Chapter 16: Trust Fund

23.2K 637 66
                                    


Unexpectedly, Aaron approached me while I was walking inside the building.

"What do you need?"

Inunahan ko na siya baka kasi kung ano na namang kalokohan ang sabihin niya. I was not in the mood to entertain his jokes. I had bigger problems to handle which obviously he wasn't aware of. If he knew about it, ewan ko lang kung makakatawa pa ba siya gaya ng ginagawa niya ngayon.

"Ang sungit talaga." He chuckled. "Ano nakipagkita kana ba ulit don sa ni-refer sayo ng mommy mo? Ano nga ba ang pangalan nun? Jacob?" Tumawa siya ng may kalakasan. "Pangalan palang ang baduy na."

I just shook my head feeling irritated with what he just said. He was really good with nonsense. I walked faster, but he was good in keeping up with my pace.

"Gwen, hindi mo ba ako kakausapin? Sorry tungkol dun sa huli nating pag uusap."

Hindi parin ako sumagot.

"Ako na nga ang ininsulto mo dun pero napatawad na kita. Ikaw grabe ka talaga sakin."

I stopped on my track and faced him. "Tell me, Aaron, bakit ang bilis mo magpatawad pero bakit ikaw ang hirap mo patawarin?"

He was taken aback and was speechless for mere seconds. He wasn't expecting it.

I laughed sarcastically. "You can't answer. Obviously, hindi mo alam ang sagot. Ako rin hindi ko alam ang sagot kaya hanggang ngayon ay hindi parin kita kayang patawarin." He was shocked again. "Tama ang narinig mo, hindi pa kita napapatawad. You might think that I am crazy dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako naka-moved on. And so what?? I have the right not to. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako kasi hindi kana nakakatuwa," I said and started walking again.

"That's why I'm saying sorry." He caught up with me. "Gwen, please, if hahayaan mong mag usap tayo ng matino, yung hindi ganito na parang naghahabulan tayo, baka matulungan kita sa problema mo."

"Alin ba sa tigilan mo ako ang hindi mo maintindihan? And you can't help me with my problems." Naiinis na talaga ako sa kanya. Dahil sa inis ko nagmadali akong naglakad paalis.

May sinasabi pa siya pero hindi ko na nadinig dahil ang attention ko ay napunta sa employee namin na nalaglag ang mga folders na dala niya. I quickly ran to her and helped her pick up the folders on the floor.

"Here." Sabay abot ko sa kanya ng mga nakuha ko. "Are you okay?"

Tumango ang babae. "Thank you, Maam Gwen. Opo, okay lang ako medyo naparami lang ng kape. Hehe."

I smiled at her. "It's fine. You can ask for help sa pagdala ng lahat ng yan. Hindi mo naman kailangan dalhin lahat ng mabigat na yan mag-isa."

"Ay okay lang po, maam. Malapit lang naman po ang pagdadalhan ko nito."

"Okay then. Just be careful."

She nodded. "Okay po. Salamat, maam."

I nodded at her at nagpaalam ng aalis na. Hindi ko napansin na kasama ko parin pala si Aaron. Hindi talaga siya nakakaintindi.

"Wow, Gwen. Ang bait mo sa employees mo." He smiled. "Grabe may isang bagay kaparin palang hindi nagbago. You still remain to be kind and helpful."

Pinindot ko ang elevator button at pumasok na nung bumukas ito. Aaron followed me inside.

"Gwen, hindi mo ba naisip na baka pinagtagpo ang landas natin ulit dahil may rason? We met again for a reason. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon, unti-unti ko ng naiintindihan. You are still mad at me. We obviously have unfinished business."

Behind Her Innocence (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon