Photo 22
"Francis! Francis!", nagmamadali siyang pumasok sa office ng lalaki.
"Hmm?", tugon lang nito na hindi umaangat ang ulo. May mga hawak-hawak itong papeles sa magkabilang kamay at bumabaha pa ang mga iyon sa mesa.
Malakas na pinagpag ni Khourt ng dalawang kamay ang mesa nito. "Have you heard the news?"
"What news?", hindi pa rin ito natinag sa inaasikaso.
"Na ako ang third party sa break up niyo ni Gela!"
"Ikaw nga ba?", sinunod nito ang reaksyon niya kaninang umaga nung nagmamaldita siya.
Aba't inaasar pa ako nito a.
"Of course not!", over sa expession na tanggi niya.
"Hindi yan balita, chismis lang. Hayaan mo na. Hindi naman totoo".
"P-pero... Panu nalaman na may ipinakilala kang babae sa lola mo sa San Benedicto?"
"Tumawag si Gela kina Lola nang pauwi na tayo, nagpaumanhin siya dahil hindi nakapunta.. So Lola Francesca told her that she met my girlfriend which is you that day and Gela was lying." paliwanag nito na hindi pa rin nag angat ng ulo.
"What?! So iyon ba ang nag trigger sa break up nyo kahapon?"
"Yeah, she cursed me and telling me that I am not faithful so I end up revealing her secret that she's keeping from me for a long time already", wala sa loob na paliwanag nito.
"Bakit hindi mo ikinuwento sa'kin kagabi?" tanong ni Khourt.
"Because it's not important."
"B-but.."
Doon na umangat si Francis ng tingin. "Just be quiet, okay? May tinatapos ako para sa birthday bash celebration. After this, we'll have your kwek-kwek".
Hindi niya talaga maintindihan si Francis. He's unemotional, serious and unreadable man. Para itong maskara, na hindi mo malalaman ang totoong ekspresyon at damdamin nito dahil nakatago iyon sa isang pekeng mukha.
She sighed. Ano ba talaga Francis? Nararamdaman kong nasasaktan ka. Pero bakit itinatago mo pa? Bakit binabalewala mo lang? At bakit ako nababaliw sa pagiging asal bato mo?
***
"Meron ngang kwek-kwek, wala namang kausap", malakas na maktol ni Khourt para marinig iyon ni Francis.
Nasa gilid ng kalsada sila pabalik sa campus dahil medyo malayo ang binibilhan ng mga streetfoods doon. Kaya malayo pa ang lalakarin nila.
And Khourt is definitely dying of silence. Kanina pa si Francis tahimik. Ni isang word ay wala siyang nakuha mula rito. Somethings bugging his head. And Khourt suspects it's about the break up.
"Francis! hoy sir!", tawag niya rito saka malakas na tinampal ang braso nito.
"Aw!", tugon nito. "What the heck Khourt?"
"Anong heck ka diyan! Kanina pa kita kinakausap hindi ka nakikinig. Ano ba?" inis niyang sabi.
"Khourt", simula ni Francis. Huminto sila sandali saka nagharap. "Did I do the right thing?"
Nahinto ang pagkain ni Khourt ng kwek-kwek. "Sa pagbreak mo kay Gela?"
He nodded for confirmation.
"Francis, I'll give you one of my wisdom in life so makinig kang mabuti", umpisa ni Khourt sabay pa ang pagtaas ng hintuturo malapit sa mukha ni Francis.
"Wala naman talagang maling desisyon sa buhay ng tao. Kapag nagdesisyon ka at pinanindigan mo, yun ang tama. Uo, masasaktan ka, pero kung matatanggap mo at alam mong makakabuti sa'yong sarili walang dahilan para bawiin mo iyon. Balang araw, masasaktan ka man o maging masaya, gamitin mo iyon bilang leksyon sa buhay mo", mahabang paliwanag niya. "Naintindihan mo ba?"
"Gela cheated on you, kung hindi ka nakipagkalas sa kanya, sa palagay mo ba magiging masaya ka na alam mong may ibang tinatagpo ito? Na kahit mahal mo siya hindi pa rin sapat iyon para maging masaya ka. Minsan kailangan mo ring maging tanga para marealize mo ang lahat."
Muli siyang sumubo ng kwek-kwek pagkatapos. Saan ko kaya nakuha ang mga salitang pinagsasabi ko?
Nabigla si Khourt ng inakbayan siya ni Francis. "Very well said. Now, I'll try myself to move on".
She released a proud laugh. "Good. Dapat lang sir! Pero hindi libre ang words of wisdom ko. Bayad mo?"
A little bright smile curved on Francis lips. "Nabayaran na kita ng kwek-kwek mo".
"Kaw ha. Ang daya mo. Basta kapag nalulungkot ka, punta ka sa'kin tapos libre mo'ko. Bibigyan kita lagi ng advice."
Tumingin ito sa kanya pero hindi pa rin mawala ang maliit na ngiti nito.
Khourt's heart melt. Then suddenly her knees tremble again like an earthquake passes by. Oh men! Not again.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Novela JuvenilSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?