Chapter 3: Calls

30 0 0
                                    

Alexis’ POV

Sa office…

9pm: WORK

WORK

WORK

3am: Thank God  3 hours na lang.

4am: Makakuha nga muna ng kape.

“Alex, di ba dati kang nasa Department C?” Tanong nung bagong TL ng Department C na dati kong kinabibilangan.

"Yes po. Bakit?"

“Familiar ka pa ba sa project na yun?” Malamang. Di pa naman ako natatagalang ilipat sa Department A noh. 

"Opo." Sagot ko na lang.

“Kasi may magaabsent sa team, eh kelangan naming maka-quota today, pwede ka bang magdouble shift today? Handle mo muna yung sa isang agent.” Ay hindi, ayoko. Excited na nga akong umuwi db?? Haist.

“Sure, mam.” Anu ba sabi ko? Hay naku. Sayang din kasi yun. Kaya ko to! Fight! Pwede ko kayang i-swero sa sarili ko yung kape baka sakaling mas effective? Psh.

2pm: Haist. Pauwi palang tuloy ako. Haay! Makasakay na nga sa bus.

Pagdating sa unit. Chineck ko yung phone ko.

4 messages received

6 missed calls

 

1st message:

From: Sis

Sis, wala talagang kupas ang cookies mo! Yummy! Thankie. Sa susunod damihan mo pa, andaming nauubos ni Jonas. Why don’t we sell your cookies in my shop?

-_- Si Chantal talaga, puro negosyo. He-he.

2nd msg:

From: Globe – di ko na binasa. Derecho na delete. Ha-ha

3rd msg:

From: Bes

Bes, pasensya naman kanina. Musta? Baka makabalik ako ng Manila by the end of the month. Jamming tayo. Sama mo si Miss Minchin. (Tawag ni Chris kay Chantal. I’m sure magbabangayan nanaman tong dalawa pag nagkita. Hay naku.)

4th msg:

From: Jonas

My love, seryoso ako kanina. Promise! San kapa makakakuha ng ganong deal? Kiss lang ang downpayment. Sige na. Mwah! Mwah! tsup! Tsup! Btw, ang sarap ng cookies. Pwede ka nang mag asawa. Haha. (sira na talaga ulo ni Jonas. Tsk. Tsk. Kawawa naman.)

Missed calls:

Yung 2 galing kay Chris. Isa kay Chantal.

At yung 3? +63907+++++++ Sino naman kaya to? Hmm. Baka tumawag na lang ulet. Sinet ko na lang yung alarm ko ng 6pm para sakto sa shift ko ulet mamayang gabi.  Inaantok na talaga ako. Goodnight world.

ZzzzZZzz

At Waldorf Astoria

Kasalukuyang nasa meeting sina Mr. and Mrs. Manuel Corpus ng lumapit ang sekretarya ni Mr. Corpus.

“Excuse me Sir, you have a phone call, its urgent.”

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon