Photo 9
"Awwww" daing niya pagmulat ng mga mata nang sumunod na araw.
Napakasakit ng ulo niya na nauuhaw siya na hindi niya maintindihan ang sariling katawan.
Sapo niya ang ulong bumangon sa kama. Naparami yata ang inum niya kagabi kasama si Francis. Ayun, naubos nila lahat ng beer at syempre nalasing siya but she remembered everything.
Kung anu-ano ang pinagsasabi niya kay Francis, mula sa pagkalugi ng negosyo nila, pagiging brokenhearted niya hanggang sa pagkamatay ng ama niya at ang sa pinagdaanang hirap sa buhay. Si Francis naman ay tahimik lang na nakikinig.
Anu ba namang bibig to? Napaka ingay! saway niya sa sarili.
Mahinang tinampal niya ang noo nang naalala kung paano siya nakararing sa kwarto. Kinarga siya ni Francis mula sa kubo hanggang sa kwarto dahil sa sobrang kalasingan ay hindi niya na kayang lumakad.
Oh men! Nakakahiya.
***
Khourt waved at Lola Francesca before she get in the car.
"Let's go", anyaya ni Francis sa kanya saka binuhay na ang makina ng Montero.
Tinatahak na nila ang daan pabalik sa syudad.
Nag-umpisa na namang mabagot si Khourt sa byahe. Wala rin siyang ganang kumanta dahil sa nanunuyot niyang lalamunan dulot ng beer kagabi.
"I had fun last night", basag ni Francis sa tahimik na pumapalibot sa loob ng sasakyan.
She grinned like a moron. "Really?" then dropped her face "pwes ako hindi".
Sandaling bumaling ang binata."Why?"
"Kasi po ako lang po ang nagke-kwento po", diinan pa ni Khourt ang salitang "po" para malaman nito na nagtatampo siya.
"Ha! when I was trying to say something you're mouth keeps on talking louder and just never shut. Hindi ako makasingit, just so you know", serious na sagot nito.
"Talaga? Edi ngayon ka na lang magsalita para naman patas na tayo"
"Wala na ako sa mood"
"Hmp! Suplado!" humaba ang nguso niya sa sobrang tampo.
Pero si Francis ay focus lang sa pagda-drive nito.
Nilabas niya camera then rolled down the window. Kinunan niya ulit ang mga views sa labas.Just magnificent.
Nang mangalay ay sinira na ni Khourt ang bintana ng Montero.
"Francis, tingin ka dito",sabi niya.
Sinunod naman nito ang sinabi niya. Mabilis niyang pinindot ang button ng camera at nakunan niya ang seryosong mukha ni Francis sa malapitan.
"Yes! hahahaha. Mahal ang mabebenta ko dito sa picture mo"
"Gusto mo sigurong ihulog kita sa sasakyan ko?"
"Ito naman, I'm just kidding. Souvenir ko ito", pagsisinungaling niya. Of course, pera pa rin ang nasa utak niya.
Hindi lingid sa kaalaman nila, Francis is also a campus royalties. Gwapo ito at simpatiko kaya marami rin ang nagkakagusto na mga babae dito. Ang pagiging malapit niya dito ay magbibigay sa kanya ng maraming pera.
Nagspark ang mata niya. Tiba-tiba naman siya.
She yawned. Tinamaan na si Khourt ng antok kapagkwan. Binaba niya ang sun visor para maprotektahan ang mata sa silaw ng araw. It's 8:45am, apat na oras pa bago sila makarating sa syudad, mabuti na lang at night schedules siya ngayong araw kaya pwede pa siyang makapagpahinga. She stretched her arms and get the most comfortable position she could.
Nap time! Then closed her eyes.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Teen FictionSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?
