Chapter 27: Day 4

14 0 0
                                    

Chapter 27:Day 4

Alexis' POV


Ang lakas nang ulan grabe. And super lamig. Haay. Pagtayo ko nakita ko yung oras 6: 45am, nabungaran ko si Matt na natutulog sa sofa, nakabaluktot. Medyo maikli din kasi yung kumot niya. Lumapit ako sa kanya and placed my blanket sa may paanan niya. I remembered what happened last night at wala sa sarili akong napahawak sa labi ko and I smiled. Medyo nakakahiya din dahil muntik nang may mangyari kagabi, buti na lang talaga hindi ako nalasing kagabi, dahil malamang, may nangyari nga samin kung nagkataon.

Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush, pakatapos bumaba na ako. Naabutan ko si Mannag Tonya na naghahanda nang agahan.. pero wala pa ata ni isang gising sa kanila, pumwesto ako sa isang rocking chair na pinaharap ko sa bintana. Kitang kita ko yung malalakas na hampas ng alon.

"Manang Tonya, dito ho ba yan natulog?"

"Hindi po Sir, bumaba po siya kaninang maga-alas siyete, nakatulog lang po ulit."

"Honey, wake up. Ang lamig dito." Naalimpungatan ako. Akala ko kanina nananaginip lang ako ng makarinig ako ng parang nag-uusap, totoo pala. Pagtingala ko,nakita ko si Matthew.

"Hey, sleepyhead. Bakit bumangon ka na, inaantok ka pa pala?"

"Hey.. di ko namalayang nakatulog ako. Anong oras na ba?"

"8:30 na. Siguro magi-isang oras ka ding nakatulog dito. Tara mag-breakfast na tayo, mukhang wala pa ding nagigising sa kanila eh." Sasagot na sana ako nang makita ko na ding pababa sina Margaux at Gilea, kasama na din sina Vince at Gerome.

"Morning. Dito ba kayo natulog?" -_- Mukha bang may tulugan dito sa sala Gerome?

"Hindi. Maaga lang talaga kaming magising hindi katulad sa inyo."

"Ows? That's new Mateo ah. In fact, you look different. You seem happy? Meron ba kaming dapat malaman?" Makahulugan yung ngiti ni Margaux at syempre I'm not naïve para hindi malaman ang pinapahiwatig niya.

"Bakit ba? I'm always happy noh. Di ba hon? Tara kain na tayo." Hinila naman ako ni Matthew papunta sa dining table. Malapit na kaming matapos nang magkasunod na bumaba sina Larissa at Damon.

"Si Angela?" Wala sa sarili si Damon.. parang walang narinig eh.

"Dude, si Angel?" Untag ni Gerome.

"A-ah...  grabe yung hang-over eh."

"Talaga? Buti pa puntahan ko muna sa room niyo, tapos na din akong kumain eh."

"NO! A-ah.. ginising ko siya bago ako bumaba pero nagbilin siyang wag istorbohin, masakit daw kasi ang ulo niya. Dadalhan ko na lang nang breakfast niya mamaya." Okie.. sabi niya eh. Ang haba ng sinabi, parang hindi si Damon eh. Hehe.

Ala-una na nakababa si Angela, sumakit daw kasi talaga yung ulo niya. Hindi kasi sanay uminom. Hmm. Mukhang okay na din sila ni Damon, pero still, hindi parin sila masyadong nag-uusap.

Bandang alas-tres nagbrownout.. buti na lang may generator dito. Nasabi din samin ni Manong Ramon na signal no. 2 daw kasi kami.. ineexpect daw yung bagyo mamayang gabi. Haist. Sayang naman yung bakasyon namin. Safe naman daw sa kinalalagyan namin tsaka syempre matibay ang resthouse nina Larissa. Around 5 pm, nawalan nang signal yung mga phone namin. Hala. Gustohin man naming magpahatid pabalik ng Manila, hindi na pwede dahil malamang na 0% visibility na daw sa taas at malalakas na ang hampas ng alon sa dagat. Wala naman kaming nagawa kundi ang maghintay.

"H-hey..." Nasa sofa ako tapos tinabihan ako ni Matthew.

"Hmm..."

"You know, I could get used to this."

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon