Aaron's POV"Is she here now?"
Ines shook her head. "Wala parin po, sir." Nag-aalala na din siya.
I sighed and turned my back. I was so worried. Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Gwen. Dalawang araw na kasi siyang hindi nagreport sa office.
I didn't know what's happening to her. Dahil ba sa akin kaya siya hindi nagpakita? Pero malabo naman kung pati ang trabaho niya ay papabayaan niya dahil lang sa ayaw niya akong makita. I believed that there was something wrong. Hindi kasi ganito si Gwen. I knew how dedicated she was pagdating sa trabaho.
Anong nangyayari sa kanya? Bakit pati assistant niya ay hindi alam kung ano na ang nangyayari sa kanya?
Alam ko na marami akong kasalanan kay Gwen. I was stupid back then. Hindi ko siya pinahalagahan at sinaktan ko pa siya. I admitted that she had been special to me. Pero bata pako noon, hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang gusto ko. I always wanted to try something.
I couldn't let her go since the day I met her. She was the only one who could make me happy. We explored life together and we became close friends then we became more than friends. But I knew that I wasn't ready for a serious relationship. Pero ayaw ko naman siyang mawala sa buhay ko, so I made her my girlfriend to keep her. Then I was crazy enough to marry her kahit alam kong hindi pa ako handa sa seryosong relasyon dahil lang sa ayaw kong mawala siya sa akin. Ayoko kasing pakawalan siya.
But a the time came when my dad asked me to take over the business, I refused because I wasn't ready. Ayoko pa. I wanted to enjoy life more. Kaka-graduate ko palang nga tapos bibigyan na niya ako ng malaking responsibilidad. He kept on bugging me and even threatened me na tatanggalan ako ng mana kaya umalis ako dahil naiinis na ko.
I told Gwen that I was leaving. I saw how she cried in front of me and begged me to stay. I even lied to her na meron akong job offer abroad para lang makalayo sa dad ko. I didn't want him to dictate my life kaya umalis ako. Gwen begged me na isama ko siya. Gusto ko na sanang pumayag but she was asking for a real commitment. Ipapaalam na daw namin sa parents niya ang totoo para malaya na kaming makabuo ng sarili naming pamilya. It was hard for me to let her go, but I was afraid of committment. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa sa gusto niyang mangyari. Kung hindi lang sana siya humingi nun sana ayos parin kami.
I realized now that I was a jerk for doing that to her.
Hindi ko maitatanggi yun kaya hindi ko masisisi si Gwen kung galit na galit siya sa akin at pinagtatabuyan niya ako ngayon. Ako kasi ang nang-iwan. Tinapon ko ang limang taon na relasyon namin because of my selfishness.
When I came back, I was hoping na makita ko siya. Pero wala parin sa plano ko ang pumayag sa gusto ni dad na magtrabaho sa company namin at magtraining. But when I knew na sa company ng Hughes ang training ko, I gave it a try. Baka kasi makita ko ulit si Gwen. I missed her so much. Sa ilang taon ko sa iba't-ibang bansa, hindi siya nawala sa isip ko. Marami na akong babae na nakilala pero hindi parin siya nawala sa sistema ko. Isa sa rason bakit bumalik ako ay para magbakasakali na makita siya ulit.
Duwag ako dahil hindi ako nag-initiate na makipag-usap sa kanya noong mga taon na umalis ako. Hindi ako nagparamdam dahil alam ko na masasaktan ko lang siya. Lalo na at hindi ko parin kasi kayang ibigay ang gusto niya.
But now, I didn't know anymore. Naguguluhan ako pero isa lang ang sigurado ako ngayon, that things had changed simula nung makasama ko siya ulit. Then when I kissed her, I was reminded of the fact that she was still in my heart. I felt complete once again.
BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (Hughes Series)
RomanceGwen Hughes' story. Behind her so called innocent-looking and angelic face is the woman who has many secrets. Her family sees her as a good and innocent young woman who isn't capable of doing horrible things, but they are all wrong. All to herself...