Special Chapter 1

79 2 0
                                    

Special Chapter 1

Steve Point of View

Dalawang araw na kaming hindi nagkikita ni Sophia, kahit videocall ay bawal kaya naman boses ko lang ang naririnig nya.

Hyst! Miss ko na sya.

"Bro tara na." Aya ni Darren.

Kung si Sophia ay kasama si Brix, si Darren naman ang kasama ko. Nasa hotel kami ngayon ni Darren kung san kami tumuloy.

May bahay kami dito sa america kaso ayaw ko naman dun, bored dun eh kaya sa hotel nalang kaming dalawa ni Darren.

"San ba tayo pupunta?" Bagot kong tanong kay Darren na ngayon ay bihis na bihis.

"Kukunin na nga natin yung suit mo." Naiirita nitong sagot.

"Marami akong suit!" Inis kong sabi.

"Hindi pwede, kailangan bago." Sabi nito.

"Fine!"

Kumuha ako ng damit sa closet at pumasok sa CR para dun magbihis. Nang matapos ako, agad na kaming umalis ni Darren.

Nag-taxi lang kami dahil ayoko mag-kotse. Nakarating kami at bumaba kami sa isang malaking building.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Ayan yung shop."

Hinila ako nito papasok sa loob. Pagpasok namin sa loob, pinaupo ako nito sa sofa at nagpaalam sya na may kukunin lang daw.

Maya't-maya bumalik ito at may kasama na syang dalawang babae, i think staff sila dito.

Yung isa ay may hawak na box. "Sr. Ito na po yung suit nyo."

Nilagay nito sa harap ko at binuksan. Kinuha ko ito at tinignan ng maigi.

 Kinuha ko ito at tinignan ng maigi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi na masama."

Tumayo na ko. "Alis na ko."

Lalakad na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Darren sa braso. "Miss pakidala nalang yan sa hotel."

Sabi ni Darren dun sa staff at hinila na ko palabas. Pumara ito ng taxi at tinulak ako papasok.

"San ba tayo pupunta?" Galit kong tanong.

Tang*na! Sakit nya manulak.

"Sa simbahan, iche-check natin yung church baka kasi hindi maganda." Nakangiting sabi ni Darren.

Bwiset! Sumandal nalang ako at pumikit.





Sophia Point of View

"Bilis na kasi bessy, tara na." Sabi sakin ni Nami habang hinihila ako.

Kasama ko narin si Nami dito, si Brix naman ay nasa mall, nagsha-shopping kasama ang mga kaibigan nya dito sa america.

"San ba?" Matamlay kong tanong.

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon