PHOTO 1
**Guys! This is my first story. Please vote and feel free to comment and also share if you like it ***
Puno na ng putik ang sneakers ni Khourt pero hindi niya alintana ito, kailangan niyang makakuha ng magandang litrato sa isang sikat na varsity basketball player ng kanilang campus na si Anton Rodrigo habang nag jo-jogging sa oval.
Ito kasi ang special request ng kanyang kliyente.
Hindi makapahinga ang camera niya sa walang tigil na pagkuha ng litrato. Dapat ay maganda ang kuha para may bunos sa payment. Kasalukuyang siyang nasa likod ng isang malaking halaman sa gilid ng stadium nagtatago. Hindi kasi pwede ang ibang estudyante sa oval habang nagpapraktis ang mga atleta.
Nang maka ilang round si Anton sa oval ay tumigil ito malapit sa kanya. Siguro ay napagod na at magpapahinga nang hinubad nito ang t-shirt.
"Jackpot! " mahinang sambit niya at mabilis pumusisyon upang kumuha ng mga hubad na litrato ng atleta.
Pero sa sobrang galaw niya ay na outbalance siya at natumba palabas sa pinagtataguang halaman. Napadapa siya sa lupa.
Lumingon si Anton at ang iba pang varsity players sa kinaroroonan ni Khourt.
Ilang sandaling natahimik ang oval at nagkatinginan ang mga ito kay Khourt hanggang si Anton na mismo ang bumasag.
"Khourt! What do you think you're doing?"
Napakagat siya ng labi. Kailangan ng alibi. "ah eh, tinitingnan ko lang yung halaman kung nadiligan na ba?" kahit siya ay nabobohon sa sagot niya. syet!
Naglakihan ang mga mata ng mga varsity players lalong lalo na si Anton.
"Huwag ka nang magpalusot. Alam na namin yung modus mo, guys!" Tinawag niya ang iba pang mga atleta sa malapit.
uh-ow
Mabilis pa sa alas kwatro kung makaalis si Khourt sa oval. Hindi na nakahabol ang mga varsity sa kanya, mabuti na lang at may alam siya na shortcuts na palagi niyang ginagamit kung magkagipitan na.
Tiningnan niya ang camera. Che-nek niya ang mga nakuhang shots, isang malaking yes ang nasambit niya ng makuntento sa lahat nang nakita sa screen.
Nasa canteen siya nang may dumating na tatlong babae at tumabi sa pwesto niya. Si Cheska, Lovely at Prisila, mga seniors sa campus at sikat na cheerleaders.
"Nagawa mu ba ang trabaho mo?" si Cheska.
"Hah! " aniya sabay singhot sa ilong. " ako fah!"
Inilabas niya ang isang brown envelope mula sa bag at iniabot iyun kay Cheska.
"Nice work Khourt! magaling ka talaga" anito matapos makita ang laman ng envelope.
"I know right?" pa sosyal niyang sabi.
May dinukot si Cheska mula sa kanyang bulsa saka binigay sa kanya.
"Here's my payment, sobra yan sa napag-usapan. Consider it as your bunos."
"Galing! Pero anu bang gagawin mu sa mga pictures? " tanong ni Khourt.
Umiba bigla ang ekspresyon ni Cheska "It's no more of your business. "
"Okay okay. Not my business. Curious lang." ang babaeng to talaga. Napaka moody. Sa halip ay binilang niya na lang ang perang iniabot ni Cheska sa kanya. Ayus! Two thousand. Mayaman na'ko.
Tumayo na ang tatlo saka nagpaalam sa kanya. "Iti-text ka na lang namin kung may ipagagawa pa kami" sabi ni Prisila.
Napabuntong hininga siya. Life, kung mayaman lang siguro siya ay hindi niya na papasukin itong raket niya. Kailangan niyang makapagtapos ng kolehiyo kahit anong mangyari at ang ginagawa niya ngayon ang makakasalba lamang sa pangarap.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Novela JuvenilSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?