Chapter 31:Sugar, Spice and Everything Nice
Matthew's POV
Today is one of the most special day. Una, 3rd monthsary (Margaux's term; Ngayon ko lang nalaman na may word na palang 'monthsary') namin today, pangalawa, birthday lang naman ng honey ko. I tried so hard to convince her to go on a vacation with me out of town pero ayaw naman niya. Semestral break kasi namin so marami sana akong oras para masolo ang honey ko, kaso, may pagka-KJ din yun eh. So, instead, nagprepare na lang kami ng mini party para sa kanya. Gerome presented to hold the party at their place dahil nasa abroad naman ang parents niya and his sister went to Cebu with her husband and kids at bukas pa ng gabi ang balik. In short, bwelong-bwelo kami. Pool party baby!!
At dahil pool party, I get to see my honey's voluptous body again. Haha. Nagiging pervert ako ng wala sa oras! Speaking of my honey, she's already walking towards me, in her short shorts that shows off her long legs and bikini on top. Hay. Ang init naman!!
"Happy Birthday honey!!" Then I kissed her, damn. Wrong move. That was supposed to be a smack but then, I can't get enough of those lips, so I kissed her torridly.
"Ehem, ehem.. Matt, please let go of the birthday girl. Mamaya niyo na yan ituloy at napakarami niyong oras para diyan mamaya. Hehe." Larissa was at the middle of the pool area, holding a cake. As if on cue, we all started to sing 'happy birthday' to Alex.
"Dude, wala ng beer. We need more. Naiwanan ko ata yung binili ko sa mall." Huh? Argh! It's already 10pm.
"Babe, may problema?" Ayan nahalata na tuloy ng honey ko.
"Ah.. eh.. naiwan ko kasi yung beers na binili ko kanina. Wala akong extra dito eh. May convenience store naman sa may labasan ng subdivision makakabili naman don, kaso, hindi pa tapos yung bina-barbecue namin ni Vince eh."
"Ah ganon ba? Tayo na lang bumili babe?"
"Ha? Wag na hon, ako na lang. You stay here, dadalhin ko na lang yung sasakyan para hindi ako magbitbit." Lokong Gerome to may balak pa atang pagbitbitin ng mabigat yung honey ko.
"Ay dude. Walang parking space dun eh. Walang choice. Di bale, ganito na lang. Pumunta na kayo don, tapos pagnakabili na kayo, susunduin ko kayo." Para bang pinapalayas pa ata kami nito eh. Pero teka nga, sabagay, at least masosolo ko kahit kaunti yung honey ko habang papunta don. Tama!
"Sige hon, tara na." Sumunod naman siya matapos magsuot ng tshirt.
"Dude, gift giving na ang susunod!" Paalala pa ni Gerome. As if naman hindi ko alam.
"Onga eh. Dude, for sure, magugustuhan niyo yung gift namin." Si Vince naman. Hmm. Anu kaya yon?
"Alex! Happy birthday!" As if naman hindi kami babalik? Mga siraulo talaga to.
Naglakad na kami ni Alex palabas ng subdivision at syempre, HHWW kami. Haha. So gay. We already saw the convenience store and was about to cross the street nang biglang may tumigil na van sa harap namin.
"Matthew Corpus?" Sabi ng lalaking medyo may edad. Malaki ang katawan. Parang dinamba yung puso ko.
"Sino kayo?" Hinawakan ko si Alex at dinala sa likod ko tapos luminga ako. Shit! Walang ibang tao!
"Sasama ka samin sa ayaw o sa gusto mo." Shit! Kidnapping to! Damn it!
"S-sige. Pero wag niyo na siyang idamay." I've never been scared before but I do now. Ngayon ko pinagsisihang pinilit ko sina Dad na paalisin yung mga bodyguard s ko.
"Sorry bata. Damay-damay na to." Then a guy came at back and held Alex captive. Wala akong magawa kundi sumunod nang ipasok niya si Alex sa sasakyan. Damn it! Damn those beers! Sa loob, I held Alex's hand, it was ice cold.
"Honey, I'm so sorry.. I promise, we'll get out of here. I promise." Tumango lang siya, pero kitang-kita sa mukha niya yung takot. Tapos may naglagay ng piring samin at itinali yung kamay naming dalawa.
We drove not more than 30 minutes, meaning nasa malapit lang kami. Tapos, kinaladkad nila kami palabas ng sasakyan. Ang lamig ng hangin.. what is that I'm hearing?? Pinakinggan ko pa lalo.
"Bangka. Malapit tayo sa tubig Matt." Narinig kong sabi ni Alex. Tama hampas ng tubig yung naririnig ko na may halong tunog ng motor. San ba nila kami dadalhin?
Maya-maya pa lulan naman kami ng bangka. Shit! Ano bang balak nila samin!! After what feels like a century ibinaba naman nila kami.. Tapos naramdaman kong kinalas nila yung pagkakatali ng kamay ko, pero naramdaman ko namang may nagtali sa isang paa ko sa paa naman ni Alex. Shit. I held Alex closer, naramdaman ko din yung tubig at buhangin sa paa ko. Asan na kaya kami?
"Lakad! At wag kayong titigil hangga't wala akong sinasabi." Sigaw ng isang lalaki. Naglakad kami ni Alex ng dahan-dahan dahil nga magkadugtong ang tig-isang paa namin. Nagdere-derecho kami sa paglalakad, napatigil lang kami ng makarinig kami ng tunog ng motor na papalayo. Agad kong tinanggal ang piring naming pareho. Tama nga ako, papalayo na yung bangka naghatid samin dito.
"M-matt.." I held Alex close because she's trembling. Hindi ko alam kung sa lamig o sa takot. Nagpalinga-linga kami, may nag-iisang bahay sa di kalayuan.
Agad kong kinalas yung pagkakatali sa paa namin at dumerecho sa bahay na nakita ko. Tumakbo kami papunta don at kumatok. May ilaw sa loob pero walang tao? Pinihit ko yung pinto, bukas. Pumasok kami ng dahan-dahan habang nagtatawag kung may tao sa loob pero wala paring sagot. Pagdating sa sala, nasagot na ang tanong namin.. 'cause inside was a banner that states:
"Happy Birthday Alex! And happy monthsary! This is our gift to the both of you! Sugar, spice and everything nice on your monthsary! Have fun! – Benettons"
BINABASA MO ANG
La Realeza (The Royalty) - COMPLETED
RomanceAlexis Serrano. Miss Independent. Not by choice but that's what she must be. Beautiful, simple and intelligent. She has that devil-may-care attitude that people sometimes regard as negative. Panu pag dumating yung araw na mabulabog ang simple nyang...