Chapter 26
Sophia Point of View
Nandito kami ngayon ni Steve sa kwarto ko. Isang guest room lang kasi ang meron sa condo ko at dun matutulog sila mommy at Brix kaya sa tabi ko si Steve matutulog.
"Love pa'no kung isang araw mawala ako?" Biglang tanong nito kaya tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Bat ka naman mawawala?" Kunot noong tanong ko.
"Hindi ko alam, malay mo isang araw mawala nalang ako sa tabi mo. Anong gagawin mo?" Tanong nito.
Bigla akong kinabahan pero hindi ko na lang pinahalata. "Hahanapin ka."
"Pa'no pag hindi mo ko nahanap?" Tanong nito.
"Ewan . . ah basta! Matulog na nga tayo." Sabi ko.
Umayos na ko ng higa at siniksik ko ang mukha ko sa leeg nya para mabilis na makatulog. Ang bago kasi ng leeg nya eh.
→Fast Forward←
Napabalikwas ako ng bangon dahil hindi ko makapa sa tabi ko si Steve. Nilibot ko ang aking paningin pero hindi ko sya makita.
Tatayo na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng CR ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakita si Steve ang nakita ko na lumabas sa CR.
"Goodmorning love." Umupo ito sa kama at hinalikan ako sa cheeks.
"Goodmorning." Bati ko. "Gising na sila mama at Brix?" Tanong ko.
"Ewan, hindi pa ko lumalabas eh." Sagot nito.
"Hilamos muna ko." Sabi ko at dali-daling pumasok sa loob ng CR.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bumuntong hininga. Akala ko nawala talaga sya. Hyst!
Steve Point of View
Sumulyap ako sa orasan. Hmm . . Six thirty na pala. Tumayo ako at pumunta sa harap ng CR.
"Love lalabas na ko ah."
Wala akong narinig na responce kaya lumabas na ko ng kwarto. Wala akong nadatnan na tao sa sala kaya dumeretso ako sa Kitchen.
Nadatnan kong nagluluto si tita. "Goodmorning tita."
Humarap ito sakin habang may hawak na offset spatula. "Goodmorning hijo. Gising naba si Sophia?"
"Opo. Nasa CR po, naghihilamos ata." Sabi ko at naupo sa upuan.
Tinuloy na ni tita yung niluluto nya habang ako ay nanonood lang. Kumuha ako ng baso at nagtimpla ng kape.
"Tita you want coffee?"
"Cge hijo."
Kumuha pa ako ng isnag baso at nagtimpla. Pagkatapos agad kong inabot kay tita yung isang baso na naglalaman ng kape.
Naupo sa harap ko si tita at humigop ng kape. "Masarap ka pala mag-timpla ng kape hijo."
"Natuto lang po ako kay dad."
"Oo nga pala, naging chef din pala ang dad mo." Humigop muli ito. "Hijo kelan pala ang graduation nyo?"
"Next month na po." Sagot ko.
"Sayang, hindi ako makakapunta sa graduation nyo." Malungkot na sabi ni tita.
"Don't worry tita, ako ng bahala kay Sophia." Nakangiti kong sabi.
"Salamat talaga Steve ah." Madamdamin nitong sambit.
"Wala yun tita. Mahal na mahal ko ang anak nyo kaya gagawin ko lahat mapasaya lang sya." Nakangiti kong sabi.
Ngumiti lang si tita at tumayo na muli para ipagpatuloy na ang niluluto nya. Nilabas ko ang cellphone ko at naglaro muna dahil maya-maya pa naman matatapos yung niluluto ni tita.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mystery / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018