Chapter 25: He Found Hope

24.6K 581 35
                                    


Aaron's POV

Tumayo ako when I saw Trixie came inside the restaurant. We didn't see each other for more than five years. Ngayon lang ulit. But I could tell na siya yan because she had not changed that much. Mas lalo lang siyang gumanda.

I smiled at her as she came closer to where I was. Hindi man lang siya nakangiti sakin tapos binatukan ako bigla sa ulo nung makalapit na siya sakin ng tuluyan. Napasimangot ako.

"Wow, Trix. Yan agad ang bungad mo sakin eh ngayon nga lang ulit tayo nagkita."

"Yan ang premyo mo sa pag-alis mo nalang basta-basta na walang pasabi. Kulang pa nga yan dahil pinaiyak mo ang best friend ko." Inis niya akong tiningnan saka umupo sa upuan na nasa harapan ko.

When we were both in college, kami talaga ang unang magbarkada. But when she met Gwen dahil narin sakin, they became really close. Sila na ang laging magkasama. I didn't mind it though since Gwen was someone special to me back then, and I loved seeing them both together. But the thing I hated was lying to Trixie. Hindi niya alam ang nangyayari sa amin ni Gwen. We hid it from her. Ang alam niya lang, Gwen and I were dating. Yun lang.

"Kaya nga kita gustong makausap para makabawi ako sa kanya."

Napakunot bigla ang noo niya. "Babawi? Kay Gwen? Bakit? I mean, matagal na kayong wala. Bakit ngayon ka lang babawi?"

I sighed deeply. Ngayon, dapat ko ng sabihin sa kanya ang totoo. She needed to know the truth lalo na at siya ang makakatulong sa akin na mapalapit kay Gwen. Besides, I did not want to lie to her anymore.

"Two months ago, I came back in the country. Dad asked me to help him run our business. He wanted me to get trained, so I trained at Hughes company. Nagkita ulit kami ni Gwen doon. A lot of things happened after that. Then weeks ago, nalaman kong may anak pala kaming dalawa. She is already five years old. I badly want to see her. I need to see her pero ayaw ni Tito Garret na makita ko siya dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Gwen. Galit na galit siya sakin."

"Wait, wait. Ang gulo. May anak kayo ni Gwen??" I nodded. Gulat siyang napatingin sa akin. "Then Tito Garret is mad at you dahil iniwan mo si Gwen at ang anak niyo?" I nodded again. "Wait. Eh bakit ka niya tinanggap sa company as a trainee kung galit pala siya sayo?" Naguguluhang tanong niya.

"Gwen hid the child from me and her family for a long time. She was scared kaya niya ginawa yun. Kasalanan ko naman kasi iniwan ko siya. Sasabihin na niya sana sakin ang tungkol sa pagbubuntis niya, but I broke up with her," I told her everything she had to know. She was shocked the whole time. Lahat kasi ay sinabi ko sa kanya simula pa noong naging kami ni Gwen at noong nagpakasal hanggang sa maghiwalay na kami.

"Ano?? Pinakasalan mo si Gwen ng hindi alam ng family niya at iniwan mo siya dahil lang sa ayaw mong matali sa responsibilidad na binibigay sayo ng daddy mo??"

"Yes."

Napailing si Trixie tanda ng hindi pagsang-ayon sa ginawa ko. Alam ko ang iniisip niya, and I was stupid for not telling her the truth.

"You're stupid!" Inis na sabi niya sakin.

"I know," kibit-balikat na sabi ko. I agreed because it's true. Matagal ko ng tanggap na ganoon nga ako.

"You're so stupid, Aaron. You are so horrible to Gwen. You hurt her big time. Minahal ka niya ng totoo pero ikaw, hindi mo pinahalagahan ang pagmamahal niya sayo."

"That's why I need to apologize to her. Pero paano ko gagawin yun kung tinatago siya sa akin?"

"Dapat lang no! Para magtanda ka. Mabuti nga at ginulpi ka ni tito. You deserve it! Gwen is so unlucky to love someone like you."

Behind Her Innocence (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon