Chapter 03

147 6 0
                                    

Chapter 03

Sophia Point of View

Paglabas ko nang classroom, nakita ko agad sa gilid si Steve na nakasandal sa pader habang nakapikit.

Nilapitan ko ito. "Pst."

Nagmulat ito at tumingin sakin. "Kanina kapa?"

Tanong ko.

Hinalikan muna ako nito sa forehead bago nagsalita. "Yup, maaga natapos class ko eh."

"Gutom na ko, lunch na tayo."

"Okay love, akin na yung bag mo."

Binigay ko sa kanya yung bag ko at sabay na kaming naglakad papunta sa canteen.

Pagpasok namin sa loob, agad kong nakita si Nami na kumakain mag-isa sa dulo.

"Love kay Nami nalang tayo maki-table."

Ngumiti lang sya. Hinatak ko na sya papunta kay Nami. "Hi Nami."

Umupo kaming dalawa sa harap ni Nami. "Hi besh, hi Steve."

"Hi Nami, bat mag-isa ka lang?" Tanong ni Steve.

"Wala si boyfriend eh, absent." Sagot ni Nami at pinagpatuloy ang pagkain.

Tumayo si Steve. "Love bili lang ako ng food."

Ngumiti at tumango lang ako. Pag-alis ni Steve, biglang sinipa ni Nami yung paa ko.

"Ouch, why?"

"Ang swerte mo kay Steve noh?"

"Oo, bakit ikaw? Swerte karin naman sa boyfriend mo ah."

"Hindi ah, siya kaya ang swerte sakin."

Magsasalita pa sana ako pero biglang nagsitilian yung mga babae kaya sabay kaming napatingin ni Nami sa pinto nang canteen.

Tsk, kaya naman pala. Pumasok lang naman yung five Lesbian Squad, actually sila yung limang lesbian na siga at walang magawa kundi magpakilig ng babae at mambully ng mga nerd.

Nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Violet. Si Violet ang leader ng five lesbian squad.

Nagpalinga-linga ako at nakita kong nagbubulungan yung ibang mga babae, yung iba naman ay masama ang tingin sakin.

Nagulat ako nang ilapit ni Violet ang mukha nya sa mukha ko. "Hi baby. What's your name?"

Bahagya nitong kinagat ang kaliwang tenga ko. "S-sophia."

"Beautiful name." Nilahad nito ang kamay nya. "I'm Violet."

Tinanggap ko naman yun. "Ehem!"

Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Steve na masama ang tingin kay Violet———este sa kamay pala namin.

Nakaramdam ako ng kaba kaya agad kong binawi ang kamay ko kay Violet at tumayo.

Lumapit ako kay Steve. "Steve."

Ngumiti si Steve at naupo sa tapat ni Violet, umupo naman ako sa tabi ni Nami.

"Anong kailangan mo sa girlfriend ko?" Nakangiting tanong ni Steve kay Violet.

"Wala naman, gusto ko lang sya makilala." Nakangising sagot ni Violet.

"So nakilala muna sya, pwede kana bang umalis?" Tanong ni Steve.

"Yeah." Tumayo na si Violet. "Nice to meet you Sophia, sa muling pagkikita."

Sabi ni Violet bago pinuntahan yung mga ka-squad nya. "Kain na tayo."

Sabi ni Steve at inabot sakin ang pagkain ko. Habang kumakain ako, napatingin ako kay Steve at nakita ko syang hindi ginagalaw ang pagkain, kaya nagtaka ako.

"Steve ayaw moba yang pagkain mo?" Kunot noong tanong ko.

"No. Para kasing wala akong gana, pwede mo ba akong subuan?" Matamlay nyang tanong.

Tumayo naman ako at lumipat sa tabi ni Steve, kinuha ko yung kutsura at sinimulan na subuan si Steve.







Steve Point of View

Nakatingin lang ako kay Sophia habang sinusubuan nya ko. Ang ganda nya talaga, mahaba ang pilik mata, medyo singkit, maputi, makinis.

"Love may dumi ba ko sa mukha?"

"W-wala."

*KRING!!*

"Sophia pasok na tayo." Sabi ni Nami at tumayo.

"Mauna kana, ihahatid ako ni Steve." Sabi ni Sophia.

"Cge babye." Humalik muna si Nami sa pisngi ni Sophia bago umalis.

"Babe kelan uuwi sila tita at tito?" Tanong ko.

"Next week ata, bakit?" Tanong nito.

"Wala lang, gusto ko lang sana mag-bakasyon tayo." Sabi ko.

"Saan naman?" Tanong nya.

"Kahit saan, basta kasama kita." Sabay wink ko.

Namula naman sya kaya natawa ako. "Hilig mo talaga magpakilig."

"Ikaw lang naman ang pinapakilig kong babae."

"Talaga?"

"Yes, ikaw lang. Walang iba kundi ikaw lang."

"Tara na nga, hatid muna ko."

Dinala ko na yung bag nya at sabay kaming naglakad papunta sa classroom nya.

Nang nasa hallway na kami, biglang may humarang samin na isang babae. "Sophia nabalitaan muna ba?"

"Ang alin?" Takang tanong ni Sophia.

"Patay na si Lim, pati si JC. Nakita sa likod ng university ang bangkay nilang dalawa."

Nakikinig lang ako sa kanila pero lihim akong nakangisi.






Sophia Point of View

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Patay na si Lim at JC? Parang nung nakaraan lang kasama ko pa sila. Pero ngayon patay na sila.

Hindi ko maiwasan malungkot. "Bakit malungkot ka?"

Tanong ni Steve.

"Wala." Ngumiti ako nang pilit.

"Sophia balita ko yung pumapatay nag-aaral daw sa school na 'toh. Mag-iingat ka."

Sabi nung babaeng at umalis na sa aming harapan.

Naramdaman kong inakbayan ako ni Steve. "Love hindi ka masasaktan, lalo na nasa tabi mo ko. Hindi kita papabayaan."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Steve. "Tara na nga."

Nang makarating kami sa classroom, agad syang nagpaalam dahil malelate na daw sya. Umupo ako sa tabi ni Nami at malungkot parin ako.

Malungkot ako dahil kahit papaano naging kaibigan ko rin si JC, lalo na si Lim. Sino kayang hayop ang pumatay sa kanila?

"Goodmorning class."

Kanina pa salita ng salita yung professor ko pero halos wala akong maintindihan dahil naiisip ko parin yung nangyari kay JC at Lim. Hyst! Sana mahuli yung pumatay sa kanilang dalawa.

Wala syang puso. Alam kong mabait si JC at Lim pero bat pinatay sila? May malaki ba silang kasalanan sa taong pumatay sa kanila? Hyst, nakakalungkot. Grabe!


♪End of Chapter♪


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter




My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon