The EX boyfriend memories

50 1 0
                                        

Photo 4

"I'm home! " anunsiyo ni Khourt pagpasok ng bahay.

Nakita niya si Kish sa sofa at may kung anong ginagawa sa laptop. Itinaas lang nito ang kamay hudyat para ma acknowledge nito ang presensya niya.

Kish is her sister. A Political Science major, may balak itong mag abogado just like their deceased mother.

"Ano na namang inaatupag mo sa laptop? Facebook?" nakataas kilay na tanong niya paglapit dito.

"Duh?" , sagot ni Kish na hindi mawala ang atensiyon sa screen ng laptop. "Gumagawa ako ng thesis".

"Thesis? hoy Kish hija second year ka pa lang ah, bakit may thesis na ka diyang nalalaman?"

Pinindot ni Kish ang enter key saka hinarap si Khourt. "Binayaran ako nina Chelsea para gawan ko sila ng Thesis. Don't worry malaki ang bayad" Muling binalik nito ang paningin sa laptop.

" Sureness?" 

Tumango ito. "Six thousand rin ito sis"

She sighed. Kahit ang kapatid niya ay rumaraket rin para makatulong sa kanilang buhay. Marami pa silang mga bayarin. Sa bahay, kuryente, tuition, wifi, tubig. Ang hirap mabuhay ng walang tumutulong sa kanila. Kahit naibenta nila ang mansion pagkamatay ng ama ay sapat lamang iyon para sa makabayad sa utang ng business nila. They started at zero with nothing but depression and loneliness yet they were able to live with it.

Wala na silang pamilya o kamag anak sa Pilipinas. Pulos na nasa ibang bansa at walang komunikasyon noon pa. All their friends, ang mga elite, blacklisted them into the social circle. Wala na raw silang pag-asa sa buhay. Kahit ang boyfriend niyang si Patt ay iniwan siya. Si Patt...

It's been 6months since their last talk.

"Wala na ba talaga tayong pag-asa? Bigyan mo naman ako ng valid reason kung bakit ayaw mo na sakin Patt" Nagmamakaawang sabi niya sa boyfriend. Nasa bahay sila ni Patt. Pinilit niyang magpakatatag sa kung anu man ang desisyon na sasabihin nito.

"I'm sorry Khourt, bigla na lang talagang nawala yung something between us" walang emosyong sabi nito .

Napamaang siya. Nawala? Bigla na lang bang nawawala ang feelings ng isang tao sa isang iglap lang? She was afraid to say anything that might ruined her pride. Gusto niyang magmakaawa, lumuhod at umiyak nang umiyak hanggang bawiin nito ang sinabi at amining mahal pa rin siya nito. 

Patt texted her last night that he wanted a break up pero hindi siya pumayag kaya sumulong siya sa bahay nito ngayon. She couldn't believe it. Patt is a very kind man. Wala sa ugali nito ang gawin sa kanyang hiwalayan siya.

Umagos ng umagos ang luha niya pero wala siyang balak pahiran iyon.

"Patt, dahil ba hindi lang ako sumasama sa lakad at nagte text sayo ay nawala na agad ang feelings mo? Anu ba Patt? Alam mo naman ang pinagdadaanan ko ngayon diba? Our business is bankrupt. I need to help my father. Wala na kaming pera pang load or igastos sa mga gimik natin. Naiintindihan mo ba ako? How could you do this?!". Her world spin faster. Parang isa lamang ito sa mga masamang panaginip at gusto na niyang magising.

Pero ang lalaking nasa harap niya ay parang estatwang hindi gumagalaw para aluin siya at  patahanin and she was devastated about this.

Hurt.

Down.

And pained.

How could patt do this? paulit ulit na tanong niya sa mundo. She heard the most stupid reason on why the feelings were gone. Just because she wasn't there everytime Patt wanted her to be. Pathetic Patt...

Happy memories faded in her mind. Instead, it was turned into dark clouds. It was so unfair, nang may problema si Patt noon ni hindi siya nag  kwestiyon sa mga balewalang ginagawa nito sa kanya. She loved him much that she swallowed her pride and never asked for attention. So unfair.

***

"Sis, nag de-daydream ka naman. Hoy gising!"

Napapitlag siya sa kinauupuang sofa. She sighed after. She saw her sister looking at her. Bewildered.

"Don't mind me. Just continue on what you're doing."

Napataas ni Kish ang balikat saka tinapon uli ang atensyon sa laptop.

She sighed once more and tapped her heart with her hands. Enough of all the sad memories. Focus sa pera. Peraaaa!

The Campus Paparazzi (On going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon