Chapter 12: First Day at MU

22 0 0
                                    

Margaux’s POV

Waah! I woke up earlier than the alarm clock. Hindi naman masyadong halatang excited much ako. I really can’t wait to go to school! I can’t wait to put on my new clothes and make rampa sa school. I can’t wait to meet new friends and…boyfriend?? I wish! Pero knowing Mateo, I doubt that will happen.

Speaking of Mateo,I need to wake him up na. Pagna-late siya, male-late din ako! Hindi ako pwedeng ma-late sa first day of classes. Anyway, sino ba naman ang gustong ma-late sa first day of school, db? For sure, tulog pa yon. Hmm. Buti pa maligo muna ako para hindi na siya maghintay ng matagal sakin maya. Hehe.

Matthew’s POV

Argh! Nakadalawang patay na ako ng alarm clock. Nakakatamad! Anu ba naman kasing nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Ayoko ng bumalik sa school!

Hmm. First, you left school para magpaka-independent kuno, pero wala namang nangyari.Instead, nag-jetsetting ka lang.

Second, you indulged yourself in drag racing kaya naaksidente ka.

Oo na! Andami ko nang nagawang mali! Makapaligo na nga!

After 45 minutes…

I looked at myself in the mirror. Ok na. I took the car key and my bag and headed to the dining room for breakfast.

“Oh! You’re awake na! That’s nice! I don’t have to exert effort para magising ka. You’re excited din noh?”

“Psh. Ako excited? Seryoso ka? Ikaw tong excited.”

“Kung di ka excited, bakit ang aga mong gumising?”

“Baka mapagalitan pa ako nina Mom and Dad. Besides, sino ba ang gustong ma-late sa unang araw ng pasukan ha?”

“Tama yan, my dear handsome brother! Nagbabagong buhay ka na din!”

“Nagbabagong buhay sa kalokohan mo! By the way, bakit ganyan ang suot mo? Para kang magpa-fashion show.” Tsk. Tsk. Basta fashion, di to papahuli eh.

“Oh, yes I will. Magpa-fashion show talaga ako!” Sabi na nga ba eh. Sabagay, wala namang dress code sa school. Everyone can wear whatever they want to wear.  Kaya kadalasan, nagpapa-sosyalan pa sila ng damit.

“Ok fine. Suit yourself. Tara nang kumain at nang makapasok na.”

Alexis’s POV

 It’s going down, I’m yelling timber..

You better move, you better dance,

Let’s make a night, you won’t remember,

I’ll be the one you won’t forget.

Anak ka ng-! Sino ba to? Pangatlong tawag na to eh! Hindi ko tinignan yung caller kasi inaantok pa ako. Sinagot ko na lang, nakakaabala na eh.

“HELLO! SINO TO!?”

“Sabi ko na nga ba, tulog ka pa!” Leche! Si Chris lang pala!

“Crisostomo, pwede ba? Magpatulog ka muna. Inaantok pa ako eh! Okay? Bye!” Ibaba ko na sana yung phone ng magsalita siya.

“Hoy Serrano! First day of class mo ngayon, sira!” Namputek! Oo nga! Wah!

“Sh*t! Takte, bakit ngayon mo lang ako ginising?”

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon