Photo 28
Staffs are going crazy backstage, props and other paper pieces scattered on the floor and Khourt is steadily standing between the rushing crowd.
Walang tigil ang camera niya sa pagkuha ng nga behind the scenes pictures.
"Wow! the dedicated campus paparazzi"
Lumingon si Khourt sa nagsalita. Ngumiwi siya nang makita kung sino iyon.
"Gela."
One sweet smile on Gela's face made her nerves shiver. Nahihinuha niyang may masama itong balak.
"Pwede mo bang kunan ng pictures ang campus band members sa dressing room? Kailangan namin sa promotion."
"Hindi yan nakasulat sa task ko", sabi na lang niya.
"Oh well, tatawagan ko na lang si Lenberg". Sabi nito saka inilabas ang cellphone mula sa kanyang bulsa.
This girl. Ugggh!
Ilang sandali lang ay tumunog ang phone ni Khourt. It was Lenberg. Nag-aalangang sagutin niya ito dahil alam na niya ang sasabihin ng lalaki.
"C'mon, pick it up", ngumingising kumbinsi ni Gela.
Khourt pressed the button and slowly put the phone on her ear.
"H-hello Len?"
At iyon nga, Lenberg let her do what Gela wanted her to do.
Gela waved to say goodbye with her signatured angel smile. "Goodluck!".
That pissed her off. Alam niya at alam nito na malaki ang galit nina Hector at Leo sa kanya.
Oh men!
***
Huminga ng malalim si Khourt saka pinihid ang seradura ng pinto sa dressing room.
Naabutan niyang nagtatawanan ang buong myembro ng campus band. Pero nang makita siya ng mga ito ay puro matalim na tingin ang sumalubong sa kanya.
"What are you doing here?", unang nag-react si Hector.
"Task ko to cover your behind the scenes preparation", matatag na sagot niya. Pinalakas ni Khourt ang loob. "C'mon Hec, para sa birthday bash kalimutan na muna natin ang galit nyo sa'kin".
"We don't trust you." sabi nito at sinang-ayunan ng tatlo nitong kasama.
Napabuntong hininga si Khourt. Ang eepal ng apat na ito. Masisiraan na'ko ng ulo!
"Look, I will not do anything stupid today. Kukuha lang ako ng pictures ninyo. After five minutes, I'm done. Aalis na'ko. Besides, Francis is responsible for me. Sa kanya kayo magreklamo kapag may gagawin akong kalokohan. Okay?", mahabang paliwanag niya.
Mukhang naliwanagan naman ang apat nang makita niyang naalis ang kunot sa noo ng mga ito.
"You better be!", Hector warned her with finger pointing at her. "You have five minutes".
Khourt sighed in relief. Thank God pumayag ang mga unggoy. She thought and started clicking pictures.
Nang matapos na siya ay minabuti niyang magpaalam. She received a cold nod from the band members. She shrugged. Ewan ko sa inyo.
When she was near the door she heard some beeping of cellphones including hers. Nais niya sanang balewalain yun ngunit nag pop up sa screen niya ang mga pictures scandal ng bawat band members na nakuhanan niya noon pa.
Oh men!
She knew this was Gela's plan. Nang lumingon siya ay pulos mala demonyong mata ang nakatirik sa kanya, lahat ay nakahawak ng cellphones. Sinubukan niyang ibuka ang bibig upang magpaliwanag ngunit hindi na niya nagawa. Mabilis pa sa alas kwatrong hinapit siya ni Leo sa kanyang mga braso.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Teen FictionSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?
