Chapter 16: New Member
Alexis's POV
Magdadalawang linggo na magmula ng makilala ko ang Benettons, at madalas na din akong sumabay sa kanila. Nakakahiya nga lang kasi sobrang sikat pala sila dito sa school, kaya hindi ko maiwasang hindi marinig ang pangalan ko sa mga chismisan ng ibang students.
"Who's that girl ba na laging kasama nina Angela? Don't tell me new member nila yon? Eew ha." Eew daw ako? Ingudngod kaya kita.
"I don't know. Pero ang alam ko, close friend siya ni Margaux, whose going to be my future sister-in-law." Future sister-in-law? Talaga naman. Push mo yan te.
"I heard Benettons have new members ah. Ang alam ko, there are three of them. Margaux, which is Matthew's sister, Gilea Realeza, La Realeza heir and the other one.. hindi ko kilala." Okay. I don't expect them to know me anyway. Mas onting nakakakilala, mas maganda. Mahirap na baka kung anu pang malaman nila.
"I already saw the one your saying. She's like a maid ha. I mean, I've always wanted to be a part of that group noh. Imagine, kasama mo palagi sina Vince, Gerome, Matthew and Damon. Haay. Tapos, isang tulad lang pala non ang isasama nila sa group nila? Yung girl naman, OMG, feel na feel. Eww." Nakakadalawang eew na ako. Paano namang naging feel na feel ko aber? Hindi ko naman intensiyon yun noh. Tss.
Para hindi na lalong masira ang araw ko, pumunta na lang muna ako sa canteen.
"Alex! Here! You join us!" See? Hindi ko kelangang sumiksik sa kanila kasi sila mismo ang tumatawag sakin. Tss.
"OMG! Siya ba yon? Did she hear us kaya?" Ay oo. Ang lakas kaya ng boses ninyo. Makapanlait. Haist!
"I don't care naman if she heard us noh. Totoo naman talaga yon." Anak ka nang! Hindi ko na lang pinansin, mahirap na, baka magkasagutan pa kami, hindi ko pa siya matantiya. Dumerecho na lang ako kina Angela.
"Girl, why aren't you using the clothes that we bought?" Paawa effect pa si Larissa. Medyo naiilang kasi ako. Panu naman kasi nung binuksan ko yung mga binigay niya, puro super fit. Bihira ako gumamit ng super fit kasi, medyo malaki yung 'ano' ko. Alam mo yun, halatang halata sa fit yung boobs ko. Nakakahiya talaga! Hehe. Oo na, ako na ang gifted. -_- Hindi ko naman hiniling yon.
"Ah. Eh. Bukas na lang. Hindi ko pa kasi nalalabhan." Palusot ko na lang. Pero syempre dahil super excited ako dun sa mga bagong damit na yun, kinaumagahan mismo nung malling namin, nilabhan ko na yon. Hehe.
"Baka naman you don't like it? Its okay, you can change it na lang with the clothes that you like. Gusto mo, punta tayo sa mall later?" Hala. Sige na nga, susuotin ko na talaga bukas.
"Ha? Ay hindi, gustong gusto ko kaya yun. Promise, bukas talaga susuotin ko yun." Nag-promise na ako. Bahala na bukas.
"Okie. Promise yan ah. I picked out the clothes na suitable to your personality. Feeling ko kasi, pa-mysterious ka eh. I mean, you don't talk about yourself much. Alam mo yun? Sabi nga ni Gilea, 'astig' ka daw. Hehe." Kaya pala karamihan black yung mga damit, akala ko tuloy gusto nya akong irecruit sa kulto. Hehe.
"Baka naman kasi may tinatago kaya hindi masyadong ma-kwento." Si Damon yung nagsalita. Ninerbiyos ako bigla. Hindi kaya, alam na nila? I mean, di ba maimpluwensiya sila? Hindi kaya pinaimbestigahan na ako nito? Hala.
"A-anu naman ang itatago k-ko?" Sh*t. Nauutal nanaman ako. Eto ako eh. Ganito ako pag ninenerbiyos.
"Ah. Ano.. Uhmm. May klase na pala ako. I have to go." Hindi ko na siya hinintay na makasagot, umalis na agad ako. Pero may humarang sakin after kong lumiko from the canteen.
BINABASA MO ANG
La Realeza (The Royalty) - COMPLETED
RomanceAlexis Serrano. Miss Independent. Not by choice but that's what she must be. Beautiful, simple and intelligent. She has that devil-may-care attitude that people sometimes regard as negative. Panu pag dumating yung araw na mabulabog ang simple nyang...