Chapter 28

61 2 0
                                    

Chapter 28

Sophia Point of View

Nagising ako ng may yumuyugyog sakin. Dahan-dahan akong nagmulat at mukha agad ni Steve ang nakita ko.

"Steve?"

Ngumiti ito. "Tumayo kana."

Bigla kong naalala ang nangyari kaya agad akong tumayo at chineck ito. "Okay ka lang ba? Hindi kaba sinaktan nila? Wala ka bang tama ng bala?"

"Shhh . . tara na bago pa nila tayo abutan."

Tumango nalang ako at dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Naglakad kami ng walang ingay na nagagawa.

Hawak ni Steve ang isang kamay ko habang naglalakad kami. "Nasan ba ang labas dito?"

Mahina kong tanong.

"Hindi ko alam, pero sa tingin ko may bantay sa harap kaya sa likod tayo dadaan." Mahina nyang sagot.

Nagulat ako ng may balang papalapit sakin, buti nalang hinatak ako ni Steve. Nakita kong binaril ni Steve yung taong nagpaputok. May isa pang dumating kaso magaling itong boyfriend ko kaya namatay rin agad.

"Kailangan na natin mag-madali." Sabi nito at hinatak na ko. Bumaba na kami at liliko sana kami kaso biglang may nagsalita sa likod namin.

"Kamusta?"

Sabay kaming tumingin ni Steve sa nagsalita. Isang matanda na may hawak na baril at may mga kasama ito. Hmm . . medyo hawig nya si JC.

"Ikaw kamusta?" Nakangising tanong ni Steve sa matanda at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Sino sya?" Mahina kong tanong.

"Tatay sya ni JC." Sagot ni Steve.

"Anong pinagbubulungan nyo?" Kunot noong tanong ni Tanda.

"Tsk!" Asik ni Steve at binaril ang mga kasama ni Tanda at hinila ako. Nagtago kami sa likod nung couch. "Stay here."

Aalis na sana ito pero bigla ko syang hinawakan sa kamay. "Where are you going? Iiwan mo ko dito?"

"Babalik din ako. May kailangan lang akong kunin." Sabi nito at hindi na ko nakapagsalita dahil agad itong umalis.

Sumiksik lalo ako sa sofa at tinakpan ang aking tenga dahil takot ako sa tunog ng baril.




Steve Point of View

Kailangan kong mahanap yung paper na yun dahil sobrang halaga nun. Binaril ko yung mga tauhan ni Tanda pero lima lang ang tinamaan kaya naman kinailangan ko lang bugbugin yung tatlo.

Inikot ko ang katawan ko at sinipa si kalbo sa ulo, agad naman itong nahimatay.

In-axe kick ko yung isa pero hindi tinamaan, kaya sinapak ko nalang. Sinipa ko naman yung isa dahil nakita ko itong pasugod.

Sa sobrang lakas ng sipa ko ay tumilapon ito, sinipa ko sa mukha yung isa pa at nahimatay na.

Nang ma-sigurado kong wala na silang malay, agad kong tinungo ang office ni Tanda.

Madali lang naman hanapin dahil may nakalagay na pangalan sa harap ng pinto. Agad kong hinanap yung papel sa drawer pero wala kaya hinanap ko ito sa library nya.

Dun ko natagpuan ang papeles. Agad ko itong kinuha at lalabas na sana pero naramdaman kong may nakatutok sa ulo kong baril.

Nakangisi akong lumingon kay Tanda. "Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw at pamilya mo! Dahil sayo nagpakamatay ang dalawa kong kapatid. Nang dahil sa pamilya mo wala na kong pamilya." Galit nitong sabi.

"Steve!" Tumingin ako sa gawi ng tumawag sakin at nakita ko si Sophia.

"Wag kang lalapit!" Napatigil sya sa paglapit.

Humarap muli ako kay Tanda. "Pakawalan muna kami."

"Hindi!!!"

*BANG!!*



~End of Chapter~



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

 

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon