That Strange Feeling

23 0 0
                                        

Photo 24

"I really can't believe na pati ako ay dinadamay mo sa kalokohan mo Khourt!", nanggagalaiting sabi ni Francis kay Khourt. Hawak nito ang kamay niya.

Busted. Bago pa siya makatakas palabas ng banyo ay nahuli siya ni Francis at ngayon ay hindi siya pinakakawalan nito.

"Sir, sa mga kliyente ko kayo magalit. Nagtatrabaho lang ako", pagmamakaawa niya. Subalit hindi lumusot ang linya niya.

Paglabas nila ng banyo ay marahas siyang pinaupo ni Francis sa kama nito.

"Magdamit ka nga!", malakas na utos niya sa binata.

Nakatampi lang ang ilalim na bahagi nito ng tuwalya sanhi para hindi siya mapakali sa nakatunghay na katawan ni Francis.

"Give me the camera", seryosong utos nito.

Umiling siya. Hinding-hindi niya isu-surrender ang camera na hawak niya. Masisira ang reputasyon niya bilang isang photographer kapag wala siyang maibibigay na litrato sa kanyang mga kliyente.

"Khourtney Mansueto, give me that damn camera or else...", Francis stop his words. Ang mga mata nito ay tutok na tutok sa kanya na tila bagang kakainin siya nito ng buo. Nakakatakot.

Napalunok si Khourt. Her knees shaking again. Her heart starts pounding. No words utter from her mouth.

Tila naestatwa siya sa presensya ni Francis.

What the F is this I'm feeling? It's strange.

Francis reached out to get her camera. Doon lang siya natauhan. Inilayo niya ang camera mula sa pag-agaw nito sa kanyang kamay.

"No!", sigaw niya.

"Ibigay mo na Khourt!", sigaw rin ni Francis.

Sa sobrang paglayo niya ng camera ay napatumba siya sa kama. Si Francis naman ay napahiga na rin pero hindi pa rin matapos-tapos ang parang bata nilang agawan.

"Khourt! I'll pay you. Ibigay mo na yan sa'kin".

"No! Wala pa akong mintis sa mga assignment ko. Handa akong ibuwis ang buhay ko!"

Khourt starts to crawl from the bed when Francis slipped his hands from her hand.

Haha!

"Oops! Saan ka pupunta?"

Nahuli nito ang binti niya tapos ay hinila nito iyon palapit.

"Francis! Pakawalan mo na ko. Ano ba naman kung makita nila ang katawan mo?!"

"No. Hindi ko pwedeng konsentihin yang ginagawa mo. Ibibigay mo ba yan o hindi?"

"Hindi. Over my dead body!", deklara niya. Pero kahit ubod ng lakas niya pang pakipaglaban para makatakas ay wala na ring magagawa. Masyadong malakas si Francis para sa kanya.

Lastly, the man caught her prison into his arms in an awkward position.

Malapit na ang mga mukha nila sa isa't-isa. She could smell Francis muscular scent. His breath slowly blows her hair that made her back neck chill. The warmth of his body touches her skin that made her heart beats faster.

She was stuttered in a moment. Nagtama ang mga mata nila. Her world turns into a slow motion action. Francis bluish gray eyes intently tracing her face.

Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa loob ng katawan niya. Ang tanging alam lang nang isip ay ang gwapong mukha ng binata sa harapan niya.

She can't hardly breath. All of her senses just locked in directly to Francis. As if nobody or anything matters.

Holy syet! This can't be happening to me.

"F-francis...", Khourt whispered his name. Trapped by her own doings, she regret getting into this trouble.

Hindi pa rin kumikilos si Francis. Nakagapos pa rin ang kamay niya sa matibay na braso nito. Ang pares na mga mata ni Francis ay walang katapusang tumititig sa kanya.

She felt uneasy. A tingling sensation tickles in the center of her body.

Ilang sandali pa ang lumipas. Nang sa huli, nakita ni Khourt na napapikit ng mata si Francis sabay ng pagluwag sa pagkapit nito sa kanya.

Buong pwersa siyang lumaya mula sa pagkakulong niya.

Finally!

Lumingon siya kay Francis. Nakatayo ito. Nakayuko.

Sinamantala ni Khourt iyon, lumakad siya patungo sa pinto. Mahigpit na hinahawakan ng nanginginig niyang kamay ang camera.

Before she stepped out, she heard Francis calling her name. Looking back, the  man is seriously facing her.

"Khourt, don't do this again", maikling sabi nito.

She nodded. I will never do this again Francis. After that, she left and swear in her pounding heart never to enter the man's lair again.

The Campus Paparazzi (On going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon