Chapter 21
Steve Point of View
Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko ito pinansin, nanatili lang akong nakatingin sa TV.
"S-steve?"
Para akong nanigas sa kinahihigaan ko at dahan-dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Shit! Panaginip ba ito? Nandito na sya? Sa harap ko? Dahan-dahan itong lumapit sakin kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Mas naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko nang hawakan nya ang kamay ko.
Umupo ito sa gilid ko. "K-kamusta k-kana?"
Kung iniisip nyo kung si Sophia 'toh ay tama kayo dahil sya nga, walang iba kundi siya.
"T-totoo b-ba 't-toh?" Nauutal kong tanong at tatapikin sana ang mukha ko pero pinigilan nya ko.
"Totoong nasa harap mo ko, hindi ka nanaginip." Aniya.
Agad ko itong kinabig at niyakap ng mahigpit. Nagsimula narin bumuhos ang luha ko.
"N-nandito . . ka."
Matagal kaming nagyakapan bago pakawalan ang isa't-isa.
"Pa'no mo nalaman na nandito ako?" Takang tanong ko.
"Binalita sakin ng isa sa mga butler mo." Sagot nya.
Siguro ito na yung time para magpaliwanag sa kanya at umamin. "Sophia?"
"Bakit?"
"Gusto ko nang umamin sayo."
"Cge, magpaliwanag kana."
"A-ako ang p-pumatay kay JC at Lim." Nanlaki ang mata nito pero hinawakan ko ang kamay nya. "Pero may dahilan kung bakit ko ginawa yun."
Niwaksi nya ang kamay ko at nakita kong nag-uunahan na bumagsak ang luha nya.
Tumayo ito at galit tumingin sakin. "Bat mo ginawa yun?!"
Umupo ako. "Wag ka munang magalit, please."
"Pa'no ako hindi magagalit kung pinatay mo sila?! Kaya ba hindi ko narin nakikita si Violet dahil pinatay mo rin sya?!"
"Oo pinatay ko sila!!" Pag-amin ko. "Pero may dahilan iyong pagpatay ko sa kanila."
"Cge! Sabihin mo kung anong dahilan!"
"Pinatay ko sila dahil nagseselos ako! Pinatay ko sila dahil may masamang balak sila sa pamilya mo at sa pamilya ko! Gusto nilang kaibiganin ka at pag nalapit na ang loob mo sa kanila, papatayin kana nila pati ang pamilya mo!"
Nanlalaki ang mata nito. "Gusto kitang iligtas pati ang pamilya mo kaya bago pa malapit ang loob mo sa kanila, pinatay ko na sila!"
"P-pero b-bat n-naman n-nila g-gagawin i-iyon?" Nauutal nitong tanong at tumigil narin sa pagluha.
"Gusto mong malaman?" Tumango ito. "Maupo ka at kumalma."
Sumunod naman ito sa sinabi ko. Himinga muna ako ng malalim bago nagpaliwanag.
"Ang magulang ni JC, Lim at Violet ay magkakapatid." Halatang nagulat ito. "Ang mga tatay at nanay nila ay may galit sa pamilya ko at sa pamilya mo. Gusto kasi nila na sila ang pinakamayaman sa asya kaso ang mga magulang natin ang nagtagumpay kaya naman nagalit sila at sobra silang nagalit. Nagtayo sila ng organization at nagsama-sama at ang pinakaboss nila ang tatay ni JC. Nang malaman ko yun agad kong pinatay si JC pero nalaman iyon ng tatay ni JC na ako ang pumatay sa anak nya kaya lalo itong nagalit. Balak ka sanang patayin ni Lim pero inunahan ko na si Lim dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Ang tatay rin ni Violet ang nagpa-rape sayo. Sorry kung galit ka sakin pero para sa pamilya mo at sa pamilya ko ang ginagawa ko at lalo na sayo. Mahal na mahal kita kaya prinoprotektahan kita."
Oo yun ang totoo. Hindi lang dahil sa selos kung bakit ko sila pinapatay, kundi para sa kapakanan ng pamilya ni Sophia at pamilya ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa pamilya ko, lalo na kay Sophia. Kahit mamatay ako, basta maprotektahan ko lang ang pamilya ko at si Sophia. Okay na ko.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
![](https://img.wattpad.com/cover/151392885-288-k524814.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Misterio / SuspensoAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018