Photo 12
Halos maduduling si Khourt. Matiim na tinititigan niya ang picture ng misteyosong tao na nakunan niya sa harap ng locker ni Kira.
"Para kang baliw", walang emosyong sabi ng lalaking nasa likod niya.
Si Francis. Mula nang kinaladkad siya nito mula sa gulo sa Science & Art building hanggang sa hallway ng locker ay bumuntot na ito sa kanya sa dark room ng campus.
"Huwag ka ngang magulo. Nagko-concentrate ako dito. Bakit ba nandito kapa?"
"Wala akong magawa sa office. Mamaya pa ang klase ko", cool na sagot nito.
Si Francis nga pala ang head ng Business Club sa campus dahil isa itong Operations Management student.
"So bubuntot ka dito sa'kin ganun?"
"Libre kita ng kape"
She smiled. "Okay"
***
"Teka, parang babae to a", hinala ni Khourt sabay higop ng brewed coffee na nilibre ni Francis para sa kanya.
They're at the campus cafeteria.
"Parang may boobs.. saka masyadong payat para sa lalaki.. mga 5'7" ang height.. haaaay! I'm going nuts!" , parang baliw na kausap sa sarili.
She looked at Francis, he just doesn't care or listen to anything she's talking. Wala lang talaga itong pakialam while drinking his own coffee.
She scan all the photos for almost half an hour but she got nothing. Mahinang binunggo niya ang ulo sa mesa ng cafeteria dahil litong-lito na siya sa pagpa-puzzle ng misteryo.
"Nice bracelet"
Bumangon si Khourt mula sa mesa. Francis pointed something on the picture.
"Parang nakita ko na'to somewhere", sabi niya nang makita ang tinutukoy ni Francis na bracelet.
"Pero hindi ko maalala kung saan", nagkamot siya ng ulo. "Hay! hindi ko talaga maalala", inis na sabi niya.
Francis gave a boring tired sigh. "That is a bracelet of the journalist society sa campus"
Alam ko na kung saan ko nakita. Katulad nito ang bracelet na suot-suot ni Linda nang mag meet kami sa restaurant.
Lumiwanag ang mukha niya. She needs to talk to Linda. Baka kilala niya ang misteryosong tao sa picture.
Khourt looked at Francis.
"I need to go", paalam nito nang tumunog na ang bell hudyat para sa sunod na klase.
"Thank you", pasalamat niya bago tumayo si Francis.
"Sa coffee? You're welcome", tumayo na ito. "Just don't do anything stupid"
"Okay sir!"
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
JugendliteraturSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?