Photo 21
"What?! Francis and Gela broke up?" narinig ni Khourt na sumigaw si Cheska mula sa likod ng classroom.
Nasa Economic class siya na kasaluluyang hinihintay ang professor na dumating at yes, Cheska and her annoying girls is her classmates.
She make a sly smile. Huli na kayo sa balita.
"Uo girl, at alam mo ba ang rason ng break up?", tanong ni Lovely na siyang naghatid ng balita pagpasok pa lang ng classroom.
"What?"
"What?"
Kahit hindi man niya gustong marinig ang pinagtse-chismisan ng mga ito ay hindi niya maiwasan. Ang lalakas ng mga itong mag-usap at sinasadyang ipaalam sa buong klase.
"Third party!"
"Anooo?", bulalas ni Prisila.
Halos lahat ng mga babaeng estudyante ay tumingin bigla sa tatlong babaeng nag-uusap.
Hmph! Mga etchosera.
"Sino ang nangaliwa?", atat na tanong ni Cheska.
Nakita niyang naglalakihan ang mga tainga ng lahat sa isasagot ni Lovely.
"Si Francis!"
"What?!"
"What?!"
"What?!", nakisali siya sa nabigla mula sa kwento ng mga ito.
Tumingin sina Cheska sa kanya na para bang nanunuya.
"Ah-I mean.. Hindi yun magagawa ni Francis", paliwanag ni Khourt.
Maarteng sumagot si Lovely. "Oh please Khourt, at sino ang sa palagay mo ang gagawa ng ganyang kalandian? Si Gela? Impossible."
"Yeah, Gela is an angel. She wouldn't do the cheating, she love Francis so much. Poor Gela, I can't imagine how could she handle such heartbreak", dugtong pa ni Cheska.
"Right. So pwede ba Khourt, sa paggapang ka na lang ng pera mangialam. Don't interrupt us while talking. It's for rich girls hobby and not for you", mala-ipokritang taboy ni Prisila sa kanya.
Humarap na siya. Binalewala niya na lang ang pang-aalipusta ng tatlong bruha sa kanya. Sanay na siya sa mga ito mula nang maghirap siya sa buhay.
Patuloy pa rin ang pag-uusap ng mga ito.
"Ang sabi sabi, may dinala si Francis na babae sa San Benedicto at ipinakilala ito sa lola niya and definitely it is not Gela." si Lovely.
"OMG! I'm sure inakit ng babaeng yun si Francis. She's a flirt. Dirty nasty flirt!", akusa ni Cheska.
What the F? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Anong klaseng chismis ito? It's not true! Nais niyang itanggi ang mga paratang laban sa kanya pero hindi siya pumatol.
"Sino ang girl?Sino?", tanong ni Prisila.
"That is the one I do not know. Whoever she was, destroying the Gela-Francis love team is an evil work. How dare she", nanggagalaiting sabi ni Lovely pagkatapos.
Aba't ang babaeng ito. Kung makakampi kay Gela parang hindi nila nililibak ito kapag nakatalikod. Ang mga plastic nyo!
Maya-maya pa ay dumating na ang professor nila. Mabilis na pumwesto ang mga estudyante sa mga kani-kanilang mga upuan.
"Good Morning class. What's the commotion all about?"
Tumaas ang kilay ni Khourt pagpasok ng prof.
Si Lovely ang sumagot. "Nothing sir, just the news about Francis and Gela".
Nakita ni Khourt na napalunok ang professor pagkarinig nun.
Sige, matakot ka. Nabibilang na ang araw mo sa university Mr Padua.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Novela JuvenilSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?