Photo 18
Big wide eyes drooled at her as if figuring who she was. Tumingin si Hector sa kanya mula ulo hanggang paa saka nito nakita ang camera na hawak-hawak niya.
"Khourtney!? What the hell are you doing here?", shock na tanong nito. He then saw Leo in the sofa, lying in an awkward position. "Why is Leo there? What have you done?!"
"Well, I just gave him a sleeping pill and-",
"What!? you scheming brat, I swear I'm gonna kill you!", galit na galit na akusa nito sa kanya.
Nagiging super saiyan na si Hector sa galit. Nahuli nito ang kamay niya. Ngunit hindi siya sumuko, walang tigil siyang pumiglas sabay sipa niya sa pagkalalaki nito.
Napaluhod si Hector sa sakit at sinapo ang nasaktang bahagi. "Se-rious-ly Khourt..", daing nito sa sobrang sakit.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, parang kidlat sa bilis ang pagtakbo niya patungong balkonahe.
Isa lang ang naiisip niyang paraan para makatakas. Ang tumalon sa kabilang balkonahe ng katabing unit. Pero ang tanong, kaya niya kaya?
19th floor drop? Oh men!
Nakita niyang nakabawi na si Hector sa sakit at nakakatayo na ito saka panaka-nakang lakad ito patungo sa kinalalagyan niya.
Then this is the only way.
The balcony on the other unit is not that far yet she was frightened by the fact that she is on the 19th floor. If she'll make any mistake she'll fall and hell, she couldnt imagine her bodies situation after.
Hell! Who cares if I die?
Khourt closed her eyes and took a deep breath. Sumampa na siya sa railing ng balkonahe at mala-superhero na tumalon.
***
Matagumpay ang pagtalon niya. Binilisan niyang pumasok sa unit saka dumiretso sa pinto upang makatakas na siya.
Pipihit na sana siya sa seradura nang gumalaw ito ng kusa.
Syet! Someone's coming!
Bumukas ang pintuan. Khourt hid behind the door.
"Hector, why are you walking like that?", sabi ng boses sa labas. Hindi pa ito nakakapasok ng tuluyan.
Napapikit si Khourt nang marekognisa kung sino ang nagmamay-ari ng boses.
"Guess what pare?", Hector asked.
"What?"
"Nandiyan si Khourt sa unit mo,"
"What the heck?!"
"Yes pare, nakita ko siyang tumalon sa balcony mo at binigyan niya si Leo ng sleeping pills and she kicked my balls! The nerve of that brat! I'll tear her to pieces para hindi na mamerwisyo", nanggagalaiting sabi ni Hector
Napalunok si Khourt.
"I'll check my unit if nandito nga siya",
Sumagot si Hector. "Yes pare, pag nahuli mo pakibigay na lang sa'kin",
"Okay".
Yun lang at sinara na ng lalaki ang pinto.
The man turned on the light. Nagtagpo ang mga mata nila pagkatapos.
"Hi Francis," cute na bati niya sa lalaki na parang inosenteng bata na nahuling nagtatago.
Kumunot ang noo nito. "Did you jumped on the balcony?"
Tumango siya.
"Are you okay?"
Kinapa ni Khourt ang katawan. "I think so?"
Nagulat si Khourt sa mga tanong nito. Imbes na pagagalitan siya nito tulad ng dati ay pawang concern ang nakukuha niyang reaksyon mula kay Francis.
Is there something wrong?
Dumiretso si Francis sa sala ng unit saka binagsak ang katawan sa sofa. "Good, umalis ka na".
"Ha? Hindi pwede. Nandiyan si Hector sa labas. Ayokong mahuli".
Tiningnan siya ni Francis. "Sana inisip mo yan bago ka pumasok sa condo ni Leo".
Nangamot si Khourt ng ulo. "Francis naman e, alam mo naman yung raket ko. At huwag mo'kong sermunan as far as I know, nakinabang ka rin sa propesyon ko, diba?"
"Bahala ka. Stay if you want just don't make any noises. Gusto kong manahimik", ultimatum nito saka sinubsob ang ulo sa sofa.
Sumaludo siya na parang sundalo. "Yes Sir!". Lumapit siya kay Francis sa sala at umupo sa kabilang couch. "Francis?" tanong niya nang napansing may kakaiba sa lalaki.
"Hmm?"
"Okay ka lang ba?"
Francis looked at her. "Di'ba sabi ko katahimikan?"
"Sorry lang, para kasing may gumugulo sa isip mo na parang negative vibes ba",
The man took a deep breath and released it after. "Gela and I broke up",
"Good"
"What?!"
"Ah- I mean bakit? Anong nangyari? Nagtanan na ba sila ni Mr Padua?"
Tumayo si Francis. "I am not telling you anything. Umalis ka na", seryosong sabi nito. He is hiding the hurt and he's pretending that his okay but Francis gray and bluish eyes shows the truth.
Kahit nangangatog na naman ang tuhod niya ay hindi siya aalis. Francis saved her life. He's been her escape shelter everytime she's in trouble so Khourt decided to be with the boring guy's devastated love ending.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Fiksi RemajaSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?
