Chapter 25: Day 2

24 1 0
                                    

Chapter 25: Day 2

Alexis' POV


Ang aga kong gumising. Parang feel ko kaya yung drama na 'watching the sunrise by the beach'. Alam nyo yun? Sa probinsya lang kasi magandang gawin yon. Sa Manila naman kasi, posible naman yun, that is, kung nasa mataas kang lugar, dahil kung wala ka naman sa ika-37th floor ng building niyo, eh mag kasya ka na lang sa 'rays of sunlight'. So, in short, bumangon talaga ako ng maaga, 5:00am to be exact, nag-alarm ako eh, buti nga hindi nagising yung ibang girls. Ang sarap talaga sa feeling na maglakad sa beach ng ganito ka aga, napaka peaceful. Gusto ko pag nagkaron ako ng pamilya, magpapatayo din ako ng bahay malapit sa beach. Nakakita ako ng putol na kahoy malayo-layo sa bonfire namin, dun ako umupo. Medyo malamig yung hangin, di pa mandin ako nagdala ng pang balabal. Haay. Na-miss ko yung buhay sa probinsya. Simpleng buhay. Siyempre na-miss ko din yung mama ko, grabe, pag ganito yung mood ko, feeling ko mag-isa lang talaga ako.

Wooossh! ß--Malakas na hangin yan with matching hampas ng alon. (2 in 1; Walang kokontra.)

Anak ng tinapa, ang lamig. Napaka peaceful ng lugar to the point na parang nakakalungkot na. Nasa gitna ako ng pag rereminisce nang buhay namin ng mama ko nang maramdaman kong may naglagay ng kumot sa balikat ko.

"You woke up early. Ang lamig, di ka nagdala ng jacket." Si Matthew, ang aga naman niyang gumising.

"Thanks. Nag-alarm talaga ako. Gusto ko lang mapanood yung sun rise." Medyo lumalabas na yung sun. Ang ganda ng view.

"Yeah. That's something we don't usually see in the city." Hmm. Masyado ata siyang malumanay?

"Onga." Basta lang may maisagot.

"Kanina, you seem sad. Anu iniisip mo?" Record breaking tong usapan namin, hindi pa kami nagbabangayan ah.

"Ah. Wala.. Yung mama ko lang. I just missed her."

"Ah.. how about your Dad? You don't miss him?"

"A-ah.. I-I don't talk about him." Di ko alam kung anong sasabihin ko, mas mabuti nang wala akong sabihin para hindi na siya ulet magtanong.

"Ah.. Okay." Full blast na yung araw. Medyo naiinitan na din kami sa pwesto namin pero wala parin ni isa saming gumagalaw.

"Ahm... Tara na sa loob? Mainit na din dito." Ako na nagyaya, pagtingin ko sa kanya, he's looking at me intently.

Dug, dug..

Dug, dug...


"A-ahhh..."

"Tara na. Gising na din ata sila." Nagbawi na siya ng tingin tapos inabot niya sakin yung kamay niya para alalayan akong makatayo.

"OMG!! HHWW nanaman kayo!!! Waah! I'm so kilig na talaga and inggit at the same time! What time did you woke up ba? Tsaka magkasama na agad kayo ah. Iba na talaga yan brother!" Hanep sa pang-asar to si Margaux. Eto namang si Matthew, kanina ko pa inaagaw yung kamay ko, ayaw niya talagang bitawan. Problema ba nito?

"HHWW??" -_- Saang planeta ba nanggaling tong si Matthew?

"Holding hands while walking! My golly! Yun lang di mo pa alam?" Sige, i-explain mo pa Margaux.

"Yun ba yon? Eh di kung naiinggit ka, maghanap ka din ng ka holding hands mo." Eto talagang si Matthew, patulan ba si Margaux?

"Hey, guys! Uy kita ko yan Matt ah! Kayo na ang HHWW! Hangsweet! Kelan din kaya ako?" Arg! Andami nang nakakakita ang higpit parin ng hawak ni Matthew. Hay, bahala nga siya!

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon