Special Chapter

37.4K 873 127
                                    


Gwen's POV

"Yun lang po, maam."

"Okay. Thank you, Ines. I will just fix my things then I will go home para makauwi ka na rin."

"Thanks, maam."

Inayos ko na ang mga gamit ko saka umalis na ng office. Papunta ako sa elevator nung nakasalubong ko si Kuya Gray.

"Hi, kuya. Ang saya mo ata?"

Ngumiti siya sa akin. He looked happy. He changed a lot since he met Ate Kristi. Lagi na siyang nakangiti ngayon hindi gaya noon na ang seryoso ni kuya.

May kinuha siya sa bulsa niya pagkatapos niya akong batiin. Pinakita niya iyon sa akin.

"Do you think she will like this?"

Nanlaki ang mga mata sa nakita. "Wow, kuya! Ang ganda!!"

"I will give this to her. It's our anniversary."

"I am sure that she will like it, kuya. It is beautiful. Happy anniversary to you both."

"Thanks, Gwen. Please say hi to my niece and nephew for me."

"Will do."

He kissed my cheek before he bid goodbye and went to his office.

Napangiti ako habang nakatingin kay kuya na naglalakad palayo. Ang dami kasi nilang pinagdaanan ni Ate Kristi. Akala ko nga ay tuluyan na silang maghihiwalay noon. Pero sila pa rin talaga. Pag kayo, kayo talaga kahit anong unos pa ang dumating sa buhay. Gaya samin ni Aaron, I thought our love story would end on the day he left me. But then he came back and our story went on and on. Who would have thought that we would still be together and build a family?

I drove to our house. Excited na akong makita ang mga mahal ko. Nasa bahay na kasi sila at naghihintay sakin. Aaron was the one who picked up Rosetta from school. Yun ang araw-araw niyang ginagawa. After work, dideretso siya don. Minsan nga dinadala niya pa si Raiven sa office niya.

I gave birth to my son a year ago. Since then, siya ang naging hands-on sa anak namin. Gusto niya daw bumawi sakin dahil ako ang nag-alaga kay Rosetta. Noong una ay sobrang taranta siya tuwing iiyak si baby but later on, he learned to deal with it.

Noong buntis nga ako ay todo alaga niya ako. Lumalabas yan ng maaga sa trabaho para sunduin ako sa office at siya mismo ang umuuwi sa akin sa bahay namin. Minsan dumadaan pa kami sa grocery store pag may mga cravings ako. It felt so good na the second time I got pregnant, may nag-aalaga na sa akin at binibigay ang cravings ko.

I was so proud of what he had turn into —a responsible and loving man. He was also a houseband and an office man at the same time. Bilib nga ako kung paano niya nagagawa yun. Minsan tinanong ko siya pero sagot niya ay mas magaling daw ako because I was a mom while I was a student and working at the same time. Napailing nalang ako on how he praised me like I was the most wonderful woman in the world.

Pagdating ko ay narinig ko na agad ang ingay nila mula dito palang sa garage. As I walked inside the house, I saw them. I stopped walking to watch them for a bit.

"Pinagagalitan mo ba ako??" Dad said to Aaron.

"Hindi naman po sa ganun. Ayaw ko lang po kasing tumatambay ang mga bata sa kitchen baka mapano sila. Maraming bagay doon na hindi nila dapat hawakan," kalmado at magalang na paliwanag ni Aaron kay dad.

Ngumiwi si daddy. "Alam ko naman yun. Ayoko namang mapahamak ang mga apo ko. I just gave them food kaya dinala ko sila sa kitchen."

"I understand, dad. I'll just tell Manang Daisy to watch the kids when they're in the kitchen."

Behind Her Innocence (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon