Chapter 14: Adjustment
A-L-A-R-M!!!
5:00am
Huhu. Nakakatamad pumasok sa school. Kelangan ko kasing gumising ng maaga dahil 8am ang unang klase ko. I dragged myself out of bed at nagsimula nang mag-ayos. Bago umalis ng unit, chineck ko yung schedule ko. Lahat pang 2nd year ang subjects ko at sa kabilang building pa. For sure, hindi ko kasama sina Gilea at Margaux dun. As usual, napaaga lang ako ng 10mins bago pumasok sa 1st subject ko. Haist. Naisip ko lang, mas accessible ata kung kukuha na lang ako ng motor. Palagi na lang kasi akong sakto sa oras, kahit pa ata 4 ako gumising, walang magbabago. Grabe kasi ang traffic!! Atleast pag motor, kahit saan pwede sumingit. Hmm. Tama. Buti pa kausapin ko si Jonas sa weekend.
Dumerecho na ako sa ikatlong building kung san ako papasok. 1st subject, as usual, nagpakilala isa-isa, and of course, sinabi ko lang ulit ang pangalan ko at umupo na. Wala na din namang nakiusyoso sakin.
Medyo interesting ang subject namin kaya mabilis na dumaan ang oras, ang kaso may break naman kaming 30 mins bago ang next class. So, tumambay muna ako sa may corridor habang nakikiusyoso sa mga chismis ng ibang students na dumadaan. Pero, nakakapagtaka lang kasi, parang paulit-ulit lang yung mga naririnig kong pangalan.
"OMG! Have you seen him? He's so hot. I heard she's with Clarisse?" Clarisse? Si wicked half-sister kaya yon? Di naman siguro.
"I heard Vince has been roaming around the 1st year building lately. Hay naku. Naghahanap nanaman ata nang bagong girlfriend yon. Kawawa naman ang hindi nakakaalam kung gaano siya ka playboy." Hmm. Gwapo ba kaya yang Vince na yan?
"If I were to choose between Vince and Damon? I'd rather choose Damon. Para kasi siyang bad boy sa pelikula. Alam mo yon? Parang gangster lang sa mga stories sa wattpad! Waah! May kilig factor!" Vince ulet, tapos may Damon naman? Gwapo rin kaya?
"Alam mo, bagay naman sina Damon at Angela eh. No wonder their engaged." Damon ulet, pero wait.. engaged? Hmm. Baka naman preggy ang lola mo. Di bale, mukhang nauuso narin naman yon ngayon.
"That Larissa girl is so mapapel kay Papa Vince. Hindi ba niya kayang ilugar ang sarili niya? She's just the best friend! Hindi siya girlfriend! Arg!" Oh, relax ateng. Lalaki lang yan. Hehe. Pero Vince ulet? Curious na ako sa Vince na to.
"OMG! Have you seen Matt? Hindi siya mukhang naaksidente. Parang mas lalo pa ata siyang naging gwapo after 4 years. Wah! I can't wait to see him sa high society ball!" High Society Ball? Hmm. Mukhang kelangan ko atang mag-research para dito.
After ng pagkikipagusuyoso ko, dumerecho na ako sa next class ko. Feel ko, sobrang bilis ng oras kasi next kong tingin sa relo ko, on the way na ako pauwi ng unit at natapos na ulit ang isang araw ko.
So far, nakakapag adjust na ako sa Oplan Balik Eskwela program nina Dad at Tita Clarissa. Kaya nga lang, as usual, lagi parin akong kamuntik-muntikan na late. So, to solve the problem, nakausap ko na si Jonas and yes, I got myself a motorcycle! Sorry Ma, alam kong ayaw mo pero isipin mo na lang necessity na to.
Nung una, parehong hindi pumapayag sina Chantal at Jonas na bumili ako, pero sa huli, wala din naman silang nagawa. Hmm. Binayaran ko na ng cash yung 'new baby' ko. Haha. Yung kalahati sa ipon ko, yung kalahati sa bank book na binigay ni Dad. Balak ko din namang palitan yon pagdating ng allowance ko. Sarap lang talagang maging student! Haha.
Galing na rin pala ako sa mansion Realeza, nag-dinner lang tapos umuwi na rin. I wonder kung asan kaya si Keith. Hmm. Buong week akong walang narinig sa kanya, I tried texting him as well pero walang sagot. Hmm... Mukhang busy si attorney.
Tomorrow, back to reality nanaman ako. Kung dati, back to work, ngayon, back to school. Feeling ko demoted ako. Haha. So far, hindi pa kami nagkikita ni Clarisse sa school. Pumapasok kaya yon? Anyway, bahala na sina Dad na mamroblema sa kanya.
Matthew's POV
Nakaraos din ang 1 week. Wala namang gaanong nagbago. The Benettons are still the most popular group in school. The girls are still swooning over us, yung iba nagme-message pa sa facebook or nagtetext. Kanino naman kaya nila nalalaman ang numbers namin? Well, I actually don't care. Speaking of girls, I think its time to meet the girl. Matapos ikwento ni Vince yung encounter namin sa kanya, hindi na ako tinantanan nina Gerome. Kesyo ako daw kasi ang matindi kung makatitig dun sa babae, eh sa inaaccess ko lang naman siya eh. Hmm. Mas mukha siyang high school student sa hitsura niya and I even heard she wore jogging pants on her first day of school. Haha. Anu kaya ang magiging reaksiyon niya pagnagkita ulit kami? Haha. Ewan ko lang kung hindi malaglag ang panty niya sa kaguwapuhan ko. Bading pala ha!
Nakita kong bumaba ng hagdan si Margaux habang may kausap sa cellphone, naka-pout pa, parang nagpapa-awa. Sino naman kaya ang kausap nito at sige ang kapa-pacute?
"Sige na naman Alex. You help me na. Please..." Alex?? Sino yon? Kaklase niya?
"Ha? Eeeh. My brother won't allow me. Pero, I'll try to convince him na sa unit mo na lang ako gumawa non. Pero I'm pretty sure he won't allow it talaga. Tsaka, hindi pa din kasi kayo magkakilala. Ganito na lang, what if, dito na lang?" Aba, at may balak pang papuntahin sa unit niya yung kapatid ko? Magpapaalam? As if, papayag ako. Gusto niya mamaalam sa mundo? Gagong lalaki to. Akala niya di ko alam yang style na yan?
"Hmp. Sige na nga." Pa-cute talaga tong si kulit. Maya-maya ibinaba na yung phone at lumapit sakin.
"Kuya...." Eto na to. Magpapaalam na to..
"No. Bago mo sabihin yang gusto mong sabihin, hindi ako papayag. Period."
"What?!! Hindi mo pa nga naririnig.. wait.. you were eavesdropping! Aren't you?" Nakapamewang pang humarap sakin.
"Yes. And so? May balak ka pang papuntahin sa unit niya? Ano siya sinuswerte? Ikaw naman, atat na atat. Ayoko! Mapahamak ka pa diyan." Haist. Asan ba kasi sina Mom? Dapat sila kumakausap dito ki kulit eh. Eto namang isang to, parang di marunong mag-isip.
"Pero Matt. I'm old enough to make decisions noh. Tsaka bakit naman ako mapapahamak, aber?" Aay naku.
"Basta! My decision is final!" Ayun, nag-mamartsa na siya paakyat ng hagdan ng may maalala ako.
"Margaux, I want to meet that Alex tomorrow!!"
BINABASA MO ANG
La Realeza (The Royalty) - COMPLETED
RomanceAlexis Serrano. Miss Independent. Not by choice but that's what she must be. Beautiful, simple and intelligent. She has that devil-may-care attitude that people sometimes regard as negative. Panu pag dumating yung araw na mabulabog ang simple nyang...