Chapter 7: Questions

19 1 0
                                    

Alexis’ POV

It’s been 3 days since my encounter with Atty De La Vera. Tatlong gabi na din akong hindi makatulog ng mahimbing. 3 days have passed but I can’t seem to get it off my mind. Okay na ako dati eh. I mean, oo curious din ako kung sino ang father ko but I never intended to look for him. In fact, even before my mom died, ni hindi ko naitanong sa kanya who my father is. And now, may dumating na isang tao, telling me things that I never knew about, things that I don’t want to know. Pero.. ayaw mo nga bang malaman?

Ngayon nakaharap ako sa laptop ko, I opened Google and key-in..

Gideon Realeza.. Habang tina-type ko yung pangalan niya, lalo akong kinakabahan. 

WAIT! DELETE!! ERASE! Haist! Anu ba kasi… Inhale-Exhale, inhale-exhale. Nag-type ulit ako.

La Realeza Group of Companies. Hmm. ENTER! Andaming lumabas, pero sabi nga nila, always start with Wikipedia. Kaya yun ang pinindot ko.

The La Realeza Group of Companies is a business conglomerate originally owned by the Realeza Family. In 1992, it has been a joint company, as the only son of Don Gerardo Realeza, Gideon Realeza, now,  the Chief Executive Officer of La Realeza Group married the only successor of Olivares Group of Companies, Clarissa Olivares-Realeza.” 1992 sila kinasal?? Pero 1992 ako pinanganak.. Lalo akong naguluhaan, pero pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa. Sa ibaba may mga pictures. One is a picture of a man, mukhang nasa late 40s, formidable-looking, tapos may nakasulat.. Gideon Realeza, CEO of La Realeza Group of Companies.  – So, siya pala yun. Bakit parang wala akong maramdaman? Anu nga bang ineexpect ko? Di ba nga nasanay na ako? I never met him. This is reality. Walang lukso ng dugo kapag namulat ka at nagkaisip na hindi nakikilala ang isang tao. Kahit gaano pa kaimportante ang role niya sa buhay mo.

I scrolled down, there was another picture, him with another woman, must be in her 40s pero makikita parin kung gaano siya kaganda. Ayoko mang isipin pero, they look good together. Ayoko ding maging biased pero I can’t help but hate the thought of my mom, seeing this picture. Anu kayang naiisip niya habang tinitignan niya to? Panu ba kasi humantong ang lahat sa ganito?

Last picture was a family picture. The caption was ‘La Realeza couple together with their daughters. Clarisse, 16, and Gilea, 13. Taken 2012.’ This was taken 2 years back, so, 18 at 16 years old na ang mga anak nila… my half-sisters. How can other people be so lucky? They have almost everything in the world. Samantalang ako, wala. Kelangan kong magbanat ng buto para mabuhay. I have to endure pain and lonliness almost everyday of my life because I’m alone. Until, I’ve learned to live with it.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Saya, lungkot, galit. Saya dahil at least, I’ve known who my father is. Lungkot dahil, kahit anung gawin ko, there will never be a happy and complete family for me. He has his own family, and my mom is gone. Kahit kelan hindi kami maku-kumpleto. Galit dahil antagal-tagal kong naghintay. Ilang birthday wishes ba ang inilaan ko para sa kanya? Bakit hindi niya hinanap si Mama? Anung bang namagitan sa kanila? Lalong nanganak ang mga tanong sa isip ko, pero hindi naman lahat ng yon kayang sagutin ng internet eh. Pero alam mong may kayang sumagot sa tanong mo. Bakit di mo subukan?

Brrt-brrt..

Di ko talaga ugaling gumamit ng message alert tone. Naka-vibrate lang ang cellphone ko most of the time. Sa calls lang ako gumagamit ng tones. Di ko din kasi ugaling gumamit palagi ng phone eh.

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon