Chapter 20

79 2 0
                                    

Chapter 20

Sophia Point of View

Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto ko. "Wait!"

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. "Ms. Sophia?"

"Oh bat nandito ka?" Tanong ko sa isa sa mga butler ni Steve.

"May nangyari po kay sr. Steve." Sabi nito at bigla na lamang akong kinabahan.

"Anong nangyari sa kanya?" Natataranta kong tanong.

"Hindi po namin alam basta nabalitaan po namin kay sr. Darren na nasa hospital si sr. Steve." Sagot nito.

Sumulyap ako sa wall clock at eight thirty na pala. "Ihanda mo yung chopper, uuwi na ko."

"Masusunod po." Nagbow ito sabay alis na.

Sinara ko muli yung pinto at pumasok sa loob ng CR para makaligo na. Halos five minutes lang ako nakaligo dahil nag-aalala ako kay Steve.

Sana naman walang nangyari sa kanyang masama. Baka hindi ko kayanin kapag nawala sya sa buhay ko.

(A/N: Sus, pero ikaw ang unang umalis.)

(Please author, wag ngayon.)

(A/N: Okay.)

Nadala lang naman ako sa galit kaya ko nasabi yun, tsaka gusto ko rin makapag-isip kaya umalis ako.

Pero ngayon, handa na ko makinig sa paliwanag nya. Kahit anong pang sabihin nya, tatanggapin ko basta wag lang sya mawala sa buhay ko.

Matapos ako maligo agad akong nag bihis at nag-ayos ng mga gamit. Bumaba na ko habang dala-dala yung maleta ko.

Naabutan ko si manang at manong na nanonood. "Manang, manong uuwi na po ako."

"As in ngayon na hija?" Takang tanong ni manang.

"Opo, nagkaron po kasi ng problema eh kaya kailangan ko na umuwi." Sagot ko.

"Oh sya cge, pag may oras ka bumalik ka ulit rito. Mag-iingat ka hija." Nakangiting sabi ni manong.

Hinalikan ko muna sila sa cheeks bago lumabas ng bahay. Agad sumalubong sakin ang sariwang hangin.

Inalalayan ako ng butler ni Steve pasakay ng chopper. Sumakay rin ito at sa tabi ng driver naupo.

Sumakay din yung isang butler at sa tabi ko naman naupo. Sinara muna nila yung pinto atsaka nagsimula umandar ang chopper.

Kinabit ko agad yung headphone dahil nakakabingi ang tunog ng chopper.







Steve Point of View

Tahimik akong nanonood ng TV habang kumakain ng fruits. Nandito parin ako sa hospital at kailangan ko daw rito magstay ng one week para ma-obserbahan ako.

Wala naman akong sakit kaso isang buwan daw akong hindi kumakain ng maayos at kulang daw ako sa protina at puro daw alak ang laman ng tyan ko.

Feeling ko nga kanina habang kausap ako ng doctor gusto akong pagalitan eh pero dahil tinignan ko ito ng masama.

Wala syang nagawa kundi tumahimik at isa pa wala syang karapatan akong pagalitan dahil magulang ko ang nagmamay-ari ng hospital at soon ako rin ang magmamana nito.

"Steve kelan mo pala balak pumasok?" Tanong ni Darren.

Mula kagabi ay hindi umaalis si Darren sa tabi ko dahil baka may gawin na naman ako. Masyado po syang protective. Kung hindi ko lang 'toh kaibigan baka isipin kong may gusto ito sakin eh. Yuck!

"Wala akong balak pumasok." Sagot ko nang hindi man lang sya tinignan.

"Gago kaba? Kailangan mo pumasok." Inis nitong wika.

"Tsk! Ayoko, hangga't hindi ko nakakausap si Sophia, hindi ako papasok." Sabi ko in serious tone.

"Pasaway." Bulong nya pero narinig ko.

Tsk! Hindi ako papasok at hindi ako aayos hangga't hindi ko nakakausap ang mahal ko.


~End of Chapter 20~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon