Chapter 24: Many Regrets

24.3K 558 45
                                    


Aaron's POV

"What are you doing to yourself?!"

I took a sip of beer from the bottle without minding this grumpy old man.

"Aaron!"

Instead of facing him, I turned my back on him and faced the city lights view outside my balcony. I chose the perfect condo for me. I liked looking at the sparkly city at night. I felt like I was free.

But...

Sinong niloko ko? Yes, I gained my freedom since I knew how to stand for myself, but ito ba ang parusa sa kalayaan at pagpapakasaya ko dati? Ito ba ang kapalit ng mga yun? D*mn!

Uminom ulit ako but someone took the bottle away from me and threw it on the wall. Narinig ko ang pagbasag nun pero I could not care less. Besides, mas basag ang puso ko kumpara sa kahit anong bagay na nabasag.

"What's your problem, Aaron?!" My dad asked madly. "Hindi ka naman ganyan dati ah? Ni wala ka ngang pakialam kahit pagalitan ka at kahit magalit ang buong mundo sayo ay wala kang pakialam. Then now I would see you drowning yourself in alcohol! Ilang beers na ba ang naubos mo sa ilang araw na nagkulong ka dito sa condo mo?"

After he spoke those words, that was when I faced my dad.

"Okay lang sana kung ang mundo lang at ikaw ang galit sakin."

My dad's forehead furrowed. "Ano, naduduwag kana at wala kaman lang gagawin para maayos ang lahat ng ito? Imbis na magpakasasa ka jan sa alak, kailangan mong kumilos at gumawa ng paraan."

Ngumisi ako sa kanya. "Hindi ganun kadali yun. I spent weeks, dad. Halos araw-araw ay lumuhod ako sa labas ng village nila pero hindi parin ako pinapasok. I was also banned from entering their company. Tell me, paano ko makakusap si Gwen at ang anak ko kung hindi nga ako makalapit man lang sa kanila?"

"So ganun nalang? Dahil wala ka ng maisip na paraan ay susuko kanalang at tatanggapin nalang na hindi mo na makikita at makilala ang anak mo?"

Umiling ako sabay ngiti ng may pait. No way that I would give up. That's the least that I would do.

Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa sarili ko. Wala akong maisip na paraan kung paano ko sila makikita. I did not know how I could talk to Tito Garret. I needed him to forgive me para makita ko na sina Gwen at ang anak namin.

"Tama. Wag kang susuko. Garret is very mad right now at kahit ako ay hindi niya kinakausap." Dad sighed deeply. "I don't blame him. He has the right to be mad. But that doesn't mean ay talo kana. Yeah, you made a huge mistake lalo na sa anak nila pero naniniwala ako na may paraan pa. Kailangan mong bumawi sa kanila."

"I am trying, dad, pero hindi nila ako hinahayaan na bumawi. The guards banned me from entering the village. Ilang araw akong naghintay sa labas baka sakaling makita ko ang kotse nila pero wala. Ilang araw din akong nasa labas ng building hoping to see Gwen, but I never did see her. Halos kaladkarin na nga ako ng guards palayo. Iniisip na siguro ng mga tao doon na nababaliw na ako. Minsan iniisip ko na baka ito na ang parusa ko. After all the careless decisions I made, ito na ang kapalit nun. But I did not want to die in this battle without seeing my daughter. Kailangan ko siyang makita, dad. I have to see her." My eyes clouded with tears. 

I had not cried for years, ngayon lang ulit. Huling umiyak ako ay noong namatay si mommy.

"Anak, tayong dalawa nalang ang magkakampi sa mundong ito. Simula nung namatay ang mommy mo, ikaw nalang ang meron ako. It hurts me every time you disobey me and treat me like I'm not your father. Unti-unting lumalayo kana sakin. And for years, feeling ko ay mag-isa nalang ako sa buhay. Sometimes, I feel like I want to give up life already. Kasi nakikita ko namang okay ka, na masaya ka naman kahit wala ako sa tabi mo. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi mo na ako kailangan. When Garret pulled out his shares from our company, I was devastated. But at the same time, it made me think na baka panahon na para tumigil na ako sa kakakayod. Para saan pa ba ako nagtatrabaho? Okay naman ang buhay mo. You have savings for yourself already. Saka tumatanda narin ako. I can't take care of our business forever."

Behind Her Innocence (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon