Chapter 04

144 5 0
                                    

Chapter 04

Steve Point of View

Nasa hallway palang ako pero tanaw na tanaw ko na si Sophia, nakatayo lang sya sa gilid ng classroom nila at malungkot ang mukha.

Bakit kaya?

May problema kaya sya?

Sinitsitan ko sya kaya napatingin sya sakin. Ngumiti ito pero tipid lang. "Love may problema kaba?"

Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Wala love."

"Weh? Bat malungkot mukha mo?"

"Nalulungkot lang ako love, kasi patay na si Lim at JC."

Nakaramdam ako nang selos pero hindi ko na ito pinansin. Okay lang, patay naman na si Lim tsaka si JC.

Inakbayan ko ito. "Wag kana malungkot, nandito naman ako eh."

Sabay wink ko.

Ngumiti naman ito pero hindi na tipid, kaso nga lang kita parin sa ngiti nya ang lungkot.

"Uwi na tayo love, pagod na ko eh."

"Okay, akin na yang bag mo love."

Sinukbit ko sa shoulder ko ang bag nyang maliit at inakbayan sya, sabay kaming naglakad patungo sa parking lot.

Nang makarating kami sa parking lot, pinagbuksan ko muna sya bago sumakay sa driver seat.

Kinabit ko muna ang seatbelt ko, bago ko pinaandar ang kotse. After minutes of driving nakarating nadin kami sa parking lot ng condo nya.

Buong byahe namin ay wala syang imik, nakatingin lamang sya sa labas. "Love uwi na ko ah."

"Cge, mag-iingat ka."

Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago pinaandar ang sasakyan pauwi sa mansion.





Sophia Point of View

Buong byahe namin ni Steve ay hindi ko sya kinausap, wala kasi ako sa mood. Hindi ko alam pero parang sobra akong naaapektuhan sa pagkamatay nila JC at Lim.

Nang makapasok ako sa loob ng condo ko, agad akong pumunta ng CR at naghilamos, nagpalit narin ako ng damit pambahay.

After ten minutes natapos nadin ako kaya humiga na ko sa bed ko, bigla kong naalala si Steve kaya kinuha ko yung phone ko sa bag.

Dinial ko ang number ni Steve, maya't-maya ay sumagot narin sya.

"Hi love, nasan kana?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Malapit na ko sa mansion love, nasa subdivision na ko."

"Okay love, paguwi mo kumain ka agad ng dinner ah." I said.

"Yes love, i love you."

Napangiti naman ako, ang sweet talaga ni Steve. "I love you too. Bye, i'll hang up na."

"Okay po." Pinindot ko na ang end call.

Nagsocial media muna ako, dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom.





Steve Point of View

After minutes of driving nakarating nadin ako sa mansion. Pagpasok ko sa loob ng mansion, agad akong sinalubong ng mga maids ko.

"Goodevening young master." Sabay-sabay nilang sabi.

"Goodevening din." Sabi ko at umakyat na.

Pumasok ako sa kwarto ko at agad nagpalit ng damit. Nang matapos kong magpalit, naupo ako sa kama at kinuha yung cellphone.

"Hi love, nandito na po ako sa mansion." Text ko kay Sophia at nagsend pa ko ng picture ko para patunay na nasa mansion na ko.

Maya't-maya ay nakatanggap ako ng reply dito.

"Good, nag-dinner ka naba love?" Reply nito.

"Hindi pa po, magdi-dinner palang." Reply ko.

Pinindot ko yung button ng intercom. "Pakidalan naman ako sa kwarto ng dinner."

Sabi ko sa intercom.

Maya't-maya nagreply ulit si Sophia.

"Cge mag-dinner kana, damihan mo ah. 😊" Reply nito with emoji pa.

*TOK!*TOK!*TOK!*

Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Young master ito na po ang dinner nyo."

Kinuha ko yung tray at nagpasalamat muna ako bago ko sinara yung pinto. Nilapag ko sa table yung tray at nagsimula na kumain.

Matapos kong kumain, agad kong kinuha yung cellphone ko at tinext si Sophia.

"Love tapos na po ako kumain, ikaw nag-dinner kana ba?" Text ko kay Sophia.

Makalipas ang dalawang minuto, nagreply din si Sophia.

"Opo love, tapos na po ako. Tutulog na ako, goodnight love, i love you." Reply nya.

"Goodnight din love, i love you so much." Reply ko at tinabi na ang cellphone ko.

Kinuha ko yung tray at lumabas na ng kwarto, bumaba ako at pumunta sa kitchen.

Naabutan ko si manang na nagtitimpla ng kape, si manang ay matagal na naming katulong. Bata pa lang ako ay sya na ang katulong namin, mabait si manang at walang anak kaya parang anak ang turing sakin nyan.

"Hi manang." Nilapag ko sa counter yung tray at naupo sa harap ni manang.

"Hijo, nandito kana pala." Nakangiti nitong wika.

"Opo, kanina pa po akong nandito." Sabi ko.

"Hindi mo ba kasama si Sophia?" Tanong nito. Parang anak narin kasi ang turing ni manang kay Sophia eh.

"Hindi po eh, bukas isasama ko po sya dito." Sabi ko.

"Gusto ko yan hijo, magluluto ako bukas ng adobo na maanghang." Mahilig kasi si Sophia sa mga maanghang na food.

"Cge po." Tumayo ako. "Matutulog na po ako, pahinga kana rin po."

Umakyat na ko sa kwarto at agad naghilamos at toothbrush. Nang matapos ako agad akong nahiga sa kama at pinikit na ang aking mata.


•End of Chapter•


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon