan sya."

Halatang nagulat si mom. "Salamat Steve. Wag ka mag-alala anak, bibigyan kita ng bodyguard."

"Wag na po tita. Nakabantay na po lahat ng bodyguard ko samin." Magalang na sabi ni Steve.

"Salamat talaga Steve ah."

Tumango lang Steve. Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang sa nagdesisyon na kaming umuwi.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon