Photo 19
Beer cans scattered on the floor but Khourt and Francis ignored the trash all over them. Ilang oras na rin ang lumipas nang magyaya si Khourt kay Francis na uminom. Brokenhearted ito at tanging ang espiritu lang ng alak ang alam niyang makakasalba sa problema ng binata ngayong gabi.
"So, ang ibig bang sabihin ay may relasyon na sina Gela at Mr Padua isang taon na?!", hindi makapaniwalang tanong ni Khourt. "Isang taon ka nang niloloko?"
Francis didn't respond.
Pinilit ni Francis na paaminin mismo sa bibig ni Gela na may namamagitan sa kanila ni Mr. Padua. At lumabas nga ang katotohanan. Isang taon na ring may relasyon ang dalawa. The two years of a perfect relationship between Francis and Gela has finally come to an end. Si Francis na mismo ang nakipagkalas sa babae.
"Tama lang na nakipagbreak ka! Huwag ka nang babalik pa sa kanya. Tama na yang naging tanga ka sa ilang panahong nagsama kayo at kalimutan mo na siya", mahabang seremonyas ni Khourt sa lalaki.
"Are we still talking to my lovelife or yours?"
"Syempre sa'yo. Huwag mo nga akong itulad sayo", defensive niyang sagot.
He nodded. Nilagok ni Francis ang natitirang laman sa lata ng beer saka bumukas uli ito ng isa pa.
"I didn't know drinking with you is fun", narinig ni Khourt na sabi ni Francis.
Lumapad ang ngiti niya. "Talaga? so ibig bang sabihin pwede akong magtago sa office mo kapag may humahabol sa'kin?"
Binigyan siya ng matalim na tingin ni Francis. "No".
"Francis naman.. friends na tayo diba?", parang batang pagsusumamo niya.
"Kahit hindi ako pumayag, wala naman akong magagawa. You just barged in everywhere, at my office, my car and now...in my unit without asking me, right? It's your forte. What can I do?"
Ngumiti si Khourt. Aba't ang bait ng mokong 'to sa'kin ah. Epekto ba ito ng alak?
Magdamag silang nag-inuman at nagkwentuhan. Ewan ba ni Khourt pero parang ang lapit-lapit na ng loob niya kay Francis. The guy is still boring yet she managed to make the night alive. Hindi man ito ganoon makwento pero atleast natatantiya niya na pinipilit nitong sabayan ang matabil niyang dila.
***
"Oh men! It'sh already chen!", lasing na deklara ni Khourt nang makita ang oras sa cellphone niya. Nagtext na rin si Kish sa kanya, nagtatanong kung uuwi ba siya sa apartment. "I-i need to go home".
Tumayo na siya ngunit biglang umikot ang paligid niya. Syet! Naparami yata ang inum ko.
Inalalayan siya si Francis agad. "Ihahatid na kita sa labas".
"Hala! Ang daya mo! Hindi ka pa lasheng! Hindi ka umiinom noh?", akusa niya kay Francis. He is still sober after the many drinks he did. He's tough!
Walang sagot ang nanggaling kay Francis. Malapit na sila sa pintuan nang marinig nilang tumunog ang doorbell. Nagtinginan sila ni Francis.
"Sino yan?" tanong niya.
Sumilip si Francis sa pephole para malaman kung sino ito.
"It's Hector" kapagkwan ay sabi nito.
"Oh syet! Magtatago ako!", nagpanic siya at kung saan saan tumakbo na parang engot. Biglang nawala ang pag-ikot ng mundo sa kanyang ulo. Natataranta na siya at hindi alam ang gagawin nang kalmadong hinila siya ni Francis patungo sa isang kwarto.
"Stay right here, paalisin ko lang si Hector", pinaupo siya nito saka iniwan.
Medyo madilim ang kwarto kaya tumayo siya para kapain ang switch ng ilaw sa dingding. Agad niyang ini-on ito nang makapa iyon.
Nilibot niya ang dalawang mata sa paligid. Oh men! Nasa kwarto ba'ko ni Francis?
Umupo siya sa kama. Nahihilo siya ulit sabay pa ng pamimigat ng mga talukap ng mata niya. Hindi na siya gaanong nakaisip pa. Ang tanging alam lang ng katawan niya ay ang magpahinga sa malaking kama na kinauupuan. Humiga siya. She missed sleeping on a soft and huge bed like this. Khourt yawned and slowly closed her eyes.
BINABASA MO ANG
The Campus Paparazzi (On going)
Teen FictionSi Khourtney Mansueto ay isang bayarang photographer sa campus. Lahat ng sulok at anggulo kaya niyang kunan para sa pangalan ng pera. Pero kaya niya bang ipagpalit ang pera sa pangalan ng pag-ibig?
