Chapter 19

79 2 0
                                    

Chapter 19

Sophia Point of View

Tahimik akong nakamasid sa isla habang kumakain ng mangga. Nandito ako ngayon sa isang isla na pagmamay-ari ng mga magulang ko.

Mula kasi nung humingi ako ng space at time kay Steve ay nag-desisyon muna akong mamalagi sa islang pagmamay-ari ng magulang ko.

Halos isang buwan narin akong namamalagi rito at yung mag-asawa lang ang kasama ko. Ang mag-asawang kasama ko ay yun ang naglilinis ng isla at sila rin ang nagbabantay sa isla na ito.

Mabait silang dalawa at parang anak ang turing nila sakin kaya pakiramdam ko nandito si mommy.

Sa loob ng isang buwan kong pamamalagi rito ay wala akong balita kay Steve, pero sinabihan ko naman yung mga butler nya na bantayan sya at ireport agad sakin kapag may nangyaring masama kay Steve.

Tanging mga butler ni Steve at si Darren lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Yung academics ko naman ay nag-excuse ako ng dalawang buwan at sinabi kong may gagawin lang ako kaya pinayagan nila akong hindi pumasok ng dalawang buwan.

"Anak! Pumasok kana sa loob, malamig na." Lumingon ako sa likod ko.

Nakita ko si manang na naglalakad papalapit sakin. Agad akong tumayo at nilapitan ito.

"Manang bat lumabas pa kayo? Malamig na baka magkasakit kayo."

"Okay lang ako anak, tama ka malamig na kaya pumasok na tayo sa loob."

"Cge po manang."

Inalalayan ko ito maglakad dahil may katandaan narin ito kaya medyo hirap na sa paglalakad. Buti nalang ang asawa nito ay medyo malakas pa.

Pumasok na kami sa loob ng isang bahay na hindi kalakihan at tamang-tama lang ang bahay na ito para sa limang tao.

Hindi lang iisa ang bahay dito sa isla, may limang bahay na nakatayo rito sa isla pero isa lang ang nagagamit dahil wala naman masyadong bumibisita rito.

At secret place ito kaya wala talagang bibisita. Mga butler lang ni Steve at Darren ang nakakaalam nito. Si Steve ay hindi alam ito dahil hindi ko pa naman sya nadadala rito.

"Anak kumain na tayo."

Umupo ako sa upuan at nagpray muna bago kumain, ganun din ang ginawa ni manang at manong.






Steve Point of View

Dahan-dahan akong nagmulat at ilaw agad ang sumalubong sakin kaya napapikit ako.

Muli akong dumilat ang mukha na ni Darren ang sumalubong sakin. "N-nasan a-ako?"

Tinulungan ako nito umupo. "Nasa hospital ka."

"A-anong n-nangyari?" Nagtataka kong tanong at nilibot ang aking paningin.

"Bigla kana lang hinimatay kaninang umaga habang nagtatalo tayo. Okay kana ba? Gusto mo tawagin ko yung doctor?" Tanong nito pero umiling lamang ako.

"Wag na. Ayos lang ako." Ngumiti ako ng tipid. "Dumating ba sya?"

Nagtataka syang tumingin sakin. "Huh? Sino?"

"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko."

"Ahh . . . Hindi eh, tsaka baka hindi nya alam."

"Anong araw na?"

"July 7 2018."

"Isang buwan at isang araw na pala kaming hindi nagkikita."

Hinawakan nya ko sa balikat. "Magkikita at magkakaayos rin kayo, maghintay kalang bro."

"Babalik pa kaya sya?"

"Oo naman, babalikan ka nun. Mahal na mahal ka nun eh."

"Sana nga."

Humiga muli ako pero patagilid at tahimik na umiiyak. Nakakabakla pero hindi ko mapigilan hindi umiyak dahil miss na miss ko na talaga sya.

Sana magising ako sa isang araw na kasama na muli sya, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba, kahit isang buwan at isang araw palang kami hindi nagkikita ay parang sampung taon na kaming hindi nagkikita.


~End of Chapter 19~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon