Chapter 40: Her Spoken Words

24.5K 652 46
                                    


Gwen's POV

"Aaron Loyzaga."

I did not even greet the nurses. Yun agad ang sinabi ko pagdating ko sa emergency room.

"Wala po dito, doc. Naka-check in na po sa room 214."

"Okay. Thanks!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto na sinabi ng nurse. I didn't know why I was so in a hurry. Pero hindi naman kasi ako nagkakaganito if yung boses ni ate kanina ay kalmado. Parang may masamang nangyari kaya ubod ang kaba at takot ko.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko kaya mabuti pa na makita ko mismo si Aaron kung hindi, hindi ako matatahimik.

"Ito na yun."

Nakita ko na ang kwarto. May nakalagay na Room 214 sa labas ng pinto.

Binuksan ko agad iyon ng hindi man lang kumakatok. Nakita ko si ate na nakatayo sa gilid ng kama ni Aaron at nagulat pa siya sa biglaang pagpasok ko. Agad din naman siyang tumabi nung lumapit ako sa kama.

"What happened to him?" Tanong ko kay ate habang nakatingin kay Aaron na walang malay na nakahiga sa kama.

"He got into an accident."

Nanlumo ako nung makitang namumutla siya at may bandage ang ulo niya.

Hindi makapaniwalang napailing ako. "Why were you so careless?? Aaron naman! Papayagan naman kitang makita si Rosetta eh. Pinaglaban pa kita kay daddy. Why did you let this happen to you?!"

"Before the accident, tumawag pa siya sa akin. Sabi niya, mahal na mahal ka daw niya. Handa daw siya gawin ang lahat para sayo."

May luhang pumatak mula sa mga mata ko.

"Aaron..." I sobbed. "If you love me, you won't let me feel like this."

"He was driving fast. Sinabihan ko na mag-ingat siya pero ayaw naman makinig. Wala naman daw silbi ang buhay niya," sabi pa ni ate na mas lalong kina-lungkot ko.

Mas lalo akong napaiyak. I hated this. Dati gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sakin. But seeing this happening right in front of my eyes, broke my heart so badly. Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang mawala siya. He was in fact the reason why I became a strong woman. Kung hindi niya ako iniwan, hindi ako magiging matapang. I learned to go out of my comfort zone and to live away from my parents' nest.

Aminin ko man o hindi, he's always been here in my heart no matter how much he broke it. I was just denying it all the time but deep inside, I knew I always loved him. Natakpan lang ito ng galit ko sa kanya.

Tiningnan ko si Aaron. "What are you saying? You have Rosetta. She loves you. Alam mo yun. Kung hindi pa sapat sayo yun, a-ako. Nandito pa ako. I... I love..." I did not finish what I was going to say because I could not utter more words. All I did was to break down and cry.

I set my head on his chest while crying. I couldn't contain the hurt that I was feeling knowing that his life was at stake.

May biglang humawak sa akin at niyakap ako. I thought it was ate. Mas lalong humigpit ang yakap na yun at hinalikan pa ang buhok ko. Natigilan ako sa kakaiyak. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at nakita ko siyang nakangiting wagi at wagas kung makayakap sakin.

"Really? You love me?"

Nanlaki ang mga mata ko at agad kumawala sa yakap niya. Napatayo ako ng tuwid at nagtataka siyang tiningnan. Napunta ang tingin ko sa naka-bandage niyang ulo. Agad kong tinanggal yun at nanlaki ang mga mata ko na ni konting dugo o sugat ay wala akong nakita. Even the IV in his hand ay peke dahil walang lumalabas na fluids doon. Why I had not noticed it earlier??

Behind Her Innocence (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon