Photo 5
"aaaaaaahhhhhh!"
Sigaw ni Khourt habang mabilis na lumiko sa corridor papuntang Nursing building ng campus. Hingal na hingal na sya sa katatakbo para lamang matakasan ang sikat na gitarista ng campus band na si Hector Laguerta.
Nahuli siyang kinukunan ito ng litrato sa loob ng shower room kaya ganito na lang kadesperado itong habulin siya.
"You'll never get away with this Khourtney Mansueto!" buong lakas na sigaw nito.
"What the F?! " malapit na ito sa kanya. Shortcut shortcut. Timing ring bukas ang utility room ng building kaya dumiretso siya doon upang magtago.
Habol-habol ni Khourt ang hininga nang ma lock na niya ang pintuan. Pero hindi pa tapos ang escape plan niya.
"Khourtney! Buksan mo ang pinto! i delete mo yang pictures ko kung hindi.."
"Kung hindi, ano??" paghahamon niyang tanong kay Hector.
Narinig niyang nagmura ang sikat na gitarista. " Lagot ka talaga sakin", nagtitimping sabi nito.
Oh men! Patay talaga ako rito kay Hector pagnahuli ako. Shet. Paanu ako tatakas dito?
Luminga linga siya sa paligid. Kung meron lang sanang labasan sa kabilang building. Ahah!
May maliit na bintana palabas. Payat siya kaya walang effort na lumusot siya palabas ng utility room.
She ran again towards the coliseum and enter to one of the offices. She shut the door and give a breath taking smile.
Alone at last!
Kinuha niya ang camera mula sa bag saka nag scan ng mga pictures na kinuha niya kanina. Hector has an abs of a Demi god. Parang si hercules habang nagsasabon ng katawan sa loob ng shower room at boxer lang ang suot suot. Wait a minute. She zoomed in the picture. May nakita siyang kung anu sa hita nito.
"Holy syet! are you kidding me?" she bursted a laugh after. The famous Hector Laguerta of the campus has a tweety bird tattoo on his leg.
"wahahahahaha!"
Kaya ganoon pala ito kung makahabol sa kanya, may lihim na scandal pala itong tinatago.
"Parang dito ko sya nakita pre," anang isang boses sa labas ng office.
Hindi pa pala tapos ang manhunt operation ni Hector sa kanya.
"Sige pre, salamat. I'm gonna kill this brat pagnakita ko sya", banta ni Hector.
She covered her mouth with her hands. Hindi siya magpapahuli nang buhay.
Ilang sandali ay bumukas ang pintuan ng office. Nagulat si Khourt. Syet! Nasa labas pa si Hector. Ano ang gagawin niya? Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng mesa.
***
The door opened. Isang mataas na lalaki ang pumasok, mga 5'9" siguro ang height nito. Hindi niya maaninag kung sino ito masyado kasing madilim ang office. She heard a sigh from the man then sat on the chair. Oh syet! Malapit na siya sa sapatos nito. Over sa pagkabaluktot na ang katawan niya upang hindi maabot ng paa nito.
Khourt heard him sigh again and again and again. Siya man ay naiirita na sa ginagawa ng lalaking ito.
Then, something fell down. It's a picture. Natutop niya ang bibig nang mahagip ng paningin niya ang larawan. Si Gela. Kung ganoon ang lalaking ito.. ang office na ito ay kay..
Pinulot nito ang picture sa ilalim ng mesa.
Si Francis..
Their eyes met. He stared at her for a moment after getting the chance to react. "What do you think you're doing?" he asked with a commanding voice.
"Francis shhhhh!" sabi ni Khourt habang nakasenyas ang daliri.
Francis turned on the light and looked down under the table. "Get out!"
Hindi inalis ni Khourt ang katawan sa ilalim ng mesa. Alam niyang nasa labas pa rin si Hector dahil naririnig niya ang boses nito sa labas na may kinakausap.
"Please Francis just shut up" , nagmamakaawang usal ni Khourt sa binata.
Biglang bumukas uli ang pinto, it was Hector.
Patay ka Khourtney. Panakot niya sa sarili.
Francis looked at Hector.
"Hi Frans, I was just wondering.. Have you seen Khourtney? Khourtney Mansueto?" cool na tanong ni Hector.
Francis moved his eyeballs under his table.
"Frans.. walaaa. walaaa." bulong ni Khourt sa binata sabay senyas ng kamay. Halos namamawis na siya sa pagmamakaawa rito.
"Ah.. No pare, haven't seen her "
Tatango tango lang si Hector. "Okay, thanks" sabi nito sabay sarado ng office door.
Khourtney felt relieved after that life and death situation she encountered.
Bumangon na siya dahil nagmumukha na siyang tanga sa ilalim ng mesa.
"Phew! Thank you talaga" pasalamat niya. Pinagpag ni Khourt ang damit na nakapitan ng alikabok.
Francis was just there, intensely staring at her like she was a pain in the ass.
Yes, she is indeed pain in everyone's ass but what can she do? She was reborn like this.
"So, ammmmm.. hows you and Gela?" na curious siya sa nangyari sa dalawa. Wala kasi siyang narining na chismis tungkol sa break up.
Lumakad palapit sa kanya si Francis. Nakakatakot ang mukha. Ang mga mata ay titig na titig na para bang lalabas ang laser doon at tutunawin sya.
Napa atras siya hanggang nasa dulo na siya ng office. Napasandal ang likod ni Khourt sa dingding habang si Francis at ilang sentimetro na lang ang pagitan ng mukha nito sa mukha niya.
Nagtitigan sila. Then she realized Francis eyes, it's gray and bluish. Magandang tingnan pagmalapitan. He has a long and pointed nose with matching dimple on both sides of his luscious lips. Oh men!
Sayang, hindi kasi niya type ang mga too much serious kind na tao at si Francis iyon.
Hindi sila natinag sa katitig sa isa't-isa. Pero sa totooo lang ay nanginginig na sya sa takot rito. He's so serious that makes him so scary.
Ibubuka na sana niya ang matabil na dila, but she hesitate.
Imbis, kinagat na lang niya ang bibig.
"Khourtney Mansueto, dont you ever go in my office again" sabi ni Francis na hindi hinihiwalay ang mata nito sa kanya.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Nasasamyo niya na ang hininga nito. Napakalapit na talaga ni Francis sa kanya kaya sobra na ang panginginig ng tuhod at pagtambol ng dibdib.
" And don't"
Hindi pa tapos ang sinasabi nito ay pulos na tango at pag sang-ayon si Khourt.
"Don' t ever talk to me about Gela, understand?"
"I understand sir" mabilis niyang sabi saka lumusot sa gilid ni Francis. She got out from the hell office.
Francis was really scary out there. Tense na tense siya habang palayong tinatahak ang coliseum papuntang foodcourt para makipagkita sa kliyente niya.
"Oh man! Kaw Francis, lagot ka sakin pag ginanun mo pa ko ulit.. grrrrr"

BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Novela JuvenilSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?