Chapter 20: Kiss

16 0 0
                                    

Chapter 20:Kiss

Alexis POV


Brrt-brrt! Brrt-brrt!

+639079876543 calling...


Sino naman kaya to?

"Hello??"

[Good morning honey. Tell me your address, I'll fetch you.]

"M-Matthew?"

[Walang iba. I got your number from Margaux, its funny na boyfriend mo ako pero wala akong number mo. Buti na lang at pakalat kalat lang ang cp ni kulit dito sa bahay.]

"Please stop saying na boyfriend kita. Jeez!" Nakakailang. Hay naku. Ang akala ko pa naman ga-graduate ako sa MU na invisible. Yun pala magiging sentro pa ako ng chismis.

[Haha. You really are different. Anyway, text me your address immediately. I'll fetch you.]

"Di na kelangan. I can manage. Ok?"

[Sa tingin mo ba hindi magtataka ang mga taga MU kung magkahiwalay tayong pupunta sa school gayong halos iannounce ko ang relasyon natin kahapon? Magtataka sila, magtatanong, at hindi naman pwedeng hindi ako sumagot di ba? Ang kaso, baka iba ang masabi ko sa kanila eh. Sa tingin mo?]

"Damn you Matthew!" Grr.

[I'll be waiting honey.]

"Haist! Hintayin mo lang ako sa 7/11 malapit sa MU. Tutal maaga pa naman magco-commute na lang ako. Dun mo na lang ako hintayin tapos sabay na tayo papasok para kunwari magkasabay tayo. Ok?"

[Fine. See you later honey.]

"I-honey mo mukha mo!" Tindi mam blackmail. May pahoney-honey pang nalalaman! Makapag ayos na nga! Leche!

7/11...


Matthew's POV


Tignan mo yan babaeng yan! 20mins na akong naghihintay dito ah! At walang kahit na sinong nakagawa ng ganon sakin. Yung ibang babae nga 30mins pa bago ng usapan namin nasa meeting place na, samantalang ito, ako pang pinaghintay!

Haist! Bahala nga siya! Mauuna na ako! Palabas na sana ako ng humahangos na pumasok si Alex sa store. Akalain mo nga naman, kung san sa paalis na ako saka naman siya dumating.

"Alam mo ba kung ilang minuto mo akong pinaghintay?? Ha!"

"Sorry naman! Eh sa ma-traffic! Sino ba kasi ang gustong magkasabay pa tayong pumasok sa MU?? Ideya mo to kaya magtiis ka!" Aba't talagang sasagot pa. Sandali, bakit ganito ba ang suot ng taong to?

"Bakit ba gustong gusto mo ang naka-maong pants at rubber shoes ha?? My God! Hindi ka ba sinusustetuhan ng matandang Realezang yun ha?" Nanlaki naman yung mata niya.

"Yang bibig mo! Dios mio! Tara na! Wag mo nang laitin yung damit ko! Kung hindi ako nagcommute malamang mas matino ang suot ko! Nakakapagod kayang magcommute ng naka sandals!"

"Ang sabi ko kasi sayo susunduin kita sa bahay mo! Bakit ayaw mo? Nahihiya ka sigurong may makakita sakin sainyo noh? Bakit? Pumupunta din na ba don ang lover mo?"

"Wala akong pakialam kung may makakita sayo ok? I live alone! So I don't care!" Alone?

"Kelan ka pang namuhay ng mag-isa?"

"My mom died when I was 19. Since then I learned to live alone." Hindi na ako umimik ulit, nasa parking area na din kasi kami ng school. Kaya pala siya pumatol don. She doesn't have anyone. Baka kumapit lang siya sa patalim. Di ba ganon naman ang usual reason ng mga babaeng naiipit sa ganong sitwasyon. Maliban na lang kung mahal niya nga yon? Pero hindi ko talaga lubos maisip.

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon