Photo 11
Ito na ang pinakamahirap niyang assignment na natanggap mula nang naging propesyon niya ang pagiging scam photographer. Buong araw niyang sinundan si Kira sa campus and hell, it was very dangerous. Kira was proclaimed the Gangster King for nothing. Mahilig ito sa gulo, walang araw na hindi ito mai-involve sa anumang riot sa campus. No wonder may gustong tumakot rito.
Kira Blanco is a tall man, moreno at gwapo. He is on his senior year on University as an IT major.
Kasalukuyang sinusundan ni Khourt si Kira sa hallway ng Science and Art building, kasama nito ang mga grupo na pulos basagulero.
Syet! magra-riot naman yata rito.
Inukopa niya ang poste ng building kung saan malaya niyang makikita ang mga pangyayari at hindi siya mahuhuli.
Si Kira at ang kanyang pitong alepores ay nasalubong ang isang grupo rin na gangster sa hallway at dahil wala masyadong estudyante at teacher na dumadaan ay nahihinala ni Khourtney na magkakagulo na naman doon.
"Kira, huwag kang haharang-harang sa daan ko", sabi ni Troy, ang lider ng kabilang gangster.
"Troy, ikaw ang naghaharang sa daan ko", sagot nito.
"E gago ka pala e!", inis na sabi ni Troy tapos ay mabilis na sinunggaban ng suntok si Kira.
Kira was able to dodge it and punched Troy at the face. Doon na nagsimula ang riot.
Hay! wala akong mapapala rito. Hindi naman siguro si Troy ang nananakot kay Kira, he is just a complete idiot. Pero sino at bakit?
Napaatras si Khourt nang naabot sa kanyang pinagtataguan sina Troy at Kira na nagsasapakan. Napatid bigla ang paa niya ng kung anu rason para ma-outbalance siya. Napapikit na lang siya sa posibleng mangyari.
***
Someone grabbed her arm before her body could hit the floor.
"What the heck Khourt?"
Francis?
Her eyes opened. It was indeed Francis staring at her with like a concern or so she thought.
Tinulungan siya nitong tumayo. "What are you doing here?"
"Nagta-trabaho ako", paliwanag niya.
"Your job. Right!", he gave an odd expression after saying those words. Then, he gripped her arm.
Kinaladkad ni Francis si Khourt palayo sa nagkakagulong away ng mga gangster.
Nagpumiglas siya. "Frans! let me go, kaya ko na ang sarili ko". Subalit kahit anung gawin niya para makawala sa matigas na kamay nito ay hindi nagtagumpay.
Hindi siya pinakinggan ni Francis. Inilabas nito ang cellphone saka nag-dial.
"Chief Oro, may gulo sa Science at Art building paki-asikaso na lang", anito saka binalik sa bulsa ang cellphone.
***
Nasa locker hallway na sila nang pinakawalan si Khourt ni Francis.
"Ano ba yan Francis! bakit mo ba ko inilayo?", reklamo niya rito.
Francis as usual, calm and serious didn't respond.
Pinatuloy ni Khourt ang reklamo. "Dyes mil. Dyes mil. Hay!", humakbang siya pabalik. Kailangan niyang sundan ulit sina Kira.
"You stop there lady, delikado kapag bumalik ka pa."
Tumigil si Khourt at binalingan si Francis. "Ano bang paki mo?"
Napabuntong-hinga ang binata. "Bahala ka sa buhay mo"
Hmph! Akala ko concern ka.
Hindi na sumagot pa si Khourt saka lumakad palayo nang may nakita siyang misteryosong tao sa harap ng locker ni Kira.
Naka jacket ito at nakatago ang mukha ng hood.
Aha!
Lumapit siya kay Francis na hindi pa nakakalayo saka nagtago sa likod nito.
This is the best hideout.
Ipinuwesto niya ang camera saka ilang shots ang pinakawalan.
"Anong ginagawa mo?", tanong ni Francis sa asar na boses. Nakapamaywang na ito.
"Huwag kang magalaw, nagtatago ako", saway niya rito.
"Khoooourt"
"Shhhhh!"
Finally! may clue na rin siyang nakuha. Thanks to Francis for bringing her for the Ten Thousand jackpot prize.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Novela JuvenilSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?