3 Yellow Roses

32 0 0
                                    

Photo 16

Ayon sa Doktor ay maayos na ang kalagayan niya at pwede na siyang ma discharge sa ospital. Minabuti niyang ligpitin na ang mga gamit. Hihintayin niya na lang ang kapatid para asikasuhin ang mga papeles. Good thing Linda took care of all the bills and expenses of her two days confinement.

Subalit ilang oras na rin siyang naghintay kay Kish ay hindi ito dumating. Minabuti niyang tawagan ang kapatid.

"Hoy! Nasa'n kana? Ilang oras na akong naghihintay sa'yo a, Ano? ako na lang ang uuwing mag-isa? Anong klaseng kapatid ka?!", walang prenong singhal sa kapatid pagkasagot nito ng tawag niya sa cellphone.

"Sis naman, sorry na. May ginagawa kasi akong thesis ulit. Di naman pwedeng ikaw lang ang kumita at saka nalimutan kong magtext. But don't worry, may susundo sa'yo diyan. Sige na. bye!"

"Hoy Kish! hoy--", pinutol na nito ang tawag niya. "Naku! Kapatid pa naman kita!", galit niyang sabi sa cellphone. Akma niya namang susuntukin ang phone pero sumakit bigla ang tagiliran niyang nasaksak. Napa-daing siya. "Awww".

"You shouldn't move like that"

Napalingon si Khourt sa nagsalita. It's Francis. Nakasandal ito sa pinto at as usual serious na serious ang mukha nito.

"Francis! Anong ginagawa mo dito?", tanong niya.

"Kish sent me here", anito habang papalapit sa kanya. "Here". Binigyan siya nito ng tatlong dilaw na rosas.

Tumaas ang isang kilay niya. What is he doing? Bakit niya ako binibigyan ng bulaklak? hmmm.

"Huwag kang mag-ilusyon. Ibig sabihin ng yellow rose ay 'get well'", sabi ni Francis. Nabasa siguro nito ang iniisip niya.

"Wala naman akong sinabi ha! Assuming. Akin na nga yan", supladang sabi niya sabay kuha ng rosas sa kamay nito.

"Naayos mo na ba ang mga gamit mo?", tanong nito na binalewala ang pagsusuplada niya.

Tumango siya.

"Okay then, let's go. May klase pa'ko mamaya", tumayo na si Francis at kinuha ang bag na nasa kama.

"Ahm Francis", habol niyang tawag dito.

"Hmm?"

"Th-thanks for saving me", nahihiyang pasalamat niya sa lalaki. Afterall, the man she doesn't like saved her life. At kahit hindi sila gaanong close ay ito pa ang sumundo sa kanya sa ospital. Ano ba ang pinakain niya kay Francis Colmenares para asikasuhin siya ng ganito?

Nilapitan si Khourt ng lalaki. Yumuko ito para magtama ang kanilang tingin.

Oh men! Not again.

The man's serious face made her knees tremble again. Inilayo niya ang mukha ng ilang sentimetro.

Nagsalita si Francis. "Diba sabi ko sa'yo ng huli tayong nagkita..."

"A-ano?"

"Don't-do-anything-stupid".

"Ha?", tanong ni Khourt ulit pero naalala niya iyon.

"Good thing nakita kita sa lumang bahay. Kung wala, you're now a cold dead scam photographer"

Napalunok si Khourt. Tama nga ito. "You're my savior Sir Francis Colmenares!" Maarteng sabi niya sabay ang pagtaas ng dalawang braso sa ere.

"Let's go", walang emosyong sabi ni Francis at lumakad na palayo sa kanya.

"Oy Francis! Tulungan mo'ko rito! Pasyente ako! Hoooy!", tawag niya rito subalit hindi siya nito pinansin at di-diretso itong lumabas ng kwarto.

"Walang hiya ka Francis! Walang puso! Borin-awwww", daing niya ulit at mag-isang sumunod sa lalaki.

That man!

The Campus Paparazzi (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon