Chapter 1: Miss Independent

41 1 0
                                    

CHAPTER 1 :MISS INDEPENDENT

First of all. Ako si Alexis Serrano, 21 years old. Nurse ako by profession, pero nagtatrabaho ako as a call center agent sa isa sa pinakamalaking call center dito sa Makati.  Physically, ok lang. Beauty? sakto lang. Sabi nila maganda ako, hindi nga lang exceptionally beautiful plus the fact na hindi ako mahilig mag make-up. Ok na rin yun, choosy pa ba ako?  Sexy? Well, dyan naman ako aminado. Ha-ha! I'm sexy and I know it! But I don't flaunt it. Hindi ako mahilig sa fit clothes at sexy dresses. In short, simple lang ako.

Haay. Lunes nanaman. Back to work. Back to reality. Nakakatamad!  Anong oras na ba? 9am palang. Graveyard shift ako kaya 9pm to 6am ang trabaho ko. What to do? What to do? Ting! Matawagan nga si Chantal.

Chantal is one of my best friends/savior. Perfect description nya? The bitch with a heart. Bakit? Malalaman nyo din. I'm living in one of the most expensive condominium FOR FREE because of her. Pag-aari lang naman niya ang 30 flr building na to. It's actually one of their family's business, pero nung 2nd yr college siya, pinasa na sa kanya ng Daddy nya ang pamamahala nito.

Ring! Ring! Ring!

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.. blah, blah, blah.

Nakadalawang ulit pa akong nag-dial bago ako nag give-up. Hmm. Mukhang tulog pa yung isa. Masubukan nga yung isa pa. Si Chris.

Chris is my long time best friend. We've been friends since we were in high school at hanggang ngayon solid pa rin kami. Sa Bicol kami nagkakilala ni Chris, dun na kasi ako nag high school,  after kong lumipat from Manila to finally, stay with my mom.  Single parent kasi ang mom ko, at solong anak din lang ako. Sa Bicol siya nag-work at dahil wala siyang katuwang sa buhay, wala din pwedeng magbantay sakin, so iniwan nya ako sa Manila noon, sa bahay ng tita ko.

Ring! Ring!

 

[....] Ayun sumagot.

"Uy panget. Musta ka? Anu balita? Kelan ka naman ba papasyal dito?"

[.....hmm....]

"Chris? Uy. Andyan ka ba?"

[A-ah.. Bes? A-ano.. pwede... babe, sino yan? Hmm..ang aga pa eh. Balik ka muna sa bed.

Yeah, babe saglit lang. A-ah bes? Wrong timing ka eh. I'm with someone, you know. He-he.]

"Aish. Anu ba yan Crisostomo? Ka Lunes-lunes, meron ka nanamang na denggoy jan. Sige na."

[Anong na-denggoy?  nag-volunteer to uy! Babe, matagal ka pa? I'm taking a shower na. Ha? Wait for me!] Aish, manyak talaga to kahit kelan! 

"Sige na! Haist. "

[*blag*... hmm.. babe, wag jan... ]

O_O

 

Anu yun? Haist. Maibaba na nga to, feeling ko tumutulay sa telepono ang ka-manyakan ng lalaking yon. Eew!

Haist. Wala namang magawa eh. Buti pa makapag-bake na lang ng cookies. Dadaan na lang din ako sa coffee shop ni Chantal mamaya. Yup. Meron pa siyang coffee shop, ganun siya ka-busy at ganun siya ka well-off, to think na she's just 21 years old, tulad ko. Minsan, naiisip ko nga ang layo-layo ng estado ng buhay namin ni Chantal, pero, hindi ako naiinggit ha. Wala lang. Hay. Kung anu-ano nanaman  naiisip ko! Makapag-simula na nga!

12pm:tapos na ako magbake ng cookies. Nagpa-delivery na din lang ako sa Jollibee for lunch. Nakakatamad na kasing magluto pa. Hmm, may oras pa akong umidlip ulet. Makapag-siesta nga muna.

Zzzzz..

 It's going down, I'm yelling timber..

You better move, you better dance,

Let's make a night, you won't remember,

I'll be the one you won't forget.

 

Sino naman kaya to? Sarap ng tulog ko eh.

[Sis. San ka?] Uy, si Chantal.

"Hi sis. Kakagising ko lang. Andito ako sa unit. Pupunta sana ako sa coffee shop mamaya eh. Nag bake ako ng cookies. Dadalhan kita."

[Talaga? Yey! Dun ka na lang dumerecho sa shop ni Jonas. Daanan ko daw siya bago umuwi, ewan ko nga kung bakit.]

Jonas is Chantal's older brother, he's managing he's own car shop at tulad ni Chantal, he's also managing one of their family business, which is a 5-star hotel.

[Okie. Laters,sis. I'll get ready na.] 

Hmm. 4pm na, napahaba pala yung tulog ko. Anyway, makapag freshen up nga muna tapos dederecho na din ako sa shop ni Jonas. Haist. Pihadong dadating ako around 6pm na. -_- Late nanaman ako.

At Jonas' Shop...

 

*Boogsh*

Aray! Nabangga ako nung babaeng palabas ng shop. Mukhang umiiyak. Hala. Anu kayang meron dito?

Sa loob ng office ni Jonas, nakita kong mukhang galit at nagtatalak si Chantal. Di ko naman marinig kasi sarado. Eh, mukhang engrossed silang masyado sa pag babangayan. Maka-katok na nga  lang.

*Boogsh*

Ay naka naman talaga! Sakto namang nagbukas ng pinto si Jonas. 

"Uy, my love! Di ka naman nagsabing pupunta ka pala dito. Di sana nagpahanda ako ng banda! How are you, my precious? (ang pagkakasabi nya ng "my precious" parang si Golum lang sa Lord of the Rings.)

-_-  "Ewan ko sayo Jonas."

"Sis! Antagal mo naman! Haist!" sabay, palipad ng buhok. Mukhang ako pa ata mapagbubuntungan ng galit nito. Haist. Masama pa mandin tong magalit. Bumabagyo. Syempre, joke lang. He-he.

=_=  "Traffic sis. As usual."

"Kung bakit ba kasi ayaw mong kumuha na lang ng sasakyan dito ki Jonas tapos bayaran mo na lang, installment basis." Eto nanaman po tayo. Hay naku. Nakakahiya na kayang masyado noh. 

Matagal na akong pinipilit ni Chantal at Jonas na kumuha na lang ng sasakyan. Pano ba naman, lagi na lang akong late sa lahat ng usapan namin. Pero ayoko kasi sobra-sobra na ang naitulong nila sakin.

"Oo nga naman, my love. Kung ako sayo, kuha ka na lang ng sasakyan sakin tapos, yung bayad installment basis. Bale, pwede na yung kiss sa downpayment." Sabay patulis ng nguso nya na parang hahalik nga.

*bogsh* Brutal talaga si Chantal, kahit kelan.

"Tigil-tigilan mo nga si Alex, pwede ba ha, Jonas? Di ka pa ba kumu-quota sa dami ng babaeng pinaiyak mo? Idagdag mo na sa listahan mo yung kanina. Lisa ba yun? Hay naku. Sana lang wag ako ang makarma sa mga pinaggagawa mo sa mga kabaro ko." Mahabang litanya ni Chantal.

"Alam mo, di ko naman sila pinipilit. Sila mismo ang nagvo-volunteer." Aba sandali, parang narinig ko na yun ah. Tama! Kay Chris. Haist mga lalaki talaga!

"Hoy, Jonas, pag ikaw talaga nainlove at na broken-hearted sinasabi ko sayo, pagtatawanan talaga kita ng bonggang-bongga!" May pakiramdam din talaga akong makakahanap ng katapat tong lalaking to.

"That will never happen ladies. I don't fall in love, I only fall in lust. Ha-ha!" Eew talaga. Ay ewan, nakakapollute ang  pinagsasabi nito.

"Kadiri ka talaga Jonas! Ewan sayo! Tara na nga sis! We're going to eat at the hotel Jo, it's payback time. Don't forget to call out for our reservation, kay? Thankie! " Sabay hila sakin palabas ng shop, papunta sa kotse niya. Napakunot-noo na lang ako. Payback time? For what? Di ko talaga masakyan ang trip ng magkapatid na to.

Ayun, nag dinner na lang kami sa hotel na pinamamahalaan ni Jonas. After dinner, nagpaalam na din ako kay Chantal dahil dederecho pa ako sa work ko. Mga 20mins pa din namang byahe yun, sakto, pwede pa akong umidlip pagdating sa office. (Takaw-tulog po talaga ako. He-he)

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon