Birthday Bash

16 0 0
                                    

Photo 27

**Like and comments po tayo!**

Ipinakilala ni Francis ang limang lalaking kasama nito. Nasa conference room pa rin sila.

"Khourt, this is Ronilo, Glen, Lenberg, Ace and Von. Sila ang makakasama mo sa pag cover ng event", pagpapakilala nito kapagkwan.

Nahihiyang bumati siya sa lima. Pulos propesyunal na ang mga ito. Infact, I-shot photography is popular and one of the most highest paying studio in the city. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila sa kanya. Mga nasa late twenties na ang mga edad ng mga ito ayun na rin sa tindig at physical appearance ng lima.

Si Lenberg na siyang pinakama-appeal ang unang nagkamay sa kanya. "This is gonna be fun Khourt. I am grateful to be in a work with you".

"A-ako rin", sabi niya sabay tanggap sa kamay nito.

"Ahem", sabad ni Francis nang hindi pa natapos ang pagkakamay nila ni Lenberg ng ilang sandali.

Nang makalas ay hinablot siya ni Francis palayo kay Lenberg.

"So, shall we start the meeting", sabi ni Francis sa pinakaseryoso at boring na emosyon nito.

Tumaas ang kilay ni Khourt. What's with this man? Parang nag handshake lang ang tao.

***

And now, halos hindi siya makahinga sa dami ng tao na bumubuhos papasok ng campus coliseum. Doon gaganapin ang program para sa pag welcome ng mga alumni.

Mamasa-masa na ang kanyang kamay ng pawis sa camera dahil sa walang tigil niyang pagkuha ng mga litrato. Parang red carpet premier ang set up. Pawang naka engrandeng suot ang bawat alumni na nagpapakuha sa kanya ng litrato.

Syet!

Nasaisip niya nang makita pa ang mga taong pumipila para kunan niya. Pagod na pagod na siya at nauuhaw.

Kaya pala ang mahal ng bayad! Buwis buhay rin.

Napaupo siya isang sulok nang maubos na ang mga nagpapakuha sa kanya ng litrato. Nang makapagpahinga ay pumunta na siya sa susunod niyang station. Sa back stage.

Hindi magkandarapa ang mga estudyante sa kanilang ginagawa pagpasok pa lang niya.

"Khourt!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya.

"Lenberg, ano na ang gagawin ko?", napatanong niya. Nahawa na yata siya sa mga taong natataranta sa paligid dahil hindi niya na rin alam ang gagawin.

"Relax. Just follow my lead", sabi nito sabay akbay.

Tiningnan ni Khourt ang kamay nito na nasa balikat niya. Nabibigatan siya rito kaya lumayo siya ng kaunti.

Nahalata man siguro nito ang pagkailang niya kaya inalis na rin nito ang kamay.

"Sorry. Ang cute mo kasi. Hindi ko maiwasang hawakan ka."

Nabigla si Khourt. Cute raw? Ako cute? Ang cute ko daw?

Paulit-ulit na umikot ang salitang 'cute' sa kanyang ulo. Naninibago siya sa malambing na trato ng lalaki. Simula kasi nung naghirap na siya ay wala nang may humahanga sa kanyang pagkatao. Kaya ngayon ay na a-appreciate ang kahit na anong magandang salita na ipinupukol

sa kanya.

Mukha namang mabait na tao si Lenberg. Straight forward lang ito at sinasabi ang gusto nitong sabihin.

She can't help to smile.

"Stop smiling. You look like an idiot", saway ng isang boses sa likod niya.

The Campus Paparazzi (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon