A Five Thousand photo

49 1 0
                                    

Photo 3

Kasalukuyan siyang kumakain ng hotdog sandwich sa hallway ng Engineering building,suot suot niya ang disguise outfit na palagi niyang ginagamit kung may sinu-surveillance na biktima. Naka wig na straight na mahaba ang buhok, eye glass at may malaking nunal sa kaliwang bahagi ng mata, at simpleng tshirt at pants.  Hinihintay niya ang paglabas ni Gela mula sa isang classroom doon. Engineering kasi ito.

Nang tumunog ang bell ay nagtago na siya sa isang poste ng building.

Lumabas na nga ang target niya. Mukhang nagpapaalam na ito sa mga kaklase saka mag-isang umalis mula sa tumpok ng mga esudyanteng nag ta-traffic sa hallway.

That's her cue. Sinundan niya si Gela ng patago hanggang lumiko ito sa chapel ng campus kung saan bihira lang ang mga estudyanteng dumadaan.

Eto na ba ang meeting place nito at ng kanyang lover? Sa chapel? pfft. Ibang klase ka Gela.

Tumatayo ito malapit sa confession room habang si Khourt nama'y nagkukunwaring nagdadasal sa isa sa mga upuan doon.

Hala ka Gela, pag ikaw nahuli ko patay ka kay Francis.

Si Francis ay isa sa pinakamayamang estudyante sa campus, infact donor ang pamilya nito ng mga buildings at classroom. Hindi naman na kailangan pang tanungin kung panu naging sila ni Gela. They both shared the same vision at school, to make the university one of a kind, Gela as the USG president and Francis as one of the main sponsor of the same organization. They both fit perfectly to be a partner. Kaya hindi niya maiwasang magtaka kung bakit gagawin ni Gela ito, if mapapatunayan niya nga. Hay, love. Hindi na talaga nakontento. Kung nakontento lang sana si...

Arrgh. Enough na sa love Khourt. Bitter ka. Alam mo yan. Hayaan mo na siya.

Mahinang tinapik niya ang ulo sa anumang iniisip. Focus. Think of Five thousand pesos cold cash.

Tinuon niya uli ang atensiyon kay Gela, nandoon pa rin ito sa pwesto mula ng dumating ito sa chapel at ngayon ay parang patika-tika na ito sa paligid. Nahagip nito ang paningin niya.

SYEEET! Mabu-boking ako. Isip Khourt.

Isang parang baliw na hagolgol ang pinakawalan niya. "Lord! Tulungan niyo po akong pumasa sa exam. please.please."

Hindi naman siya nahalata ni Gela , ang chapel kasi ay pinagtatambayan na ng mga low kaya hindi nakapagtatakang parang engot siya ritong nagmamakaawang makapasa.

Nang umiba na ang direksiyon ng atensiyon ni Gela ay doon uli siyang nagmasid.

Isang lalaki ang saka sumulpot mula sa kung saan at kinabig si Gela palapit sa mga braso nito.

AHA!

Mabilis niyang inilabas ang camera saka kumuha ng litrato. Nakatago ang camera sa likod ng kanyang bag pero nakalampas ang lenses ng kaunti para makakuha ng magandang anggulo.

UNBELIEVABLE! Gela... naku...

Naghahalikan na ang dalawa pagkalipas ng ilang minuto tapos ay hinila na nang lalaki si Gela papasok sa confession room.

****

Paglabas niya sa dark room ay napaupo siya sa sofa. Holy syeeet. Hindi siya makapaniwala.

Binuksan niya ang brown envelope at sinilip ang litrato. Yun yung kinuha niya kanina lang, si Gela at ang lalaki nito. Si Mr Gumban. Ang USG advisor at professor sa Business administration college. Napa iling na lang siya sa sabit ng trabaho niya. Kung anu man ang kahahantungan nito ay labas na siya rito.

Inilabas niya ang cellphone at nagtext.

Khourt: Tapos na ang trabaho ko.

Unknown #: Great, same time same place.

***

(We Got the World by Icona Pop)

"They say you're a freak when we're having fun.

Saying must be high when we're spreading love

But we're just living life and we never stop

cause we got the wooooooorrrrld -ay butiki!"

Napatapon ang earphone niya sa kung saan sa sobrang gulat. May humawak kasi ng balikat niya mula sa likuran. Si anonymous client.

"Ano ba, para ka namang multo e" maktol niya kapagkwan.

"Huwag kang lumingon." ma-awtoridad na sabi ng kliyente niya.

Hindi na gumawa ng anumang galaw si Khourt. Nakakatakot talaga ang boses nito. Parang mangangain ng tao.

"Where are the pictures?"

Itinaas niya ang dala-dalang brown envelope. "oh. Eto."

Naramdaman niyang kinuha nito iyon mula sa kanyang mga kamay.

"Nasaan yung pera ko? ha?"

Hindi ito sumagot pero alam ni Khourt na nasa likod niya pa rin ang misteryosong kliyente.

"Hoy! magbabayad ka ba?" singhal niya uli.

After another moment of silence she forced herself to turn to find out what is happening. And there, standing, stuck in the midst of confusion and betrayal, the handsome Francis Colmenares. Natigilan ito habang isa-isang tinitingnan ang mga litratong kuha niya.

He really can't believe what he's seeing right now. His girlfriend and the lover kissing on the chapel of all places.

"F-Francis?"

Ang gwapong mukha nito ay napahiran ng kalungkutan. He looked at Khourt for a while then he spoke.

"Good job Khourt, you did well" anito na ngayon ay nasa malambing at malamig nang boses.

She rejected the compliment. "Okay ka lang ba?" What a stupid question. Sinong magiging okay pagkatapos mo malaman na niloloko ka lang ng girlfriend mo. oh please Khourtney! Where's your sympathy?

Francis smiled wryly. "Im good. In fact, relief that I knew the truth." May dinukot ito mula sa bulsa saka iniabot kay Khourt.

"Bayad ko"

Walang kiming tinanggap niya ang pera at minadaling sinuksok sa bag.

"Hindi mo na ba bibilangin?" tanong ni Francis

Umiling siya. I trust you.

Ilang minuto ring pinuno ng katahimikan ang paligid. Siguro ay dinadamdam pa ni Francis ang natuklasang pagtataksil ni Gela sa kanya.

"Khourt, please do me a favor" sabi nito kapagkwan.

"Sure,"

"Gusto ko sanang walang may nakakaalam sa nangyari ngayong araw.Especially about kay Gela at kay Mr. Gumban. Let's just keep it a secret"

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Wala sa katauhan niya ang mang chismis. Ang trabaho ay trabaho lamang.

"Thanks", Francis smiled again pero ngayon alam ni Khourt na pilit lang ito upang pagtakpan ang kung anumang sakit na nadadama sa loob.

After that, Francis left the premises.

"Tsk tsk, Francis, man of few words. What will you do about this?" curious na tanong ni Khourt sa hangin. She wonder.

The Campus Paparazzi (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon