Aaron's POV"Sir, iwasan niyo pong galawin o hawakan ang sugat niyo baka magka-infection. Wag niyo din po muna igalaw ang kamay niyo."
I nodded at the nurse.
I was brought here in the hospital after the confrontation that happened at the office. Ines, Gwen's assistant, helped me. Naaawa siguro siya sa itsura ko.
I laughed sarcastically remembering what happened. I still couldn't believe it.
May anak ako.
All this time ay may anak ako. May anak kami ni Gwen. How could she hide this from me for all these years?
Kaya siguro labis nalang ang galit niya sakin. May rason naman pala kung bakit.
I was really stupid.
Naalala ko ang araw na nagpaalam ako sa kanya. I remembered that she was going to say something to me pero hindi niya tinuloy because I told her na maghiwalay na kami. So ito pala ang sasabihin niya. Kaya pala gusto niyang sabihin na namin sa lahat ang tungkol sa amin. Yun din naman sana ang gusto ko noon dahil ang hirap itago lalo na pag nagkikita kami ni Gwen ay kailangan sekreto pero nung sinabi ni dad na ako na ang papalit sa kanya sa company, nainis ako. Ayoko pa. Kaya umalis ako at nakipaghiwalay kay Gwen.
Gwen was right, I was selfish. I was only thinking about myself. I was an idiot to run away from my responsibilities.
I spent five years having fun while Gwen took over all the responsibilities for our daughter. She hid it from her parents, so I was sure that she was having a hard time raising our child by herself. Ang alam ko, nag-aral siya sa California after naming maghiwalay. Ibig sabihin, she was already pregnant that time.
What if hindi ako umalis noon? Ano kaya ang nangyari samin? Kami pa kaya ngayon?
Hindi ko magawang magalit kay Tito Garret and Gray because I deserved this. I was really a jerk. I deserved every wound I had on my face for leaving Gwen.
I did not deserve Gwen because of what I did to her but I wanted to do everything to be deserving of her. We all deserve second chances, aren't we?
Thinking na binawalan ako ni tito na makita ang anak ko ay parang gusto kong magwala. I really wanted to see her. I wanted to know what she looked like.
Pero... Bakit may takot sa puso ko?
Was I not ready to take full responsibility once she knew that I was her father? Or was I just scared na hindi niya ako matanggap bilang ama niya?
It was frustrating! Kahit ang pangalan niya ay hindi ko man lang alam. What kind of father am I?!
The door went open.
"Aaron." Mukha ni dad ang nakita ko. Galit siya at mukhang anytime ay susuntokin din niya ako. Napailing ako sa naisip dahil ito na ata ang first time kong masuntok ng ilang beses sa loob ng isang araw lang.
I groaned as I saw him looking so angry. "Not now, dad. I had too much already. Bukas naman pwede?"
Lumapit siya sa akin na galit na galit.
"Wala akong panahon na makipagbiruan sayo ngayon. Sagutin mo ang tanong ko, bakit nagpull out si Garret ng shares niya sa company natin at bakit pinatalsik ka niya sa companya nila? Ano ba naman yan, Aaron! Wala ka na ngang interest sa negosyo natin tapos dinamay mo pa pati ang companya. Ano nalang ang mangyayari sa mga empleyado natin? Nag-iisip kaba?!"
I shook my head. Hindi pa pala nasasabi sa kanya ni tito ang dahilan. Probably, he wanted me to explain it by myself to dad.
"Aaron, sumagot ka! Pag bumagsak itong negosyo natin, tingnan mo kung saan tayo pupulutin. Mawawala lahat ng pinaghirapan ko pati yang mga luho mo! You better explain everything to me bakit biglaan ang pag pull out ni Garret ng shares niya. We're in good terms tapos bigla nalang ay galit na galit na siya satin na hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan!"

BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (Hughes Series)
RomanceGwen Hughes' story. Behind her so called innocent-looking and angelic face is the woman who has many secrets. Her family sees her as a good and innocent young woman who isn't capable of doing horrible things, but they are all wrong. All to herself...