Job Offer

21 0 0
                                        

Photo 25

Pawisang pumasok si Khourt sa opisina ni Francis. Halos matumba na siya sa katatakbo para lamang makarating sa lalaki sa napag-usapang oras.

Humihingal siyang umupo sa office chair. Pinahiran niya ng panyo ang buong mukha dahil sa mga namumuong pawis. Tapos sinundan niya ng pahid ang kanyang leeg hanggang sa kili-kili.

"Pakibukas nga ng aircon mo. Napakainit!", demanda niya kay Francis sabay lapag ng panyo sa office table.

"Would you please get rid of that thing", disgusted, he stand and looked away from her.

"Ang arte neto, parang sa panyo lang. Hindi ka niyan papatayin!", banat niya saka itinago ang panyo sa bulsa. "Bakit ka nagtext?"

Tumingin na ito. Ang navy blue na polo shirt ni Francis ay nakadagdag sa ma- appeal na katauhan nito ngayon. Lalo itong gumwapo sa mata ni Khourt but she ignored it right away.

"I'm gonna give you a job"

Tumaas ang kilay niya.

"You'll be one of the official photographer para sa birthday bash celebration ng campus next week".

Tumayo siya. "Ha? Bakit ako? Wala akong talento sa mga ganung bagay. Mga scandal lang ang kinukunan ko", kontra niya. Nagulat si Khourt. What a shocking offer. Ganoon ba kabilib si Francis sa kanyang kakayahan para i cover niya ang once in a lifetime celeberation sa campus?

"Alam ko", sagot nito.

Napangiwi siya. "E bakit mag-o-offer ka sakin kung alam mo namang hindi ko forte yan?"

"Because...", Francis eyes were as if making contact with hers. "I don't want you to take pictures of me again".

Nalito si Khourt sa paliwanag nito. "Yun lang? Itataya mo ang buong event sa mga kamay ko? Are you that serious?"

Napaka-weird talaga ng lalaking ito kahit kailan.

"Yun lang. Now, if you can't do it. Fine! Ituloy mu yang pagiging paparazzi mo at mapahamak. And don't ask for me to help you hide again", his face was glazed, but Khourt truly understand that Francis is just concern on her as what she read from his words.

Reluctantly, she haven't spoke for awhile. Her heart melted.

"Uhhh, ang sweet mo naman Sir," sandali ay nasabi niyang nang makabawi sa kakaibang pakiramdam.

Matalim na titig ang ibinigay ni Francis. "Please don't get me wrong. Ayokong maabala sa susunod na mga araw dahil busy ako. Get it?", seryosong paliwanag nito.

Tumango lang siya. "Uo na. Ito naman napaka-defensive. Pero...hindi ko matatanggap yan. Sorry".

Wala siyang panahon sa mga ganitong bagay. Ang gusto niya ay perang mapagkikitaan dahil malapit na ang second semester at may hahabulin pa siyang bayarin.

"Kung ayaw mo talaga, okay lang. Alam kong naliliitan ka sa ibabayad sa'yo ng campus", wala sa loob na sabi nito.

Lumiit ang mata niya sa narinig. "Ibabayad ba kamu?"

Francis nodded.

"Say it Francis, magkano ba?"

May ipinakita si Francis sa kanya na allocation paper para sa budget ng birthday bash.

Bug-eyed face unleashed her interest as she saw the amount for the job. Without further ado. She yelled yes.

***

Kahit saang sulok ng silid mapadako si Khourt ay pulos matatalim na mga mata ang sumasalubong sa kanya.

Oh men! Ano ba'tong pinasok ko?

Nasa conference room siya ng campus kung saan gaganapin ang meeting para sa nalalapit na Birthday bash.

Nandoon sina Hector at Leo, at iba ring nabiktima niya sa kanyang propesyon. Pagpasok niya kanina kasama ni Francis ay nagulat pa ang mga ito. Ngayon, ay hindi siya komportable sa mga tinging ipinupukol sa kanya. Para siyang isang bwesit sa mga ulo nila.

Napabuntong hininga siya. Mabuti na lang at katabi niya si Francis, alam niyang walang may gagalaw sa kanya dahil sa presensya nito. Panay ang pangungumusta nito kung okay lang ba siya. Hay! kung makakatuklaw lang ang tingin sana ay kanina pa'ko nakain.

Sa wakas ay pumasok na ang ibang hinihintay na myembro ng committee sa event.

Una niyang nakita si Linda. Masayang lumapit ang journalist sa kanya at nangumusta. Ilang araw rin niyang hindi nakikita si Linda matapos ang mala-buwis buhay niyang pagsalba sa mga ito.

Walang lumabas na kahit anong kwento sa totoong nangyari. Sinigurado iyon ni Francis. Dahil kapag nalaman na may psychotic na estudyante sa campus ay tiyak na pagpi-pyestahan iyon ng media. Beth was expelled and sent by her parents to States. Ipinalabas naman na naholdap sina Linda at Kira. Lumaban si Kira sa magnanakaw kaya nasugatan ito sa leeg. At siya, walang may pakialam kung anong nangyari sa kanya. Ni walang may nangtangkang magtanong man lang mula sa kanyang mga kaklase at professors. Yap! ganito na nga ang buhay niya. Walang may ni isang katiting na concern ang mga ito sa kanya. Except Francis.

"Happy ako para sa inyo ni Kira", buong galak na bati ni Khourt.

"Thank you so much Khourt, kulang pa ang bayad ko sa iyo kung tutuusin. If may kailangan ka, anything, name it, lapitan mo lang ako", masayang-masaya si Linda. Nagbago na si Kira. Hindi na ito ang gangster king na nakilala ng lahat sa campus. Kira changed his hairstyle, switched outfit and choose to be a better man for Linda. Epekto ng laslas sa leeg.

"No, okay na ako na nakikitang masaya kayo ni Kira".

Tumango lang ito.

"Good afternoon everyone!"

Napabaling ang lahat ng atensyon kabilang si Khourt sa kahuli-hulihang pumasok ng conference room.

Angelic face entered and the whole crowd became silent.

Tiningnan ni Khourt si Francis. The face of this man is fixed all this time. Serious and showed no emotion as he straightly heading it's sight on the girl across the room.

"Good day Francis," the angelic face greeted him.

"Same to you...Gela", Francis answered back.

And the entire room continues to say no word. And so as Khourt.

The Campus Paparazzi (On going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon