Photo 17
"Oh yes! On a roll again!", masiglang saad ni Khourt habang sinusundan si Leo Chua palabas ng campus. Leo is the vocalist of the campus band and her next victim.
Kailangan niyang kunan si Leo na natutulog. Pathetic. Sino bang walang utak na magbabayad sa ganitong litrato? Wala nang iba kundi ang isang estudyante ng campus na si Princess Pio. Patay na patay ito sa binata at ilang pictures na rin ang tinrabaho niya para dito sa malaking halaga.
These spoiled filthy girls. Kung alam lang nila ang feelings ng nawalan ng pera tiyak pahahalagahan nila 'to.
At her usual disguise, long straight black wig, plain shirt and skinny jeans with a pair of big sunglasses. Sigurado siyang hinding hindi siya makikilala nito.
Sumakay si Leo sa taxi. Kalmadong pumara rin siya ng taxi saka inutusan ang drayber na sundan ang sinasakyan ni Leo.
Adrenaline rush through her whole system. Muling nabuhay ang katawang lupa niya. Hindi man niya aminin ay nae-enjoy na niya ang mala-detective adventure niyang trabaho na ito. It is just too exciting and it let her forget all problems and sad memories of the past.
Ito ang kauna-unahan niyang assignment mula nang nasaksak siya. Three weeks rest is like a life without life. It's just too boring for her but she was forced to ignore all assignments from her clients because of a one person who always checked her everytime and blackmailed her. Si Francis. Kung hindi siya susunod ay isusurrender siya nito kina Hector at Anton. Arrrrr. She remembered her worst nightmare. At alam niyang mangyayari iyon kapag nahuli siya ng dalawang itlog.
But now, she cried for her freedom. Nag wild siya sa office nito at ginulo ang lahat lahat doon kaya napilitan si Francis na payagan siya. And here she is... back to business.
Huminto ang taxi na sinasakyan ni Leo sa harap ng isang malaking condominium sa syudad.
Sinundan ito ni Khourt hanggang pagpasok nito sa elevator.
"What floor miss?", tanong pa nito sa kanya. Wala talaga itong kaalam-alam na siya si Khourtney Mansueto, the scam photographer.
"17th floor, thanks", sabi niya sa maarteng tinig.
"Okay, going up", sabi nito matapos pindutin ang 17 button at 19 button.
Aha! 19th floor ka pala.
Leo is a tall man. Chinito at mala-Xian Lim ang appeal. No wonder Princess Pio is crazy over him. Add on pa na vocalist ito sa campus band.
Nang bumukas ang elevator door sa 17th floor ay tyming ring tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito sa maarteng paraan. "Yes friend? really? Nasa 17th floor na me...What? 19th floor ba? oh sure. I'll be there in a sec. Ciao! xoxo", paalam niya saka binalik ang cellphone sa bag.
"I'm sorry pero sa 19th floor pala yung studio ng friend ko", sabi niya kapagkwan.
"Sweet.Pareho pala tayo", sabi ni Leo at pinindot ang close button ng elvator.
Poor Leo, walang kaalam-alam na isang fake call pala ang tumawag sa kanya. She set it up before the elevator started. She knew that she need a back up plan if ever na hindi niya mahulaan ang floor number nito.
Unang lumabas si Leo sa elevator. Pagtapak niya sa 19th floor ay sinundan niya ng tingin si Leo at kung saang kwarto ito pumasok. Aha! Now for Plan C. Activate.
Tulak-tulak ang isang cart ng mga towels at panlinis ng kwarto ay huminto si Khourt sa room 2054. Nakadisguise siya bilang housekeeper. Nilagyan niya ng nunal ang mukha at ginulo ang tunay na buhok para magmukha siyang katulong.
Nag doorbell siya. "Housekeeping!"
Narinig niyang tumunog ang lock system ng pintuan senyas na bukas na iyon at pwede na siyang pumasok.
Nakita niya si Leo na may ginagawa sa laptop sa sala nito at umiinom ng juice.
"Manang, pakikuha na lang yung ipapa-laundry ko sa kusina", walang lingong sabi nito.
"Yis ser!", mala ilonggang accent ang sagot niya.
Pagkalabas niya ng kusina ay ganun rin ang pagsagot ni Leo ng tawag mula sa cellphone nito. Tumayo si Leo at pinagpatuloy ang pag-uusap sa balkonahe ng unit.
You'll be dead Leo.
Mabilis pa sa alas kwatro na nakalapit siya sa sala. Nilabas niya ang isang gamot na nakaipit sa suot-suot niyang uniporme saka tinapon iyon sa iniinom nitong juice.
***
Finally!
Pagbubunyi ni Khourt nang tuluyang napahiga si Leo Chua sa sofa. Effective ang sleeping pills na nilagay niya sa inumin nito. It indeed knocked him out fast.
Malaya niyang kinunan si Leo ng mga litrato habang walang malay na natutulog ito.
"Pera Pera na naman!"
After she got satisfied herself from her taken pictures, she immediately went to the door to flee.
Pero biglang bumukas ang pinto.
Syet!
Sinadya ba talaga ng tadhanang mamatay siya? Dahil ang taong kapapasok pa lang ay si...
Hector? Oh men! I am so dead.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Teen FictionSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?