Chapter 17

75 2 0
                                    

Chapter 17

Sophia Point of View

Gising na ko at ramdam kong nasa tabi ko si Steve kaya nanatili akong nakapikit. Maya't-maya naramdaman kong umalis na ito sa tabi ko kaya tumayo na ko at pumunta agad sa kwarto ko.

Nilock ko ang pinto ko at pumasok nasa loob ng CR. Naligo ako saglit at nagbihis ng pang-alis.

Minessy bun ko rin yung buhok ko at naglagay ng unting make up. Nang matapos ako, kinuha ko na yung cellphone, wallet at susi ng kotse ko.

Dahan-dahan kong pinihit yung door knob at sumilip muna bago naglakad.

Palabas na sana ako ng pinto kaso biglang lumitaw sa harap ko si Steve at may hawak itong skimmer.

"San ka pupunta?" Takang tanong nya.

"None of your business." Masungit kong wika at akmang lalabas na kaso muli syang humarang sa harap ko.

"Kumain muna tayo ng breakfast." Aya nito.

"Sa labas nalang ako kakain, tsaka pwede ba umalis kana sa harap ko!" Inis kong wika at tinulak sya patagilid para makalabas na ko.

Nang makalabas na ko, nagsimula na bumagsak ang mga luha ko. Buti nalang may handkerchief ako.

Bago ako lumabas ng elevator ay nagpunas muna ako ng luha. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar na papunta sa pinakamalapit na cafe sa condo ko.

After minutes of driving nakarating nadin ako. Pumasok ako sa loob at pumwesto ako sa dulo, sa tabi ng wall glass.

Lumapit sakin ang isang waiter. "Hi ms. Sophia, what's your order?"

"Cheese cake and one glass of water please."

"Okay ms. Sophia."

Umalis na ito.

Binuksan ko ang cellphone at naglaro muna dahil maya-maya pa naman darating ang order ko.

Habang naglalaro ako, biglang tumawag si Nami kaya sinagot ko ito.

"Goodmorning bes!"

"Why are you calling me?"

"Sungit mo naman bespren, ang aga-aga."

"Wala ako sa mood, Nami. Bat kaba kasi napatawag?"

"Wala lang." Agad kong pinindot ang end call. Tsk! Wala naman palang sasabihin.

Dumating na ang order ko kaya tinabi ko na yung cellphone ko. Tahimik lang ako habang kumakain. Nakakalungkot. Parang nung nakaraang araw lang kasama ko pa si Steve mag-breakfast, pero ngayon hindi na.

Bakit ba kasi ginagawa ni Steve yun?

(A/N: Ayaw mo ngang pakinggan yung paliwanag eh, pa'no mo malalaman?)

Ah basta! Hindi pa ko handa makinig sa kanya. Siguro kailangan ko muna ng time at space. Dapat siguro maghiwalay muna kami, para magkaron din ako ng time at makapag-isip.



♪End of Chapter♪



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon